the memories last

882 24 6
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER EIGHT
the memories last
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Are you sure none of you have seen him?" I asked again, my eyes dilated here and there to check for his figure around the coast but I saw none of his frame. Saan kaya lumusot 'yun? Did he already change into his swimming trousers?

"Wala po. Wala ring may nagpaalam." Kibit-balikat ng lahat kaya't napakunot ako ng noo. Imposible rin namang aalis siya nang walang paalam. Something must've come up and he has to tend to it? Maybe. But going without telling everyone where will he go first? That's odd of him.

"Boys, bantayan niyo muna 'yung cabin. Girls, samahan niyo nga ako maghanap." Utos ko agad sakanila bago tumayo, hindi ko na inabalang mag-unpack pero nang aalis na kami ng cabin ay biglang naulinigan ko si Gazer na naglalakad patungo rito. Nakayuko siya at walang pang-itaas pero suot-suot niya 'yung swimming trunks niya.

"There he is." I pointed out to them kaya't napatingin naman silang lahat pero daglian kaming natigilan when he neared himself at the cabin at putok ang labi niya. Binalot agad ako ng pag-aalala sa nakita lalo na't sigurado akong maayos ang mukha niya 'nung pumunta siya rito.

"What happened?" I asked him.

"Hala, ano nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong din ng iba. Kakarating lang namin tapos babalik siya rito na putok ang labi. Ano ba nangyari kamo at nawala siya? Nalingat lang ako saglit, ah?

Mas ikinagulat ko pa nang dumeretso siya sa'kin at inilahad ang kamay niya kung nasaan ang cellphone ko. Napakamot siya ng ulo habang ako nama'y nakatanga lang do'n, takang-taka at gulat na gulat bakit biglang nasa kanya cellphone ko.

"Nakita k-ko po kasi na ninakaw 'nung isang teenager na lalaki kanina sa bag mo habang kausap mo 'yung babae, Ma'am. Ako lang 'ata nakakita kaya hinabol ko na lang pero ayon nga po, nadaplisan ako." Nahihiya niyang sambit habang kinakamot ang ulo, halatang nagsisinungaling kasi hindi basta-bastang daplis lang nasa bibig niya. Halata namang sinapak siya ng kung sino man kaya't mas lalo akong nainis dahil do'n.

"Linisan niyo muna siya. Baka may nearby clinic dito or anything that can tape his bruise. May pupuntahan lang ako saglit." I smiled at them once before fetching my phone. Patting Gazer's back, I gestured him to follow them when they motioned him towards the direction of the clinic. Saglit pa siyang napalingon sa'kin, kunot ang noo at bakas ang pagtataka sa mukha pero nginitian ko lang siya.

"Ma'am, saan ka pupunta? Samahan na po kita." Jelo offered which I just retorted with a nod before I went on to the same spot where I eyed Gazer a while ago. Luminga-linga ako sa paligid, sinunod din ni Jelo ang ginagawa ko at parang alam niya na 'ata kung ano gagawin ko base sa mga tingin niya.

We reported the anomaly on the nearby guardhouse at agad naman nilang inaksyunan 'yun pero ayoko makampante sa ganyan lang. Sinamahan ko silang hanapin ang mga bata raw na 'yun na kwento ni manong guard ay magaling daw magtago at magnakaw.

Hindi nga lang nila sila mahuli-huli at mapaalis kasi isang taon ng absent ang talagang nagm-manage ng buong resort, iniwan lang nito ang anak nitong bulag at halos hindi rin daw marunong mag-manage liban na lang kung may kasamang matalinong board member. Kalat daw 'yun sa buong isla.

"Ayun po 'ata sila." He called out for me in a whisper manner when he saw a couple of young teenagers at the bay na may pinagp-pyestahang mga bagay sa lapag tulad ng cellphone, wallet, at kung ano-ano pa.

I have no idea if the managers of the premises allow these kind of activities inside their locale but I won't let that slide lalo na kung sila talaga ang nagnakaw at nanuntok kay Gazer na halos walang kalaban-laban.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon