Nine versus nine
"Suotin mo ito, bilis."
"Po?"
Tila sapilitan isinuot ng dyosa ang isang makapal na dark green cloak kay Bambam na kasing kulay ng kaniyang makinang na buhok at mata. Napapatitig nalang ang mga zodiacs sa dyosa ng kagubatan na tila isang ina na nag-aalala sa kaniyang anak.
Naiilang man ay wala na rin naman nang nagawa si Bambam kun'di suotin ang makapal na cloak na may simbolo ng rosas na nakaukit gamit ang gintong sinulid.
Hindi lang 'yon dahil inayos-ayos pa ng dyosa ang buhok ni Bambam at hinalikan niyo ang kaniyang noo ay lalong ikinailang ni Bambam at awkward nalang na napapangiti. "O-okay na po ako."
"Mag-iingat ka at palaging mong iintindin ang 'yong sarili, huwag mong pagtuunan masyado ng pansin ang 'yong mga kasama pagkat hindi tayo siguro kung nagbago na talaga sila." Seryosong ani pa ng dyosa habang hawak ang mga pisngi ni Bambam at seryoso niya itong tinitingnan. Napaiwas nalang ang tingin ang ilang zodiacs dahil talagang pinaparinig pa ng dyosa ang sinasabi nito tungkol sa kanila. "Ah? Opo?"
"Huwag ka masyadong magdididikit sa kanila, iligtas mo lang babaeng sinasabi mo, pagkatapos ay umuwi ka na agad, naintindihan?" Pinindot pa ng dyosa ang ilong ni Bambam habang may magandang ngiti.
"E-eh?"
"Father must have done something to her." Naiiling na ani ni Leo at saka tumalikod sa lahat at sinusubukang hawakan ang portal. Patago nalang na natatawa si Taurus habang natatawang inirapan naman ni Sagittarius si Leo.
Ngunit nabigla ang lahat ng zodiacs at si Bambam nang bigla nalang naglaho si Leo ng mahawakan na nito ang portal! Napatingin tuloy ang lahat sa dyosa ng kagubatan na tumango lang sa kanila.
"So that's how you'll enter..." Ani ni Taurus at saka na siya sunod na lumapit sa portal nang ilapit niya ang kaniyang kamay, siya naman ang sunod na naglaho.
Hanggang sa sunod-sunod ng itong ginawa ng lahat.
****
"Hala? Nasa'n na me?" Tanong ni Bambam sa sarili nang siya ay biglaan na lamang sumulpot sa lugar na tila abandonado na. Puro malalaking kumpol ng bato at mga medyo naglalakihang pader na halatang nag-collapse. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Hindi rin naiwasang maramdaman ni Bambam ang creepiness ng lugar kung kaya mas binalot niya tuloy ang sarili sa suot niyang cloak, na hindi niya rin alam kung para sa'n nga ba.
Wala na ang mga zodiacs sa paligid niya, lubos niya ring ipinagtataka kung bakit mag-isa na lamang siya after nilang pasukin ang portal.
Ngunit hindi lang si Bambam ang nag-iisa nang dumating sa misteryosong lugar.
"Eh? Where am I?" Taurus...
"Did I came to early?" Leo...
"Pis! Pis! Ang dilim! Ang dilim!"
"Ssh! Huwag ka maingay! Tara, tara!" Pisces twins..."Nagiiba ang ihip ng hangin..." Capricorn...
"Walang daloy ng tubig sa lugar na ito..." Aquarius...
"Hm... Touchè." Sagittarius...
"Nasa'n sila, munting bulaklak?" Cancer...
"May kamatayan sa lugar na 'to, marami sila.." Libra...
"Hmm..." Scorpio...
All of them.. came to that world separated from each other.
![](https://img.wattpad.com/cover/170836002-288-k957285.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Zodiac [Season One]
FantasyMizazikanie Reign is a 20-year-old working student. Her parents died when she was ten, and the only person who took care of her after the deaths of her parents was her grandfather, who also passed away when she was eighteen. After two years of being...