Emptiness
Third person
"Hmm." Isang babaeng naka-P.E uniform na mayroon ding hood and nanonood. Naka-cross arms itong nakatingin sa dalawa mula sa labas ng sports field. Natatakpan ng kaniyang suot na hood ang kaniyang ulo at mukha. Ngunit lumilitaw pa rin ang dulo ng kaniyang color black hair na may silver highlight sa dulo.
Tila natulala nalang ang dalawang si Miza at Bambam sa itsura ng kanilang kapaligiran.
"Messy and careless," she said.
Mula ro'n ay umiwas na ng tingin ang misteryosong dalaga at lumakad paalis sa lugar na 'yon.
Miza
"P-pa'no na, Bi? Mukhang may na-masaccre sa buong sports field." Nagaalalang sabi ni Bambam. Kahit ako ay natulala nalang nang pagmasdan ko ang buong paligid. Punong-puno ng dugo ang sahig, parang baha. Ang laki ng sport field pero ang buong lugar na 'to, nagkalat ang dugo't laman. Pati kami natalsikan, hindi nga lang talsik, parang nabuhusan pa ng dugo.
"H-hindi ko na alam e," I said. Everyone will be curious kung ano at paano nangyari 'to, some might freak out too if they see this place. Should we just get out of here like nothing happened?
"May nakakita kaya sa'tin?" Agad lumingon-lingon si Bambam sa paligid, tinatanaw niya pa ang loob ng building malapit dito. Pati tuloy ako nakilingon-lingon na sa paligid, it seems like no one's here anymore, until I heard a loud siren!
A police car?
"Hala, Bi, may pulis na yata-- may natatanaw na akong palalapit dito!"
Medyo kinabahan tuloy ako, what should we say? Ah!
"Bambam, sabihin nalang natin sumabog bigla yung alien, let's act as if takot na takot tayo." I'm quite nervous but I don't want to look like it.
"Ha? Hala ka, maniwala kaya sila?"
"It's more believable kaysa naman sabihin nating nilabanan natin yung beast na mas matangkad pa sa school building." Taas-balikat kong sabi.
"Ay oo nga shems...sa bagay." Pumeywang pa siya at napatango-tango sa'kin.
"Hoy! Kayong dalawa riyan!" A police officer shouted while pointing a gun at us. Nang ma-recognize niya ang uniform namin kahit may bahid pa ng dugo, he slowly lowered his gun.
"S-sumabog bigla yung alien..." Bambam said while smiling awkwardly habang napapakamot ng sentido. Geez, I guess he's not good at acting, only good at keeping his secrets.
****
"Ang lalaki ng mga laman do'n, hindi talaga tao 'yon." Rinig namin sabi ng isa pang pulis na napadaan lang sa tabi namin. May ambulance rin palang dumating, andito kami ni Bambam ngayon sa loob ng ambulance van, nakaupo habang pinagmamasdan ang kung ano pang commotion sa labas.
Naka-white tshirt na ako at ganun rin si Bambam, hinubad na namin ang P.E jacket namin. Mabuti nalang kahit hindi marunong umarte si Bambam, pinaniwalaan pa rin agad ang sinabi naming sumabog bigla 'yung alien at iniimbestigahan na nila ngayon. Sila na rin mismo nagsabi na mukhang nagkaroon kami ng trauma or something, that we doesn't know how to react anymore. I wasn't reacting at all though habang tinatanong kami, I guess I'm bad at acting too.
Just as when we finished off that beast, the earthquake stops. It's good though, no one saw us while we're doing unbelievable business there.
"Saan kaya galing 'yon? Alien ba talaga 'yon? That shit is real!?"
"The earthquake earlier is damn scary, buti nalang walang building na nag-collapse."
"Meron nga lang mga nagkaroon na ng cracks."
![](https://img.wattpad.com/cover/170836002-288-k957285.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Zodiac [Season One]
FantastikMizazikanie Reign is a 20-year-old working student. Her parents died when she was ten, and the only person who took care of her after the deaths of her parents was her grandfather, who also passed away when she was eighteen. After two years of being...