Chapter Twenty Eight

53 8 1
                                    

Up to the moon

Third person

"I.. Urgh!" Aries angrily left the room with frustration. The Gemini twins can't believe it as well. They also felt the frustration as they slowly left the room. Sinundan lang sila ng tingin ng kanilang mga kapatid hanggang sa mawala na ang presensiya nila sa loob ng silid. Muli namang napatingin ang lahat sa isa't-isa patungo kay Taurus.

"S-sigurado ba kayo? A-aren't you all just--"

"Taurus.. All of our lives, we did nothing but to compete with each other just to please our father.. until he changed too." Ani ni Leo who's starting to feel emotional but he chose to smile instead.

"Do'n namin napagtanto na dapat itigil na natin 'tong pakikipagkompitensiya sa isa't-isa. We are not supposed to be like this." Ani naman ni Aquarius.

"We are supposed to be a family.. I know all of us secretly wanted to act like a family, we just couldn't do it. Dahil na rin sa pressure na pinatong sa'tin from the moment we were born, you know that." Bakas ang lungkot na ani ni Leo, "Aries and Gemini had the thought of making themselves stronger to please father, because of that, throughout the decades they started to see themselves all mighty.. And because we are zodiacs, known as the highest wizards in the world of magic." Habol pa niya.

"A-akala ko..." Taurus doesn't even know what to say anymore. Napapailing nalang siya at hindi pa rin makapaniwala na tumabi sa kaniya at pinili siya ng mga kapatid.

"Taurus," dahan-dahan lumapit si Cancer sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. Her gentle smile calms Taurus' mind.

"Pasensiya na sa mga panahon na naramdaman mong wala kang kakampi sa pamilyang 'to.. Patawad sa mga panahong walang nagtatanggol sa'yo.. Lalo na sa mga panahong nilulugmok ka sa lungkot.. ng sarili mong pamilya." Hinarap rin ni Cancer ang ilan niyang mga kapatid. "Kayo rin.. patawad."

"Sa'yo rin, Cancer." Hindi napigilan ni Aquarius ang pagtulo ng kaniyang luha kahit pa siya ay nakangiti.

"Man, we really had a toxic family, ahahaha!" Natatawang ani na lamang ni Leo habang napapailing at naglakad sa kung saan-saan. Nagkakatinginan naman ang bawat-isa habang ang iba ay tila nahihiya na. Ngunit bakas naman sa mukha ng lahat ang tila kaginhawaan mula sa mabigat nilang nararamdaman.

"Ahm.. Now that it seems we're okay now.. We need to move." Seryosong ani ni Taurus, naging seryoso muli ang lahat habang nagkakatinginan.

"Alam mo ba kung nasa'n siya?" Nag-aalalang tanong naman ni Aquarius.

"No, but..." Seryosong nilingon naman ni Taurus si Bambam na seryoso ring nakatingin sa kaniya. Now he feels like Bambam is a different person right now.

"I have a human wizard here who knows where she is, he's the descendant of the Goddess of forest."

"Eheh, hi, tamang waitingbels lang ako dito, I love the drama, kulang nga lang ng popcorn."

~•~•~•~

"Handa na po lahat..." Ani ng isang batang lalaki nakabalot sa isang gray cloak na may malaking hood. Ngunit hindi naman natatago ang kaniyang mukha.

Ngunit natatakpan nga lang ng kaniyang bangs ang kaniyang mga mata. Nakatayo siya ngayon sa harapan ng isang malaking bilog na Crystal na may nakaukit na mga simbolo. 

Sila ay tila nasa isang tower, kung saan tila mas malapit sila sa langit ng gabi, lalo na sa buwan.

Bahagyang nilingon pa ng batang lalaki ang isa tao rin nakasuot rin ng gray cloak at hood. Kita lang ang pagtango nito at saka siya lumapit sa malahiganteng crystal sa kanilang harapan. Nang makalapit na ang taong ito ay pumwesto agad sa bandang gilid ang batang lalaki.

"Ilahad na ang lubid..."

Ani nito kahit pa halos pagbulong na hangin niyang sinabi ang mga salitang iyon. Tumango naman ang batang lalaki at muling pumwesto sa gitna at nilapat ang kaniyang mga palad sa kristal.

Ang mga simbolong nakaukit ay agad nagliwanag ng bahagya, kulay ginto ang liwanag nito, nang tingalain nila ang bandang tuktok ng kristal. Agad nagkaroon ng tila makapal na string na diretsong-diretsong nakatayo at dahil nasa tuktok sila, tila ba kumokonekta ang sumulpot na string mula sa kristal patungo sa malaking buwan!

Tinitigan naman ng misteryosong tao ang loob ng kristal. Saglit niya itong pinagmasdan at saka tinalikuran.

"Limang minuto lang." Ani bigla ng batang lalaki at saka dahan-dahang nilayo ang kaniyang mga kamay sa kristal. Tinitigan din ng batang lalaki ang nasa loob nito.

Kung saan tila nakatayo't nakalutang sa gitnang bahagi ng kristal, si Miza, na walang saplot, nakayuko at yakap ang sarili. The thick string is actually coming from her nape, through outside the crystal up to the moon.

~•~•~•~

"So your petal manage to follow her?" Tanong ni Taurus, magkakaharap ang lahat ng zodiacs kasama na si Bambam. Ang ilan ay nakaupo sa magkaharap na sofa, tulad nila, Aquarius, Sagittarius, Libra at Cancer, nakatayo naman sa kanilang likuran si Leo, Scorpio, Capricporn at ang pisces twins. Nasa pinakaharapan naman ng lahat si Taurus na nakaupo malapit sa office table ng ama at nakaupo naman malapit sa kaniyang tabi si Bambam.

"Hm, itong rose na 'to ang magle-lead sa'tin patungo sa kung nasa'n siya. Pwede ko kayo bigyan ng tig-iisang petal, just incase na magkahiwahiwalay tayo, hindi tayo maliligaw or what. Lilipad lang 'to sa ere, susundan lang natin." Taas-balikat na paliwanag pa ni Bambam. Nagkatinginan naman ang mga magkakapatid at saka siya tinanguan.

Dahil do'n ay bahagyang tinaas ni Bambam ang hawak niyang rosas sa kaniyang palad. Tila bumalot naman ang tila kulay berdeng glitters rito at wala pang segundo ay agad naghiwa-hiwalay ang mga petals nito at ang bawat petals ay agad nagtungo sa bawat zodiacs.

Each petal keeps floating in the air beside them while it's being surrounded by green glitters.

"How should we start?" curious na tanong naman ni Scorpip, dahil do'n ay agad napalingon sa kaniya si Leo na tila ba nabigla sa kaniyang presensiya. "Oh my! You spoke, sister! Ahahaha!" Agad pa siyang lumapit sa kapatid ay inakbayan ito na talagang ikinabigla ng dalaga. Hindi tuloy niya naiwasang mahiya ng bahagya, ngunit napangiti rin siya.

"Sa gubat," agad naman ani ni Bambam. "Sa Forbidden forest ng Alakitasia City kung saan nagkaroon ng battle si Miza."

"What?" Agad namang tanong ni Taurus. "Battle?"

"Ay? Hindi ba niya binaggit sa'yo tih?"

"She didn't tell me anything." Iiling-iling na ani Taurus napatitig tuloy ang lahat kay Bambam. Dahilan para bahagyang mataranta si Bambam sa mga tingin sa kaniya. "Eh? Hindi niyo knows? May schoolmate kami na wizard yata or beast na hindi ko maintindihan, nagkaroon lang sila ng short match kasi nagyaya siya, si Kumoko." Awkward na ngiting paliwanag niya.

"Kumoko? We know her..." kunot-noo na ani naman ni Sagittarius.

"Sino nanalo?" Curious na tanong naman ni Cancer.

"Edi 'yong kapatid niyo, pinaliwanag pa nga niya kay Kumoko ba't 'yon natalo."

"Eeh..." Nangingiting ani naman ni Leo.

"W-well by the way! 'Yon na nga! Kailangan na nating umalis.. Feeling ko naman makakapasok tayo sa forbidden forest.. M-malakas ang kutob kong ando'n ang entrance.. kung nasa'n si Miza."

"How can you be sure?"

"K-kung kaya niyong kausapin 'yong Goddess of forest, malakas lang ang kutob kong may masasabi siya. Descendant niya ako pero hindi ko pa talaga siya nakikita e, but I really have this strong feeling. I know.. Doon dapat tayo magsimula."

Tatango-tangong paliwanag pa ni Bambam. Nagsusulyapan naman ang bawat-isa. But in the end, nginitian nila si Bambam. "Kung gayon ay halika na, hindi na dapat tayo nag-aaksaya pa ng oras." Cancer said with a gentle smile, everyone nodded.

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon