Chapter Twenty Six

45 6 1
                                    

Bambam's ability

Miza

It's so cold but I'm sweating, I'm sweating in cold.

Wala akong maramdamang kahit ano, nanlalamig lang ako.. Ramdam kong tila naiipit ang buong katawan ko sa isang bagay na hindi ko makita. Ramdam na ramdam ko rin ito as if, I'm not wearing anything. My eyes are half close, my vision's too blurry. I couldn't hear well, I hear random voices but they're not clear.

Taurus.. Kailangan ako ni Taurus..

What's with this.. Weakness..

Para bang may hinihila sa'kin. I don't feel pain.

But it's making me weak..

Taurus.. I'm sorry, please don't die.

Third person

Patuloy ang pagubo ng asul na dugo ni Taurus. Nakahiga na rin siya sa sahig habang mahigpit ang kapit sa kaniyang T-shirt sa bandang dibdib. Mariin ang kaniyang pagpikit na tila tinitiis ang hindi maipaliwanag na sakit. He wasn't supposed to be like this.

Miza is not around him anymore, her sister suddenly disappeared. Dahilan para hindi niya maiwasang mainis sa sarili at mag-alala.

He can't hide his full form anymore, lumitaw na ang kaniyang mga sungay, kumakalat na rin sa sahig ang kaniyang glittery blue blood. May lumabas pa sa kaniyang bibig.

It was a huge sword..

He heard several footsteps from outside the girls comfort room. He's out of energy, he's about to black out.

"Mi... Miza."

Suddenly, malakas na kumalabog ang pinto ng comfort room! Narinig pa ni Taurus ang pag-react ng mga kababaihan sa labas. "Hala? Sumara 'yong pinto.. Wait, naka-lock na.. Eh?"

Nanghihina pang tumingin si Taurus sa direksyon kung nasa'n ang pinto. Ngunit napatitig na siya sa gawing 'yon nang dahan-dahan sumusulpot ang pigura ng isang lalaki.

Mabilis itong lumapit sa kaniya at agad siyang inalalayan sa balikat. "Hala uy! Anong nangyari!?"

"Bambam? Is it?"

"Yes po! Shet! Keri mo bang tumayo? Omg, natataranta ako wait! Pa'no ba 'to?" Napatayo pa si Bambam at napaikot-ikot na halos hindi malaman kung ano ang gagawin. Muli rin siyang napa-upo at hinawakan sa magkabilang balikat si Taurus. "Teka sandali! Aalalayan kita ha? K-kaya mo ba? Halika bili!"

"Anong.. Ginagawa mo dito?"

Agad sinukbit ni Bambam ang braso ni Taurus sa kaniya at inalalayan itong tumayo. Binigay naman ni Taurus ang kaniyang natitirang lakas upang itayo rin ang sarili.

"Kailangan nating umalis dito, makikita ka nila--"

"M-my sister... Sister..."

"Huwag ka muna mag-talk! Omg, pa'no ba 'to? Jusme, once ko lang magagamit 'yong spell!" Napapadyak pa na ani ni Bambam habang palinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling may malusotan dito sa comfort room.

Habang nagakbay naman si Taurus, mahigpit niyang hinawakan ang balikat ni Bambam dahilan para mapalingon ito sa kaniya.

"Answer me, how did you get in here? How... Tch.. How.. Did you know? Answer me." Seryoso niyang tiningnan ni Bambam dahilan para bumakas ang bahagyang pag-aalala niya sa sarili. "Ah.. Eh." Unti-unting namula ang kaniyang mga pisngi at napayuko.

"Ahm.. I could sense Miza kasi.. I mean.. Na-sesense ko kapag nasa peligro siya.. Y-you know... T-teka lang may time pa ba tayo sa chikahan!? May lakas ka pa ba kahit kaunti? Baka alam mong--"

"Why? Why can you sense her?'

"Eh.. Ahm..." Lalo pang namula ang kaniyang mga pisngi, nahihiya man niyang sabihin, huminga nalang siya ng malalim at awkward na ngumiti kay Taurus.

"I-iyon kasi 'yong ginawa ko.. Binigyan ko siya ng bulaklak dati..  Ginamit ko 'yon para magbigay sa'kin ng signal incase malagay sa peligro si Miza, may isang petal na laging susunod sa kaniya everytime na aalis siya.. Hindi naman sa stalker ako ah! I'm only using it t-to protect her just incase k-kaso.. Shet.. Late ba ako? Nagtataka nga ako bakit ikaw nakita ko dito e." Napangiwi pa siya sa huli with taas-kilay pa. Habang si Taurus ay napatitig sa kaniya. "I see.. T-then I supposed you could come with me."

"Ha?" Before he could talk more, a thick smoke filled with blue glitters suddenly appeared below them! Tila bumalot ito sa kanila nang mabilis paakyat sa kanilang mga ulo, as if nilamon sila nito! When the smoke immediately disappeared, naglaho na rin sila.

The same smoke appeared again in the middle of a meadow full of mini rainbow roses. Agad sumulpot muli ang dalawa sa malawak na lugar na iyon after the smoke disappeared. Agad naman napaluhod si Taurus dahilan para mapaluhod na rin si Bambam. "Ay!"

But the beautiful scenery caught Bambam's eyes. The flowing aurora borealis in the nightsky, the thousand stars and the color mini roses below them. Napaanga tuloy siya sa ganda ng paligid, nakalimutan niya tuloy na nagsu-suffer nga pala si Taurus sa tabi niya. Nang maalala niya naman ay agad niya itong binalingan ng atensyon. "Ay shems, oo nga pala, a-ano? Kumusta? Hindi ba gumagaling 'yang sugat mo?" Nag-aalalang tanong niya. Namimilipit man sa sakit, sinubukan ni Taurus na maupo ng maayos at huminga ng malalim. Ngunit sa huli, bumakas pa rin sa kaniyang mukha ang sakit na nararamdaman.

"Tch.. Naglaan talaga sila ng tamang plano sa pagkidnap sa kaniya."

"Ha? Si Miza? Kinidnap? K-kaya ba wala siya?" Unti-unti na ring bumabakas sa mga mata ni Bambam ang pagtindi ng kaniyang pag-aalala.

"Hindi namin maramdaman 'yong presensiya nila, hindi ko tuloy alam kung isang wizard lang ba ang umatake sa'min o isang beast.. They have those people in their league that had made them to be confident enough to ambush us." Mariin ang pagsara niya ng kaniyang kamao habang inis 'yong sinasabi. Sa inis din na nararamdaman sa sarili ay hindi naiwasan ni Taurus na palu-paluin ang sariling ulo sa pagkadismaya. "Onore yo!"
"Curses!"

"U-uy! Tigil mo nga 'yan!" Seryoso ring ani ni Bambam at pinigilan ang kamay ni Taurus.

"It's because I'm to weak.. I'm still weak.. I can't even.. I can't even..." Hindi na niya napigilan pang maging emosyonal. Dahil tuloy sa daloy ng nararamdaman, napansin na ni Bambam na mukhang marami nanamang lumalabas na dugo kay Taurus.

Hindi naman siya umimik sapagkat, inilapat niya ang kaniyang mga kamay sa lupa. Ilang segundo, may halaman na agad tumabo at agad din umuusbong ng ilang segundo lang. Napansin agad 'yon ni Taurus kaya nagtataka siyang napatingin sa kaibigan ng kapatid.

Isang malaking bulalak na kulay puti, hugis mangkok ito at naglalaman ng tubig na tila may naglalanguyan na usok sa ilalim ng tubig na 'yon. Agad binunot ni Bambam ang bulaklak na 'yon at maingat na inabot kay Taurus. Napatingin lang si Taurus do'n at sunod kay Bambam ng may pagtataka, lalo na nang mapansin niyang seryosong nakatingin ni Bambam sa kaniya.

"Kaya kong alamin kung nasa'n siya.. kumalma ka.. wala na tayong oras."

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon