Chapter Nine

97 10 2
                                    

A friend

Miza

That was a lot yesterday.

"Dzai, hindi pumasok si Curstine ah, himala? Well buti nga dahil insekto lang naman siya dito." Salubong sa'kin ni Bambam na agad tumabi sa'kin para lang sabihin 'yon. Sinundan ko lang saglit ang mga kilos niya at tumingin nalang ako muli sa harap.

We're in the garden, sitting in a bench while appreciating the beauty of these flowers, may 2 hours vacant ang section namin kaya maraming nagsikain, nagsigala sa loob ng school at mga nagsitulog.

Ako naman ay tumambay dito sa garden. Hindi ko inexpect si Bambam dito, hindi naman ako nag-react nang sumulpot siya bigla.

About her..

I don't know if I shouldn't feel bad though, nag-black out naman na ako after no'n. I don't even know what happen after. Sinabi lang sa'kin nung green zodiac guy na pinatay na nila siya.

I don't really know.. I just feel sorry for her.

"Ba't ka pala absent kahapon? Actually sabay kayo ni Curstine na absent.. Ay pati pala mga alipores niya!"

Oooh crap.. I actually remember what I did.. I hope they're fine now.

"Ahm.. Diarrhea." Sabi ko habang nakatitig sa mga bulaklak, staring at them gives me the relaxation in my mental state.

"Hm? Mukha nga, lagi ka nakasimangot ano? O seryoso ganern. Buti nalang marunong ka pa rin ngumiti." Sinanggi niya pa ako ng siko niya habang binubuksan rin ang dala niyang baon. Hindi pa naman breaktime..

Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga. Inaantok na tuloy ako kaya saglit akong pumikit.

"Minsan na kitang nakita na nag-smile e, do'n sa GCF shop, dun ka nag-wo-work no? Um-order ako do'n kaso hindi mo ako nakilala. You're bad at remembering people no?" Napadilat naman ako agad at dahan-dahan siyang nilingon. Humagikgik pa siya sabay subo sa rolled omelette, I see.. a japanese bento style.

"Hm.. I only remember those people I hang out with."

"So maaalala mo na ako ngayon, dai?"

"Ha? Kilala na kita, you are smart and reliable."

"Ay! True ba? Hahahaha! Well hindi lang talaga ganda ang meron ako~"

Never knew that Bambam could be this talkative. Naguusap lang talaga kami tuwing ka-group ko siya o kaya maka-partner sa mga activities. Madalas mangyari 'yon so I am not that awkward in his presence.

"Gusto mo? Ito oh." Nilingon ko siya ulit, ibinalandra niya sa'kin ang dalawang sashimi na nakaipit sa chopstick niya. Parang kumulo tuloy ang tiyan ko kaya't tumango ako sa kaniya. "Ah." I just opened my mouth and didn't do anything.

"Eh?" He looks a bit surprised, sinubo niya rin sa'kin ang sashimi. Hm.. that was good, I should buy one later.

"Thanks."

"S-sure of course, nabigla naman ako do'n alukin ko sana yung isang pair pa ng chopsticks ko e."

"Thanks, but it's okay, bibili nalang ako ng sarili kong sashimi."

"Nag-crave ka? Hahahah!" Tawa niya pa sabay subo ulit ng baon niya. He's chewing his food while his chopstick is still on his mouth but just a few seconds he immediately stop na parang may naalala siya bigla and then his cheeks turns bright red.

Na-curious tuloy ako sa naging kilos niya, nabilaukan na ba siya? Should I help? "You fine?"

"Ha? Ah! O-oo, may naalala lang, shet, una na ako bi, bye!" Mabilisan niyang niligpit ang baon niya at mabilis na tumayo at lumakad palayo. Saglit ko lang siyang sinundan ng tingin saka ko muling pinagmasdan ang bulaklak rito, lots of roses and tulips. Naalala ko tuloy yung mga bulaklak na nakita ko sa constellation world, they're not just beautiful, they're shining.

Missing Zodiac [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon