just as the unseen

626 15 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━ 
CHAPTER THIRTY-EIGHT 
just as the unseen
 ━━━━━━━━━━━━━━━━

Gazer decided for me to stay in his house after what happened. Hindi na ako nakapagpaalam kay Paris dahil sa halingling na narinig ko sa kwarto niya nang kakatok sana ako, kina Aya at Avi na lang ako nagpaalam na aalis panandalian tapos nag-send na lang ako ng text kay Paris na kung maaari ay doon muna mga pinsan ko. 

I was about to decide not to leave because I'm worried for Aya's pregnancy, but Avi told me not to and she'll take care of our cousin at once. Ganu'n din ang sabi ni Paris sa text pagkatapos ng ilang oras kaya medyo napanatag naman ako. 

Gazer, on the other hand, also told me that he went on leave two days ago after the event with his employees, but that wouldn't equate to how much work he'll tend to after being in vacation - speaking from experience. Still, he assured me not to worry dahil 'yung nakakatandang Denuevo naman daw sasalo ng trabaho niya.

I wonder if the Denuevos have some kind of debt to him and they're doing all of this. Sobra-sobra na 'ata 'yung tulong nila lalong-lalo na ang pagpapalaki kay Gazer at Caliem.

I sighed heavily when Gazer stopped by a huge three-storey house. It's already night and even though it's dark, I can still see his house's exterior design which is a mixture of gray and white, his lawn is filled with lights accompanied by a lot of flowers and bushes, and everything around his house is so minimal yet so elegant at the same time. Mukhang sobrang mahal ng bahay na 'to lalong-lalo na't may kalakihan din siya at 'yun din 'ata ang pinakamalaking bahay sa pinasukan naming villa.

"Besides the ones you bought last time at the mall, I don't have any clothes for you aside from the ones I didn't use yet. Feel free to use it." Ani Gazer habang tinatanggal ang seatbelt bago lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.  

He smiled at me. Iniwas ko lang ang tingin ko ro'n at tinanggal din ang seatbelt ko para lumabas. Doon ay mas lalong lumiwanag ang view ng bahay niya sa'kin. Sobrang ganda at sobrang laki pala talaga nu'n ngayong hindi na siya natatakpan ng tinted car window ni Gazer mula kanina.    

Iginiya na rin ako ni Gazer papasok at hindi ko maiwasang hindi mapakurap sa disenyo ng buong bahay niya. Unlike the exterior design, the interior design of the house is filled with a scandinavian motif. Sobrang simple ng loob, puno ng mwebles, salamin, at mga mamahaling painting ang bahay. Sobrang minimal din ng mga gamit at mula rito ay kitang-kita sa glass doors sa likod ang isang infinity pool at bar counter sa gilid. 

Rinig kong pumalakpak siya ng dalawang beses at lumiwanag din ang pangalawang palapag ng bahay na ang railings ay salamin. Mas lalo akong napamaang at nahiya na inimbita niya ko rito. This is like my dream house na prinopose ko as a project sa mga high-end engineers noon pero hindi ko na natuloy dahil ang dami kong trabaho.

I also have my own house in Paris' exclusive subdivision, but I rarely went there dahil mas prefer ko ang services ng condominium units. Walang-wala rin naman ang bahay kong 'yun sa bahay niya ngayon.

Unbelievable. Just how rich did he become in a span of four years?

"I should cook for dinner. Do you have anything you would love to eat? Anything." He emphasized 'anything' as he walked passed me para ilagay ang hinubad niyang coat sa sofa. Nilingon niya ako, nagtatanong ang mukhang nakangiti.

Isang lunok ang ginawa ko dahil hindi ako makapag-isip ng kakainin habang nakatingin sa postura niya. 

Isang puting turtleneck na nakatuck-in sa slacks lang naman suot niya pero umaapaw pa rin ang karisma niya lalo na't gumulo ang buhok niyang bahagyang tumatabon sa makapal niyang kilay. 

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon