Chapter Four

153 12 0
                                    

The world is sometimes cruel, isn't it?

Miza

"Reign!"

"Aarh..." Mariin akong napapikit habang dahan-dahan kong tinatayo ang sarili ko. Ang hapdi ng parehong braso pati na ang kanan kong tuhod. Kinapa ko ang parteng masakit sa tuhod ko, itim man ang leggings ko, kita ko na ang bumabakas na dugo ro'n.

Agad naman akong tinayo ni Bambam at inakbay ang kamay ko sa kaniya. Sobrang sama nga yata nang bagsak ko dahil hindi ko pa magawang tumayo ng diretso. Kaya naman nahihirapan pa si Bambam na itayo ako at alalayan.

"Bambam..."

"Shet... Teka teka-- ayan! Tayo lang, tayo ka-- ayan!"

Nang makatayo na ako kahit papa'no, agad naman humarap si Bambam sa likuran namin at dahil dala niya ako ay napaharap din ako.

"Hoy, impakta, nakita ko 'yon!" Sigaw niya, napatingin na nga rin ako ro'n. Agad kumunot ang noo ko nang makita si Lila na naka-cross arms at nakangising inirapan kami. Agad ko namang napansin ang isang bakal na tila arnis na gumugulong sa gilid.

Tinisod nila ako sa bakal na 'yon...

Third person

"Should we interrupt?"

"No."

Titig na titig ang grupo ni Leo sa direksyon ni Miza na ngayon ay inaalalayan ang sarili na makatayo ngunit ay nahihirapan pang makalakad. Pati ang dalawang babaeng kambal na kasama nila ay magkahawak ng kamay at nagaalalang nakatingin sa direksyon ni Miza.

"That boy is starting a fight, ano nang gagawin natin?" Lubos na nag-aalalang sabi ni Aquarius.

"I'm afraid we can't interfere... The emperor is watching." Saad ni Leo habang nagaalalang nakatingin sa pakaika-ikang si Miza na papalapit na kay Bambam.

"Eh gaga ka palang impakta ka e! Kita mo na sitwasyon niya oh! Babalian niyo talaga siya ng buto? Ha!?"

"Bambam hayaan mo na." Sabi agad ni Miza at mabilis kumapit sa manggas ng damit ni Bambam. "Hayaan? Ay beh tingnan mo nga sarili mo? Hindi ka makalakad! Puro sugat ka na!"

"Those bruises match her looks naman. What's wrong with that?" Maarteng saad ni Curstine habang ngumunguya pa ng bubble gum. Ngumiti naman ang kaniyang dalawang kasama.

Mula sa malayo ay nagsisilapitan na rin ang mga kaklase ni Miza, pati ang kanilang prof ay tumatakbo na rin patungo sa kanila.

"Ah what's wrong with that?" Sarcastic na tanong ni Bambam, hindi naman natinag ang tatlo nang lumapit lalo si Bambam sa kanila.

"Ito oh." Isang mabilis na hampas ng pamaypay ni Bambam ang lumapat sa mukha ni Curstine! Mabilis ring winasiwas ni Bambam ang pamaypay sa mukha ni Lila at Angie at pare-parehong napaatras at nagsitili!

Agad napaanga si Miza sa bigla nang gawin 'yon ng binata! "Bambam!"

"Balenzio! Stop that!"

"Oh bagay 'to sa'yo!" Isang malakas na hampas pa ng pamaypay ang ginawa ni Bambam kay Curstine at Lila! Pinaulit-ulit pa niya ito nang may halong gigil!

"Stop! Balenzio!" Mabilis na pumagitna si Prof. Gregorio sa apat at bahagyang tinulak si Bambam palayo sa tatlo. Agad namang nagdikit ang tatlong babae na masamang-masama ang tingin kay Bambam.

"What are you doing!? Nananakit ka na masyado, Mr. Balenzio! What is going on here!?" Inis na sabi ng propesor sa lahat ng nando'n. Ang ilan namang mga kaklase ni Miza ay nagtipon-tipon sa isang tabi habang nanonood.

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon