Chapter Five

125 10 0
                                    

Awakened

Third person

"You're so pretty, Reign.. it makes me want to ruin you."

Hindi naman sumagot ang dalaga at masamang tinitigan si Curstine. Nang mapatingin muli si Miza kay Meown ay agad rin ito nag-alala. "Meown.. Bitawan mo si Meown, she has nothing to do with you!"

"Oh, I know, I just love it when I hear her cry. I don't like kids smiling anyway."

"Ha? Demonyo ka ba? Let her go!"

Inirapan lang siya ni Curstine at umaktong itong tila may kinukuha sa kaniyang bulsa. Nabigla si Miza nang makita ang pocket knife na nilabas nito!

"This is it girls." Agad ngumiti ang tatlo ng ibalandra ni Curstine ang pocket knife kay Miza! Nanlalaki ang kaniyang mga mata kay Curstine at hindi ito makapaniwala na mukhang aabot pa si Curstine sa ganito.

"Tigilan mo 'to Curstine-- bitawan niyo nga ako!"

"Ano ba!" Isang malakas na pagtuhod sa sikmura ang ginawa naman ni Angie kay Miza! Agad na napaanga si Lila habang si Curstine ay napangisi naman! "Ah..."

"Angie!" Nabibiglang tawag pa ni Lila, si Curstine naman ay agad natawa. "That's perfect! Now what art should I do on your face?" Nilaro pa ni Curstine ang hawak niyang pocket knife sa mga daliri niya! Habang si Miza ay namimilipit sa sakit na tumingin sa kaniya.

"Wala naman akong ginagawa sa'yo! Why can't you leave me alone!?"

"Cause you're a pest in my sight, I don't like your looks."

"Such stupid reasons, Curstine!"

"Shut up, punk, I'm thinking of a perfect art for your face, just thank me later."

Agad na napangisi si Curstine nang makaisip na siya ng "art" sa mukha ni Miza. Masamang tumingin ang dalaga sa kaniya habang namimilipit pa sa sakit at pilit na pumipiglas sa dalawa! "Stop this..."

Akmang iuukit na niya ang pocket knife sa mukha ni Miza nang agad namang mapasigaw ang batang dala-dala niya.

"Waaah! Ate Micha!"

Mas lalong naglilikot si Meown habang buhat pa rin siya ni Curstine. Agad na nainis ang dalaga nang lalo pa itong naglilikot habang naghahagulgol sa iyak, dahil bukod sa naguguluhan ay nasasaktan na rin siya sa paraan ng pagbuhat ng dalaga sa kaniya ng isang braso lamang.

"Wha.. Ugh! Just back off, kid!"

Malakas na hinagis ni Curstine si Meown dahilan para sumubsob ito sa lupa at lalong umiyak! "Meown!" Nanlalaki ang kaniyang mata at hindi makapaniwala sa ginawa ni Curstine sa bata! Napansin niya pa ang sugat na namuo sa pisngi si Meown.

"Tsk, pest.." Pinagpag pa ni Curstine ang kaniyang sarili at saka muling hinarap si Miza na ngayon ay nakayuko na lamang habang nakakuyom ang parehong kamay.

"Back to you, punk. Show me that face." Agad hinawakan ni Curstine ang baba ni Miza at agarang inangat nito ang mukha niya! Ngunit kumunot lang ang kaniyang noo ng makitang walang emosyon si Miza ngunit nanlalaki ang mga mata nito.

Higit sa lahat...

Miza's eyes turned into the brightest golden color.

"Onoda reome."
(How dare you.)

Wala sa sariling usal ni Miza na tila ikinagulat ni Curstine. Ang dalawa namang si Angie at Lila ay tila nagtataka sa inakto ng dalawa.

"Con.. Contella?"

•~•~•~•~

Third person

"That form has awakened, nararamdaman niyo na ba?"

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon