what once exist

634 17 3
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-EIGHT
what once exist
━━━━━━━━━━━━━━━━

Tulala lang ako sa labas ng bintana habang masinsinang naguusap-usap sina Paris at Avelle sa may sofa sa gilid ng kwarto. Silang dalawa lang ang nandito ngayon si Pinas. Si Solace ay lumuwas dahil sa pasyente niya, Vienna is nowhere to be found still, and the rest together with my cousins still have their own predicaments to finish.

Hindi pa alam nina Aya at Avi na buntis ako. Sabi sa'kin ni Paris ay mas pinili nilang huwag muna akong istorbohin pagkatapos ng natuklasan. Gaya ko ay hindi rin sila makapaniwala pero ang pinakanaaapektuhan daw du'n ay si Aya. Nagkukulong na siya sa kwarto niya. Ni hindi na kumakain pero kahit gustuhin ko mang konsolahin siya ay hindi ko magawa kasi nasa parehong lagay kami.

Napahimas ako sa tiyan ko at napatingin kina Avelle at Paris na parang nagbabangayan at nag-uusap kung ano nangyari sa'kin. Kasabay nu'n ay ang pagkirot ng dibdib ko sa biglaan kong natuklasan.

Buntis ako. At kahit itanggi ko man sa sarili ko ay alam kong si Gazer ang ama ng magiging anak ko. Hindi ko maisip ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling malaman niya at ayoko ring malaman niya muna. Kapag nalaman niya ay tiyak wala na akong kawala.

"You hid Alleia from her father, Velle! Aster shouldn't do the same! You know yourself ilang beses nagtanong si Alleia patungkol sa ama niya at ilang beses kang nasaktan dahil do'n. Aster can't bear that kind of pain, not from her own child soon. Hindi siya tutulad sa ginawa mo." Himutok ni Paris na napatayo at naaawang napatingin sa'kin.

Ngumiti na lang ako at umiwas ng tingin. Itinago ko ang kamay kong kumuyom dahil sa narinig.

"I won't tell him. I'll let the odds handle me. Wala akong lakas ng loob na sabihin sakanya." Sabi ko sakanila.

Of course, I can't really just go back to him, not after what I did just for him to let us go. Masyadong mataas ang pride at ego ko.

"Aster, you don't want your child to grow up without a Father, don't you?" Napatayo na rin si Avelle. For all I know, she once hid her daughter, too.

Umiling ako, "No. But some things are just unpredictable. I can't tell him... yet."

"Okay, you can't tell him pero mahirap maging single parent, Ast. We all have lives to tend to, hindi ka namin masasamahan lagi kahit na gustuhin man namin. We're all in our 30s. Life has already started for some of us." Pumameywang si Avelle.

Ngumuso ako, "I think I can raise my own child."

"Pero paano ka? Can you raise yourself?"

"I already did. And I can do it again."

"What about your child?" Tanong naman ni Paris, "What if time comes na tanungin ka ng anak mo patungkol sa ama niya?"

"I'd tell my child that he's dead."

"Aster!" Saway ni Avelle.

Bumusangot ako, "What do I tell to my kid then? Na mas pinili kong huwag sabihin sa ama niya na nabuo siya pagkatapos ng kalbaryong hinarap ko?"

"You have a kid inside you, Ast. Isipin mo naman ang bata. Tataguan mo si Gazer ng anak? He deserves to know." Giit ni Paris.

I sighed, "I'm thinking of the kid, Paris. It's just that it's hard for me to think about what will happen once I tell him. Tiyak na hindi ako papakawalan nu'n. Worst is baka ayain pa ko ng kasal."

"Ayaw mo nu'n?"

Umiling ako kay Avelle, "I don't want to be with him."

"Pero mahal mo?"

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon