The bullies
Miza
"Ha? Gemini?" Nang ma-realize ko ang binanggit kong pangalan ay saka ako napatingin sa kung saan-saan, thinking why did I say that name...
Sa huli ay napatingin ako sa babaeng ito na ka-height ko lang at nakayakap pa rin sa'kin. Napapataas na ang magkabilang balikat ko sa pakailang dahil bukod sa nakayakap siya sa'kin ay parang gulat din siyang nakatitig, ang lapit ng mukha niya! "You called us!"
Naka-pigtail ang blonde hair niya and she have such glam red eyes, at naka-black off shoulder dress siya na may yellow lines.
"Leo! Tinawag niya kami! Gem! Gem!" Mukhang may kasama pa siyang tinatawag niya mula sa malayo, samantalang wala naman akong nakikita.
Hindi pa siya bumibitaw sa pagkakayakap. What the heck, nasa'n ba kasi ako at ang dami nang sumusulpot!? I'm starting to doubt if this is really a dream or not! Who the heck are this people?
Pare-pareho na kaming nakatangin sa direksyon kung saan may tinatawag ang babaeng ito. Hindi naman ako maka-imik dahil hindi ko naman gets ang nangyayari talaga.
Agad ko naman naramdaman ang paghawak ng lalaking pusa sa balikat ko kaya napalingon ako kaniya.
"Are you starting to remember---"
Ngunit kasabay nang paglingon ko sa kaniya ay mas mabilis pa sa kidlat na sumulpot ang isang lalaking sobrang lapit na sa'kin! Napansin ko lang ang glam red eyes niya at ang hintuturo niyang mabilis na dinampa sa noo ko!
Tila sa isang iglap ay nakaramdam ako ng mabagsik na pagka-antok! Hindi ko napigilan na matumba at tangi ko nalang naramdaman ay mabilis akong sinalo no'ng pusa.
"Anong ginagawa mo, Gem?"
"Gem!"
"Hindi pa oras, the emperor is sensing her! Bring her back!"
"Ano naman kung andito na siya--"
"Huwag kang makulit, Mini! Do you want her memories to disappear!?"
"No..."
"You're breaking the plans that the emperor has set for her, Leo!"
"Oh?"
****
*gasp!*
Para akong kinapos ng hangin!
Habol hininga nang magising ako mula sa panaginip na hindi ko maintindihan at parang napakalabo na sa utak ko. Ang lamig ngunit pinagpapawisan ako, tila wala ako sa sarili habang nakahiga at nakatitig sa ceiling, sa bukas na ilaw.
"What..."
What am I dreaming about?
****
"Hi, Reign! You look pale ha? Why don't you try my newest Tasia liptint! 200 lang!"
"Hindi ako nagli-liptint, Sofia," sabi ko habang patuloy na nagsusulat. Nagte-take note ng lecture sa monitor sa harap.
"Why naman? Sayang ang ganda mo! Why don't you just try it lang, parang you're just trying something new now, gano'n!"
"Sorry, Sofia, hindi ko talaga hilig 'yan. Try mo nalang kay Bambam nangongolekta ng liptint 'yan."
"Si bakla? Sus! Ahas 'yan, enemies kami ngayon no!"
Dahil tuloy do'n ay nagbago ang mood ni Sofia. Ang kaklase naming mahilig magbenta ng beauty products.
Napailing nalang ako sa kaniya habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko. "Ayaw mo talaga girl? Sayang ang lips mo, mukhang ang sarap halikan."
BINABASA MO ANG
Missing Zodiac [Season One]
FantasyMizazikanie Reign is a 20-year-old working student. Her parents died when she was ten, and the only person who took care of her after the deaths of her parents was her grandfather, who also passed away when she was eighteen. After two years of being...
![Missing Zodiac [Season One]](https://img.wattpad.com/cover/170836002-64-k957285.jpg)