from the pleasure

903 17 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY-THREE
from the pleasure
 
warning. this chapter contains
detailed scenes that aren't
suitable for young readers. 

 read at your own risk.   
━━━━━━━━━━━━━━━━  

When morning came, Paris also came home in shock because of the sudden visitors, but to no avail was she stunned that I let Quince stay here. She said she expected me to do that considering that Quince isn't even really a part of my plans but I still brought her here, Paris said she know I have other reasons to do so ━ which is befriending Quince sincerely and not just because I need something from her. 

Paris is like an angel. Too good to be true as well.

"Thanks for this, Paris." Mahina kong bulong kagabi sakanya nang kami na lang ang matirang gising. Sinadya ko muna kasi silang patulugin muna para makausap ko rin si Paris patungkol sa mga bagay-bagay. 

She's the most absent among all of us sometimes because of her work, but she's the most reliable. I can't help but be so much grateful that she's among our circle, that she's our friend.

"Ano ka ba? It's nothing kaya. Stay here if you want. Huwag na kayo ro'n ni Aya sa apartment." She chuckled habang nakadantay kaming dalawa sa railings at dinadama ang malamig na hanging dala ng hatinggabi.

Namataan pa nga namin 'yung bodyguards ni Eva at Vienna na walang-awa nilang pinatulog lang sa kotse sa labas ng lawn kahit na nag-aya si Paris na pwede silang matulog sa loob.

"Thank you still." Sagot ko bago tinignan ang mga bituin.

"Small things from all the help you gave us as well. You know what ba? Habang papunta ako rito, naiisip ko kung paano ako makakatulong so we can catch that investor of yours kaso wala talaga akong naisip kahit kwinento na nina Solace 'yung iba niyo pang clues. Why don't you just ask the investor to meet you?" 

Napatingin ako sakanya, "I tried. I almost went to jail because of it, remember?" 

Umiling siya, "Not in that manner, but meet her in a gentle way possible. Make your intentions clear. If that investor sees that you're not doing anything bad along with your plans, she might reconsider meeting you personally."

Even though it's impossible, I put her advice in mind. Kahit sa pagpasok ko sa trabaho ay ganu'n din ang nasa isip ko. 

Maaga pa akong nakapunta sa company pero pagkapasok ko ay parang nag-aayos ng kung ano ang mga employee. Nagb-bow pa nga rin sila sa'kin kahit mukha silang busy kaya nagpatuloy na lang ako sa itaas para ihanda ang sarili sa kung ano nanaman ang ipapasort ni Gazer, little considering na ang daming ginagawa ng employees niya.

Ngunit sa gulat ko 'nung makarating ako sa top floor ay nauna pa siya sa'kin at talagang agad siyang tumayo para lang bigyan ako ng kapeng kakatimpla niya lang daw. Malaki ang ngiting iginawad niya sa'kin nang makita ang pagkurap ko sa gulat.

"Good morning, love." Malambing niyang tawag bago nagnakaw ng halik.

Love?!

It took me all courage not to falter in place. Pinakitaan ko siya ng tipid na ngiti bago tinanggap ang tasa ng kape at nilapag ang bag sa table kong walang laman na papel gaya ng dati. Hindi rin gaya kagabi ay malinis na ang lahat sa paligid at wala na 'yung mga kalat.

Tumikhim ako bago sumimsim sa timpla niyang kape. Inaamin ko kasi, namiss ko rin ang lagi niyang pagt-timpla sa'kin four years ago at 'nung mangyari nga 'yung hindi inaasahan ay talagang halos maubos ko ang kape ko kakatimpla para lang magaya ko ang timpla niya sa'kin kasi nasanay ako sa lasa nu'n. Lalo na sa halos isang taon niyang pagsisilbi sa'kin.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon