━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-SIX
with ours adrift
━━━━━━━━━━━━━━━━Yesterday | 10/23 | 06:52 PM
From: Unknown Number
Message: EToday | 10/24 | 07:54 PM
From: Unknown Number
Message: YSinarado ko ang cellphone pagkatapos buksang ang iilang mensaheng nakuha ko mula sa magkakaibang numero. Walang tigil ang pagpapadala niya ng letra gamit ang iba-ibang numero. Sobrang naiinis na ako pero hindi ko na lang pinansin dahil may mga bagay pa akong dapat pagtuunan ng pansin.
Dalawang araw na ang nagdaan simula 'nung na-trap kami ni Gazer sa elevator. Dalawang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam pagkatapos naming matrap do'n at magpaalam na ipostpone ang dapat naming pupuntahan.
Nagpahinga kami saglit dahil sa aberya at kinabukasan ay pumunta nanaman do'n sa publishing corp para maisagawa na ang proseso ng paglilipat ng kumpanya.
Nandoon ang isang lawyer na hindi ko na maalala ang pangalan. Nandoon si Isaiah Vuerrero na parang nagulantang pa nang makita ako, katabi niya si Ian Vuerrero na ang laki ng ngiti, sa tabi naman ni Ian ay si Kiko Denuevo o ang papa ko na hindi matanggal ang tingin sa'kin habang nakaawang ang labi, at si Autumn na malungkot ang tingin. Hindi rin nawala ro'n si Marcus na kinikilatis ang kabuuan ko at si Gazer na malamig ang tingin sa'kin.
Magkakatabi si Ian, Isaiah, at Kiko sa isang gilid ng lamesa habang sa kabila naman ay ang abogado, si Autumn, at si Marcus. Nasa kabilang dako naman si Gazer habang ako naman ay naupo lang kaharap niya sa long table.
"Shall we proceed?" Ani ng abogado bago iginiya na buksan ko ang mga papeles. Hindi ako kumibo, blangko lang ang tingin sa papeles, at prente na binasa ang kondisyon nila sa ownership and management transfer ng mga kumpanya.
Kabilang sa mga kondisyon na baka abutin ng ilang buwan bago tuluyang malipat sa'kin ang mga kumpanya at kung maaari ay pwede ko raw i-monitor muna ang progress nito bago ako lumagda sa mismong araw ng paglilipat.
Kumuha ako ng ballpen sa bag nang tahimik bago 'yun pinirmahan. I closed the folder then stood up, making all eyes fixated on me. But all I did was smile at the lawyer whose gazes went on me as well, bago ko nilahad ang kamay kong agad niya ring tinanggap sa kabila ng pagtataka.
"All gratitude of mine goes to you for handling this transfership. All conditions under this are agreeable for me; thus, you have my signature. I'll be leaving." Pormal akong yumuko saglit bago tumalikod. Ramdam na ramdam ko ang titig nilang lahat sa'kin pero walang may ni isang nagsalita habang papaalis ako.
My cellphone vibrated. Napangiti ako saglit nang makita ang message ni Ashton na nasa parking lot na siya at hihintayin niya lang daw ako. Umalis akong kampante dahil do'n.
"A-Aster!"
Napatigil ako dahil sa tawag at napalingon sa naiiyak na Kiko Denuevo. Tumayo siya mula sa kinauupuan atsaka ako nilapitan pero hindi siya gaanong lumapit. Marahil ay parang nagd-dalawangisip pa na lapitan ako pero nandoon sa mukha niya ang parehong dismaya, sakit, at pangungulila, animo'y may gustong sabihin.
Kinilatis ko ang kabuuan niya. May kakulutan ang buhok niyang itim. Mestiso ang kulay, halatang yayamanin kahit simple lang ang business suit na damit, may angking tikas at kagwapuhan din sa kabila ng katandaan, at kamukhang-kamukha siya ni Autumn. Walang kahit na anong inhibisyon sa loob ko na hindi siya ang amang dapat kinalakihan ko.
BINABASA MO ANG
Boulevard to Polaris (Virago Series #1)
Romance━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra told by many. Aster Ray Madrigal emboded that. She is forever an embodiment of perfection, like a star to gaze upon. Beauty, brains, sophist...