The unknown world
Miza
"Virgo."
Huh?
"Diane, did you heard that?"
"Ha?"
"The voice? Someone said Virgo..."
"Voice? Saan?"
Kunot-noo akong tumingin-tingin sa kung saan, hindi ko naman pinahalata na medyo nataranta ako sa narinig kong boses, para bumulong kasi iyon mismo sa tainga ko.
"Shems Miza.. Stress ka na talaga ano? Wait nga kakamustahin ko si Devin, baka pwede na siyang makapasok later. I'll let you go home na ha?"
"Ha? No, I'm fine! Baka... Baka guni-guni ko lang." Medyo napayuko ako at napakamot sa sentido. Napaiwas nalang ako ng tingin, tumingin pa ako sa mga customers na may kaniya-kaniyang business. Mukha ngang guni-guni ko lang.
"Oo, guni-guni kasi nga stress ka na, lack of sleep 'yan no? Wait tawagan ko na si Devin, stay there." Agad siyang tumalikod sa'kin at pumasok sa 'employees only' room. Naupo nalang ako at bumuntong hininga.
****
Yung grupo no'ng Leo na iyon...
Kanina pa yata sila nandito, naubos na nila ang mga in-order nila ngunit hindi pa sila umaalis.
Sa totoo lang ay hindi na ako mapakali sa kanila dahil kanina pa nila ako sinisulyapan. Tinititigan pa nga ako minsan no'ng kambal, tapos magbubulungan sila at ngingiti.
Oo, mukhang pinaguusapan nila ako, hindi naman ako nag-a-assume no'ng una kaso halata na dahil kanina pa sila gano'n sa'kin.
"Good afternoon, miloves!"
Agad tumunog ang chime sa pinto nang pumasok na ang ka-workmate ko rito, si Devin.
"Nice to see you, Devs." Bahagya akong ngumiti habang papalapit siya sa'kin. "Hi, crush! Hindi talaga pumapalyang sumaya ang araw ko kapag nakikita kita." Tumaas-taas pa ang parehong kilay niya, napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Natawa nalang din ako at umiling-iling saka siya tinalikuran at naupo ulit.
"Sabi ni boss stress ka na raw masyado ngayon? Gusto mo bang hatid muna kita pauwi?" Agad niyang inusod ang upuan ni Diane at mabilis siyang naupo sa tabi ko.
"Thanks, pero kaya ko naman. Tulungan mo si Diane dito dahil malakas ang customers kapag 6 na," saad ko, medyo napanguso naman siya sa'kin. "Ito naman, gusto ko kaya ng time with you only."
"Well I don't have time for that," ngumiti ako na lalo niyang ikinanguso, "wala talaga akong pag-asa sa'yo no? Ang pain mo naman crush." Umakto pa siyang nagtatampo dahil umusod pa siya ng kaunti palayo sa'kin habang nananatiling nakabusangot, ikinatawa ko naman 'yon habang umiiling.
****
"May kwento raw na kumakalat ngayon? Sa Levisa street daw nangyari, kagabi lang."
"Naks, may chismis na naman? Ano raw 'yon?"
"Actually, hindi nga siya kapani-paniwala. May dalawang tao raw na nagaaway sa daan, midnight daw tapos sa kalagitnaan ng away, biglang raw nagsilutang sa ere yung mga nagaaway at nagpakawala raw ng ilaw sa katawan, Hahaha! Sobrang bigat daw sa pakiramdam no'ng atmosphere sa paligid, hahahaha!"
"Talaga? Sino nagkuwento niyan? Ahaha! 'Yan ba talaga yung kumakalat?"
"Actually kumalat lang kasi kinalat nung lalaki na ang balita ko ay lagi namang lasing, 'yon yata yung asawa ni aling Susan, yung kilalang marites sa street na 'yon."
BINABASA MO ANG
Missing Zodiac [Season One]
FantasíaMizazikanie Reign is a 20-year-old working student. Her parents died when she was ten, and the only person who took care of her after the deaths of her parents was her grandfather, who also passed away when she was eighteen. After two years of being...
![Missing Zodiac [Season One]](https://img.wattpad.com/cover/170836002-64-k957285.jpg)