Chapter Thirty Nine

16 2 2
                                    

Capricorn

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Capricorn, ngunit hindi rin nawawala ang seryoso niyang tingin sa kalaban.. si Claude, nasusulat sa kaniyang template sa gilid ng kaniyang uniporme. Ngunit bakas na ang maraming dugo at punit-punit pa. He looks really pale like a walking dead. Hindi rin siya matigil sa pagkamot sa kaniyang batok na talaga namang malalim ang malaking sugat. Nadadala niya pa ang sarili niyang mga laman sa tindi rin ng kaniyang pagkamot. Patuloy rin ang paglabas ng kaniyang mga dugo doon.

"AAARH!" Agad tumakbo si Claude pasugod kay Capricorn na hindi naman natinag sa kaniya! Isang matinding pagkamot ang kaniyang ginawa at pinatulis ang kaniyang mga dugo at inihagis kay Capricorn!

Ngunit agad lang itong tumigil sa harap ng dalaga at nagbago ng posisyon, paharap kay Claude. Itinaas ni Capricorn ang kaniyang kamay kasabay no'n at bilis ng pagatake ng mga iyon pabalik sa kalaban!

Tumama ang ilang mga sharp bloods sa kaniyang mata, noo at balikat. Ngunit tila wala ito kay Claude! Nagkamot lang siya ng paulit-ulit sa kaniyang batok. He was about to do the same thing again when suddenly some strong force of impact pushed him away until he bumped himself in one of the ruined walls! It's like the wind strongly pushed him away!

He just grind his teeth while slowly looking up to her. Capricorn is now walking towards him with elegance. Even the wind is kind of leading her way. Claude slowly stand up like a zombie. "Oi.. Oi.. Oi."

Capricorn immediately felt the wind's whisper...

"Hindi na ako dapat magtagal pa." Dahan-dahang itinaas ni Capricorn ang pareho niyang mga kamay as if she's leading the wind. The wind around the place became stronger that even the huge Stones is moving from their spots!

Claude is still going to do the same thing he did when suddenly he felt the difficulty to breathe!

Napaluhod na siya halos at napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa matinding hirap ng paghinga na talaga namang kinakapos na siya! Nagdudusa siyang tumingala kay Capricorn na nakatitig lamang sa kaniya habang nanatili ang mga kamay sa posisyon na animo'y siya nga ang nagko-kontrol sa pagpigil nito sa kaniyang paghinga! Ang kaniyang leeg ay tinala natutuyot na dahil na rin sa matinding kawalan ng hangin!

From that moment, a little glimpse of his memories flashes through his mind. He's eyes wided in shocked and immediately tried to reach Capricorn with his hand as if he was trying to ask for help.

"Capricorn enchantment: Death of wind--"

Capricorn immediately realized what he's doing the made her a little bit surprised. Tinigil niya agad ang enchantment na kaniyang ginagawa at bahagyang napaatras. Naging malumanay agad ang daloy ng hangin sa paligid at agad ring nabawi ni Claude ang kaniyang hininga. Ngunit matinding pagkahina rin ang kaniyang nadama dahilan upang mapahiga na siya ng tuluyan.

Pagtataka naman agad ang bumakas sa mukha ni Capricorn. Saglit niya pang tinitigan si Claude na patuloy pa ring hinahabol ang kaniyang hininga. Dahan-dahan nalang din siyang tumalikod at wala nang balak pang labanan ang nilalang.

Naglakad na siya palayo, ngunit napatigil rin nang maramdaman ang pagyakap sa kaniyang mga tuhod. Taka siyang napatitig kay Claude na nakayakap nga sa kaniyang mga tuhod habang dahan-dahan na ring kumakalma ang dibdib.

"Anong mayroon sa'yo? Hindi ko na nararamdaman pa ang galit na bumabalot sa iyo."

Hindi sumagot si Claude.. sa halip ay hinigpitan niya lang ang kaniyang yakap na tila ba ayaw magpaiwan sa kaniyang ina habang nakayuko. Iyon nga lang ay, nabahiran niya na ng dugo ang laylayan ng damit ng dalaga. Saglit pa siyang tinitigan ni Capricorn na animo'y nagdadalawang isip.

Sa huli ay dahan-dahan niya ring tinulungang tumayo nang maayos si Claude na nananatiling nakayuko. Naunang lumakad sa kaniya si Capricorn at hinayaan ang binatang sumunod sa kaniya na tila pa rin isang walking dead at nagkakamot pa rin sa kaniyang dumudugong batok.

****

"Dang, finally, you're all here-- who are those two?" Takang tanong pa agad ni Taurus. Naka-crouch pang nagsilapit si Leo, Aquarius, Capricorn, Cancer at Sagittarius sa tinataguan ng grupo ni Taurus.

Nakasunod nga sa kanila si Zeria at Claude. Nabahala pa nga si Scorpio, Libra at Bambam sa mga kilos ni Claude, lalo na sa itsura nitong duguan. "Hala tih! Sino 'yang mukhang zombie?" Napahawak sa dibdib si Bambam sa pagkabahala.

"Is your sound wave barrier activated, Pis?" Ani Leo, "oo."

"Siya si Claude, nais niyang sumunod sa'kin, mukhang nais nga niyang lisanin ang lugar na ito." Paliwanag ni Capricorn nang may malumanay na tindig. 

"E sino naman 'yang isa?" Tanong ni Bambam.

"Siya si Zeria, huwag kayong mabahala, nasa ilalim siya ng aking ekantasyon." Nakangiting saad naman ni Cancer. "Sino naman ang batang 'yan? Dama kong isa siya sa kanila," curious din niyang tanong.

"Si Reeva! Ako nagpangalan sa kaniya! Kakampi na na'tin siya, iuuwi ko siya sa'tin--" Agad naalerto ang lahat ng sa isang iglap, mabilis na tumama sa kanilang pwesto ang isang malakas na kidlat! Agad nila itong naiwasan nang agad silang tumalon palayo roon at nagkahiwa-hiwalay rin mula sa kanilang pagtipon!

Naging alerto ang lahat at napatingin sa tuktok ng tore. Hindi naiwasang mabigla ng ilan sa kanila nang makita na ngayon ang itsura ni Oculos! Nakita na sila nito!

Nakasuot ang nilalang ng isang maroon long sleeveless dress, makinis ang balat at walang saplot sa paa.

May mga tahi ang pareho niyang mga mata, may tumutulo pang kaunting dugo ro'n na animo'y para siyang lumuluha nito.

Kulay kayumanggi ang kaniyang buhok ngunit sa ilang dulong bahagi nito ang may mga nakapulot na eyeballs! Totoo nga ang sinabi ng batang si Reeva, mayroon siyang benteng mga mata na nakatali sa ilang bahagi ng kaniyang buhok.

"What the heck siya na ba 'yan?" Hindi makapaniwalang ani ni Bambam hindi rin niya maiwasang mapangiwi sa itsura nito, lalo na sa mga eyeballs na tila namumula pa, ang pupil nito ay tila katulad sa isang pusa.

Umangat pa ang ilan niyang mga mata na animo'y mas tinitingan pa sila.

Siya nga si Oculos.. ang babaeng nagnanais magtungo sa nakaraan.

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon