Chapter One

439 10 2
                                    

Four strangers

Mizazikanie Reign

Sunrise and cool breeze...

Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang dahan-dahang paglitaw ng araw hanggang sa masinagan ako nito. Bukas ang pintuan ng terrace ko dito sa'king kuwarto kung saan ako nakaharap kaya dama ko ang lamig ng hangin sa umaga na winawasiwas ng malumanay ang buhok ko. Nakakatuwa na napagmamasdan ko palagi ang magandang pagsulpot ng araw na tila binabati ako tuwing umaga.

Napapikit ako as if mas dinadamdam ko ang kasisilip lang na init ng araw. Saka ako huminga ng malalim at dinamdam ang hangin na pumapasok dito sa kuwarto ko. I stayed that way for a couple more minutes at saka ko naisipang tumayo at kumilos para simulan ang araw na 'to.

Seven o'clock nang matapos akong magbihis.

Routine in the morning, naghanda lang ako ng almusal ko na tinapay and strawberry jam. Nagpainit ako ng tubig hanggang sa makapaghanda ako ng kape. Nang makapaglagay na ako ng tatlong slice ng bread sa platito, dinala ko na ito pati ang kape patungo sa mesa ko. Agad akong naupo ro'n at nagsimulang kumain.

Agad ko ring nilabas ang phone ko, ilang messages ang nakita ko at karamihan do'n ay sa kaibigan kong ka-work mate ko rin.

:Miza? Pasok ka na?

:Beb, papasok ka ba?

:Huy 7:20 na 8:15 tayo nagbubukas, wala ka pa!

Saglit ako napatitig sa mga messages niya at saka bumuntong hininga, napalingon tuloy ako sa sala banda ro'n sa mini table kung saan nakapwesto at nakaayos ang mga schoolworks ko na hinahabol ko ang deadline.

Habang ngumuya ay tila kusa ko nalang napagmasdan ang kabuuan ng bahay ko. Saka ako muling tumingin sa phone habang humihigop ng kape. Naisipan ko muna mag-scroll sa facebook at manood ng kung ano-ano na madalas nagpapatawa sa'kin.

Isa akong first Year College, freshmen. Kumuha ako ng kursong Psychology, magse-second semester na rin and I just turned 20 last month.

Isa rin akong working student, since namatay ang lolo ko two years ago at new year pa no'n, wala akong choice but to work to survive. He's the only person who took care of me since I was eight, my parents? They're in a better place now, together and forever.

It's kinda' hard to be lonely.

Friends? I only have two of them, hindi ako friendly pero hindi rin naman ako mataray. If you talk to me I'll talk to you too. I'll be glad to have a conversation with you.

House? This is my own house, nagmula pa ito sa angkan ng lolo ng lolo ko. Nakatakda naman na akong magmana nitong bahay. Hindi ito maliit, hindi rin sobrang laki, tamang-tama lang. Mabuti nalang talaga at may sarili akong bahay, hindi ako nangungupahan, dahil kung oo, malamang problema ko pa 'yon ngayon.

Bago ako umalis ay inayos ko pang muli ang sarili ko sa harap ng salamin. Short sleeves na white polo at brown skirt na umaabot hanggang sa tuhod ang suot ko. Dala ko pa ang backpack ko na naglalaman ng extrang damit at iba pa. Sunod ko namang pinagmasdan ang mukha ko, okay naman, hindi naman ako maputla. Straight naman ang short hair ko na angat sa balikat.

Presentable na ang itsura ko, oks na 'to.

****

"8:14... ang taray, buti nakaabot ka pa, ano?" Taas kilay na sabi sa'kin ni Diane, ang kaninang tumadtad sa'kin ng text at kaibigan ko rin.

"Hehe... sorry," ngumiti ako habang napapakamot naman ng sentido. Nakapag-taxi naman ako at buti hindi gaanong traffic. Nakita ko naman ang agad niyang pag-ngiwi sa'kin.

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon