━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY-FIVE
until they sunder
━━━━━━━━━━━━━━━━I can't even stop my legs from quivering while I was walking on the foyers of Paris' house, which Gazer thought of as my house. Hinatid ako ni Gazer do'n kahit na sinabi ko namang kaya kong bumyahe mag-isa kasi hindi ko nadala ang Lexus ni Paris nitong umaga. He still insisted, saying stuffs like it's his compensation for what he did, so I let him anyway because he really got me devastated.
Hindi na rin kami nakapaglibot ng mall. Gulat na gulat din ang mga saleslady nang sabay kaming lumabas sa fitting room habang buhat-buhat niya ako, pero isang ngiti lang ang sinagot niya bago nagsinungaling na sumama ang pakiramdam ko habang ako naman ay halos itago ang mukha sa dibdib niya dahil sa hiya at pangangatog ng binti ko.
Lumabas siya na dala-dala ako sa bisig niya. Sa inis niya ay may event pa kaya hindi siya madaling nakalusot. Alam kong pinagtitinginan din kami nu'n, hindi naman ako tanga pero wala siyang pakialam dahil kinausap niya pa nga ang guard ng event at may binulong do'n. Napatingin pa sa'kin ang guard na awang ang bibig bago tumango-tango at sumenyas sa mga tao na gumawa ng daan para sa'min.
Sa sobrang gulat at hiya ay nagpanggap akong tulog sa bisig niya para walang may makakilala sa'kin. Mukhang inenjoy din ng gago ang pagbuhat sa'kin dahil hindi mawala-wala sa labi niya ang ngisi hanggang makarating kami sa kotse niya't pinagdrive niya ako papunta sa bahay ni Paris.
Maingat siyang nakahawak sa bewang ko ngayon, inaalalayan ako sa paglakad habang hawak-hawak niya sa kabilang kamay ang paper bags na naglalaman ng pagkaing binili niya on the way here pagkatapos niya akong pahirapan sa fitting room. Buti na nga lang at medyo nakalakad pa ako tapos pinapasok lang kami ng guard kahit hindi siya registered sa subdivision na 'to."I'm sorry." Paumanhin niya nang maidala niya ako sa harap ng double doors ng bahay. Napangisi naman ako atsaka pinakatitigan siya mula sa mapupungay niyang mata, medyo makapal at nakaahit niyang kilay, sobrang tangos na ilong, at ang panga niyang sobrang nakadepina.
Ang gwapo. Letse. Walang pinagbago.
"I didn't know that behind these strong features of yours, you were the jealous type, Gaze." I chuckled before grabbing the bags he brought, "Thanks for bringing me here. Mauuna na ko sa loob."
Ngumuso siya, "Won't you invite me inside?"
Lumitaw sa isip ko ang nangyari noong dinala ko si Quince sa loob at sikreto akong napangiwi sa isip habang iniimagine anong mukha ang ipapakita ni Vienna 'pag nakita niya 'tong lalaki sa harap ko. And besides, all of the girls are still here. Men aren't allowed to enter when we're all present. It's a mantra.
Umiling ako, "Not now, Gaze. I have visitors inside. Important ones."
"Babae ba lahat?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko, "Of course. Who wou-?"
Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang double doors at bumungad sa gilid namin ang isang lalaki na ang tanging suot-suot lang ay board shorts at apron na hindi na nakatali sa leeg niya dahil nakalaylay lang ito sa may bewang niya.
Nanlaki ang mata ko nang dumapo ang mata ko sa mukha niya, "Ashton?"
"Aster!" Lumiwanag ang mukha niya't walang pagd-dalawangisip na hinila ako para yakapin nang mahigpit. Nabitawan ko ang paper bags sa lakas niya't hindi agad nagagalaw dahil sa pagkabigla. Ilang segundo akong napakurap bago niya ako binitawan pero hindi katulad kanina ay seryoso na ang tingin niya habang nakatingin sa gilid ko.
Mas lalo akong kinabahan nang dumapo ang tingin ko kay Gazer na magkasalubong ang kilay, nagbabanga ang tingin at tumaas-baba ang dibdib. Ganu'n din ang reaksyon ni Ashton na hindi naman nag-abalang tanggalin ang tingin niya kay Gazer. Hindi naman ako tanga para hindi malaman anong mayroon kaya agad akong pumagitna sakanila.
BINABASA MO ANG
Boulevard to Polaris (Virago Series #1)
Romance━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra told by many. Aster Ray Madrigal emboded that. She is forever an embodiment of perfection, like a star to gaze upon. Beauty, brains, sophist...