I'm Miza
Miza
"Scorpio..."
"Weh? Scorpio?"
"That's.. Scorpio," tila wala sa sariling usal ko. Nasa likuran siya ni Taurus na kinawayan naman kami; kumaway din tuloy kami ni Bambam.
Papalapit na kami sa kanila ngayon nang bumulong sa'kin si Bambam.
"Bale dalawa palang silang naalala mo no? So siya pala si Scorpio, ang kyut ng dress niya bi, dark sleeveless na may yellow flower pattern, bet ko."
"Oh?"
Nang makalapit na kami sa kanila, bumitaw na sa'kin si Bambam, habang si Scorpio, nagtago naman lalo sa likod ni Taurus.
I actually don't know what to do or how interact with her now. Medyo napayuko tuloy ako at napakamot nalang sa sentido.
"H-hi! Ethan Balenzio Hamilton po! Ehehe! You can call me Bambam, friend po ako ni Miza." Masiglang pagpapakilala naman ni Bambam at kumaway kay Taurus, saglit pang napatitig si Taurus, it must be his first time to actually interact with a human. Sa huli ay masaya siyang napangiti. "I'm.. Ahm..."
It seems like he's about to lie about his name kaya sumabat na ako. "It's okay, he knows, Bambam is also a wizard."
"Really?"
"Hm."
"That's great! Now I know someone who's a wizard! It's really nice meeting you."
Oh?
"Ay! Ahahaha! Yes naman, kayo rin! Hello ate girl!" Baling naman ni Bambam kay Scorpio, napansin agad namin na tila nahiya siya at lalong nagtago.
"Ay, hindi niya ako bet," ani pa sa'kin ni Bambam at napahawak pa sa dibdib niya at muling tumabi ng maayos sa'kin. Ngumiti nalang ako sa kaniya at muling tumingin kay Scorpio, sunod kay Taurus.
"She wanted to come.. Mukhang nakausap na sila ng ating ama and now she wanted to observe.. Or something like that, that's what she says, ahahaha!"
Eh?
"Well... If she's fine being with me.. I will gladly let you come, Scorpio." I genuinely smiled, napansin ko naman na napatitig lang siya sa'kin, as if hindi siya makapaniwala na ngumiti ako ng gano'n sa kaniya.
A thing na hindi ko kailanman ginawa noon, damn.
Napayuko lang siya, napansin ko naman na tumango siya sa'kin na lalong umiwas ng tingin.
I'm actually glad that she's here; I appreciate them both as my siblings.
She still has the same hairstyle, pero iba na ang suot niyang damit, tulad nga ng napansin ni Bambam. There's no Scorpion with a red rose on her head. Hindi rin niya dala ang katana niya.
"Tara na?" Aya ni Bambam, agad naman akong tumango sa kaniya. Gumilid naman bigla si Taurus at Scorpio. "Please lead the way, ahaha!"
Naisipan naman ni Bambam na ayain kami sa isang mall kung saan din kami kumain no'ng una. Taurus immediately recognized the place habang si Scorpio ay tila nabighani sa laki ng loob at sa mga iba pang shops.
Tila gumala na nga kami sa mga lumipas na oras. Bambam can't help but to shop kaya kung saan-saan pa kami pumasok para mamili, sa clothes shop, accessories shop, shoes, even stuffs toys na actually, ako na ang nagaya. Nagtitingin lang kami do'n dahil ang cute at saka may reference ako sa bagong crochet project na gagawin ko; just a hobby of mine.
Nililibre pa nga ako ni Bambam, I just refused, instead, siya ang inaaya kong ilibre, may pera e.
But he also refused kaya sa huli, sagot namin ang mga natripan naming bilhin. May mga dala tuloy kaming bags mula sa mga stores na pinasok namin. We even bought snacks sa mga madadaanan naming food stalls.
BINABASA MO ANG
Missing Zodiac [Season One]
FantasiaMizazikanie Reign is a 20-year-old working student. Her parents died when she was ten, and the only person who took care of her after the deaths of her parents was her grandfather, who also passed away when she was eighteen. After two years of being...