and in his words

616 17 7
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER NINETEEN
and in his words
━━━━━━━━━━━━━━━━ 

Minutes turned to hours, hours turned to days, and days turned to weeks. Tomorrow will be a huge day for me because my publishing company is finally opening after the hard work. I eventually held a party to congratulate everyone on the project. I prepared a speech to motivate them about the better outcome of the company in the future and everything, and now? I'm just taking my sweet time to rest before tomorrow.

Every day had been busy for me after all. It got me tired and all, but when Gazer called to inform me last time that he's going home ay hindi ako nagdalawang-isip na ayain siyang magliwaliw muna bago ulit ako bumalik sa trabaho. Natuwa rin naman siya kasi pinaunlakan ko 'yung sinabi niyang huwag ako magpakalulong sa trabaho.

If only he knew that it's just an excuse because I want to see him.

We spent a lot of days together then. Sa gabi ko na ginawa 'yung iba ko pang trabaho tapos kapag umaga naman ay inaaya ko siya lagi na ipagdrive ako sa mall, sa malapit na beach or pool sa condo, or 'di kaya ay binibisita namin 'yung mga bata sa plaza para samahan silang kumain.

Sinasama ko siya sa lahat ng lakad ko, he's even attentively listening during my meetings, and he's always motivating me to do my best. 

We became the closest during those short period. We even shared the same room in my condo pero dahil nakonsensya ako na nasa sahig lang siya lagi nakatulog ay nag-order ako ng panibagong kama sa furniture shop ng kaibigan ni Ashton atsaka pinalagay ko sa bakanteng space sa kwarto ko.

Gulat na gulat pa siya nu'n 'nung sinabi kong doon na lang siya matulog o tumira kaysa naman sa bumiyahe pa siya lagi para lang makapunta sa kompanya. I even reasonated that I don't know how to take care of Whisker kaya talagang pumayag na siyang lumipat na lang doon sa'kin kasi napamahal na rin siya ro'n sa pusa.

By then, he became not just my assistant but also my cook, my cleaner, and everything in my home. And of course, I added his pay. 

Ngayon naman ay kasalukuyan kaming nanonood ng movies sa Netflix kasi Sunday naman ay pareho kaming may day-off sa trabaho. Tawang-tawa pa ako sa mga reaksyon ni Gazer kasi pinanood namin 'yung Red Sparrow na movie at hindi niya inaasahang may mga bed scenes pala siya na sobrang obscene. 

"You look so red. You never watched a movie with bed scenes before?" Natatawa kong tanong kay Gazer na halos maging kamatis sa pula habang napapakurap lang dahil sa tanong ko. His adam's apple even moved back and forth dahil siguro sa pressure kaya't talagang natawa na ako nang tuluyan.

"You never did. It's obvious." I teased him bago binalik ang tingin ko sa artistang si Jennifer Lawrence and how she acted well on that bed scene.

"Wala naman po akong girlfriend atsaka ayokong may gawin kami kung hindi pa kami kasal." Rinig kong bulong ni Gazer. I thinned my lip to prevent myself from smiling.

"You're so conservative. Wala ka bang may nagustuhan mula noon?" Tanong ko. I tried to remain nonchalant in between my words na parang wala lang sa'kin 'yung tanong pero big deal talaga 'yun.

"Mayroon naman po 'nung College ako."

Nalaglag ang ngiti ko, "Anong nangyari?"

He shrugged, "Wala lang po akong pag-asa sakanya kasi sobrang ganda at sobrang talino niya rin. Siya 'yung pinakanagustuhan ko pero hindi ko sinubukang lapitan man lang kasi narinig ko ring wala siyang may kahit na isang pinauunlakan sa lahat ng manliligaw niya. Ano na lang kaya ako na walang may maibibigay sakanya?" Kwento niya. May kumirot naman sa dibdib ko nang makita ko kung paano kumislap at nalungkot ang mata niya. 

Ayoko mang aminin pero nagselos ako saglit. Saglit lang naman kasi noon pa naman 'yun pero if there are odds then...

"Gusto mo pa rin ba siya ngayon?" I tried to ask, hopeful that he won't nod or say something that will make me silent.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon