still those foils

1.4K 27 2
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER TWENTY-FIVE
still, those foils
━━━━━━━━━━━━━━━━

Napakurap-kurap ako sa sinag ng araw na dumampi sa mata ko. Banayad 'yung pakiramdam nu'n kaya agad kong nahinuha na maaga na pero hindi ako bumangon. Sobrang sakit ng katawan ko at kung ako ang papipiliin ay mas gusto kong humilata lang sa malambot na kamang 'to. 

Nakakapanibago nga lang bakit malambot 'e matigas naman kama ko sa apartment. Teka, umuwi ba ako kagabi?

Napabalikwas ako ng bangon, nanlalaki ang mata nang mapagtanto kong wala akong may iniuwiang apartment kagabi dahil ang huli kong naalala ay hinintay ko saglit si Gazer na matapos kumain kasi ipapahatid niya raw ako sa security guard pero sa sobrang pagod ay nakatulog 'ata ako sa sofa. 

"Oh, ate?" 

Napalingon ako kay Aya na may hawak-hawak na tinuping damit at sa likod niya ay ang mga gamit naming inaayos niya sa cabinet. Doon ako napakurap-kurap at napatingin sa paligid ng apartment. Bago pala 'yung cushions ng kama kaya malambot. Nakauwi rin naman pala ako at hindi nangyari ang nasa isip kong doon ako natulog kay Gazer magdamag.

"Anong oras na ba? Napasarap 'ata tulog ko. May trabaho pa ko." Ngiwi ko bago tinanggal ang kumot. Doon ko lang napansing suot-suot ko pa rin ang suot ko kagabi kaya't mas lalo akong napangiwi.

"Sabi 'nung nagdala sa'yo rito, ayos lang daw kung hindi ka mag-trabaho ngayon. Hindi niya naman babawasan sweldo mo kasi alam niyang napagod ka raw." Napahagikhik si Aya pagkatapos sabihin 'yun, animo'y may naisip na hindi dapat. Kunot-noo ko siyang nilingon pero mas napako ang tingin ko sa paper bags na katabi ng mga damit niyang inaayos. 

Napaawang ang bibig ko nang may mapagtanto, "Ang boss ko ba nagdala sa'kin dito?"

Umiling siya, "Boss mo 'yung nakita natin sa paupahan ni Lola 'di ba? Hindi ko alam pero magkamukha sila 'nung lalaking nagdala sa'yo rito ng halos dis oras ng gabi. Mas mature tsaka medyo matanda nga lang 'yung nagdala sa'yo rito. Ang gwapo nu'n pero may kasama siyang babae sa loob ng kotse 'nung nakita ko sila. Sayang."

Nasapo ko ang mukha sa pinaghalong hiya at gulat. Kamukha ni Gazer? Nakisakay ba ako kagabi? May inatasan ba si Gazer na dalhin ako rito kasi nakatulog ako sa sofa niya? Bakit hindi niya ako ginising?!

I groaned. What I saw and what explanation I heard from Gazer last night just went back in my mind, too. Dumagdag tuloy ang iisipin ko lalo na't wala akong kaalam-alam ano ba ang dapat kong gawin para malaman sino ang investor na 'yun. Wala akong pera para mas madali siyang ma-track at mas lalong alam kong mas may kapangyarihan siya kaysa kay Gazer dahil nagawa niyang itago ang sarili mula sa'ming dalawa.

Napagisip-isip ko rin naman kagabi kung anong klaseng tao siya, bakit niya 'to ginagawa, at bakit kami ang napili niya. Nakabuo na rin ako ng maikling konklusyon bakit pero ayokong paniwalaan 'yun kasi wala akong plano para maipakita niya ang sarili niya sa'min o kahit sa'kin man lang.

Gazer said that they might have the same goal to take down the root of all of this, to take down Gazer's Father pero hindi naman pinaliwanag ni Gazer bakit bukod du'n sa project na hindi niya naman nilagyan ng details. 

"Ate, ang lalim nanaman ng iniisip mo, ano? Hindi ka pa nga kumakain." Puna ni Aya, "May pagkain si Tiya sa ilalim. Buksan niyo lang daw du'n kung gusto niyo kumain."

Tumango lang ako. Ang totoo ay wala akong ganang kumain. Sa dami ng iniisip ko at sa dami ng gusto kong tapusin ay parang walang puwang ang pagkain at pagtulog ngayon.

"I need to go to work even if I'm late." Ani ko bago tumayo't inayos ang kama.

"Huh?! Pero pwede ka naman daw mag-absent! 'Di naman mababawasan sweldo mo, ah?" Pigil naman ni Aya na kapagkuwan ay humagikhik, "O baka gusto mo lang makita boss mo, ate?"

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon