Zoe's POV
"Zoe anak, malalate ka na sa first day nyo!" sigaw sakin ni nanay sa kwarto ko, pakshet di ako pwedeng malate sa first day namin! Kaya binilisan kong magbihis. Lumabas agad ako ng bahay at sumakay ng jeep syempre dala dala yung bag ko.
"Oh hija malalate ka na ba?" tanong ni kuya drayber "Ahh opo eh." magalang na pagsabi ko. "Sige magpapagas muna tayo." magpapagas pa?! Eh malalate na nga ako eh! Pusanggala naman oh. No choice ako kundi mag-intay.
Pagkatapos magpagas ni kuya drayber nagdrive na ulit siya, alangan namang sumayaw pa siya ng badinga sa gas station? Maya maya lang ay nandun na ako sa tapat ng school. Nagmamadali akong bumaba ng jeep para di makabayad, de juk lang. Syempre nagbayad ako, baka halikan pako ng demonyo eh.
"Ms. De la Vega you're late." bungad agad sakin ng teacher kong semi panot at nakapustiso. De juk lang, pero totoo. "Sorry sir." pagpapaumanhin ko, sira nanaman ang araw ko dahil nakita ko NANAMAN si Carl Daniel, CD for short. Kaimbyerna yang hayup nayan eh. Wala naman akong ginagawa sa kanya, kung itrato niya ko para akong aso. Konti nalang talaga, konting konti nalang mapapatay ko tong demonyong to.
Sa ngayon, di ko alam kung bakit ko siya tinititigan. Ewan. Pero naririnig kong nagsasalita yung titser namin. "Welcome back seniors! I have a question, the one who answers will have a bonus grade." tas blah blah, hindi ko narinig yung tanong kasi nakafocus ako kay hinayupak na CD!
"Okay, Zoe." ako lang naman ang nag-iisang zoe dito kayo tumayo ako. Pakinshet. "Uhh, sir can you please repeat the question?" nahihiya kong sabi at nginisian naman ako ni demonyo. Ugh. "Nevermind. Okay, Mr. Ferrer." Urgh, kahit kailan talaga malas siya sa buhay ko. Palibhasa isa siyang poging unggoy, kaya kung makapang-asar sya kala mo kung sino, sarap pektusan sa ngalangala."Okay class, turn your textbooks to page 143." I love you talaga? Bawal bang 111? Kailangan 143? "I'll give you 5 minutes to answer that, hurry." At pagkatapos ng five minutes- "Students, you guys will have an activity. And it needs to be in 2's. I meant that in partners. Girls will pick ONE paper in this box. The name that's written in the paper.. ay magiging partner nyo." yan pa english english pa kasi eh.
Much, much, much later.
"Ms. De la Vega its your turn." pumunta ako sa harapan para gawin yung pinapagawa na activity- I mean yung partner partner thingy. Dahan dahan akong kumuha, at pagkuha ko nung pirasong papel binuksan ko agad, nakatiklop eh. "Tell us, who's your partner so we can know." ang partner ko si...
PAKINSHETTENG SHET SI CD. "Carl Daniel Ferrer?" nakita kong nanlaki yung mata ni CD, kahit ako ramdam kong nanlaki mata ko nung nakita ko eh. Umupo nako sa kinauupuan ko, shiz ngayon ko lang sya makakasama sa activity pa ng school.
Pagkatapos nung mga partner partner pinaliwanag na ni Mr. Domingo yung gagawin. "Sa activity na'to, kailangang magtulungan talaga ang mga magkakapartner dahil may pagkamahirap 'to. Kailangan din na magkakilala kayong mabuti ng mga partner nyo." kailangan ko siyang kilalanin? Wow so deep. "Dahil ang gagawin nyo, gagawa kayo ng video gamit ang mga picture kasama ang mgakapartner nyo, wala itong subject. Video tungkol sa friendship, enemyship or RELATIONSHIP." enemyship samin, hahaha!
"Halimbawa, kaming dalawa ng asawa ko. Gagawa kami ng video using photos tungkol sa pano kami nagkakilala, pano naging kami at pano kami kinasal. Pero sainyo since mga teenager palang kayo, siguro yun muna. Yung pano kayo nagkakilala, pano kayo makitungo sa isa't isa, kung gusto nyo yung mga future plans nyo isama nyo narin." Grabe ang tagal ng pageexplain ah, 1 hour.
"The submission of videos? Before your graduation." before graduation.. shiz kailangan kong pagbutihan this year, kailangan kong makakuha ng scholarship sa Ateneo. "Maaga tayong magdidismiss, para masimulan nyo na ang activity. Galingan nyo, good luck!" ugh, di ko alam kung pano sya kausapin.
"Uhh, ehem!" nagulat ako nang nakita ko sya sa harapan ko, nakasmirk pa ang gaga sarap pektusan lungs. "Ano?" naiilang na tanong ko sakanya, nailang pako sa lagay nayan eh no? "Mamaya, sa bahay, after lunch." para namang alam ko ang bahay nila, pati ako pa pinapupunta? Dapat sya sumundo sakin! Tsk, di sya gentleman geez.
"Ayoko. Ni hindi ko nga alam bahay nyo eh! Sunduin mo ko sa bahay. Sa Rizal." saka ako tumayo at lumabas sa room, pero bago ako lumabas sa room pinigilan nya ko, ano bang problema nito? "Lumabas ka na agad ng bahay nyo before lunch, ayokong pinaghihintay ako." sabay bitaw nya sakin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng school.
"Lumabas ka na agad ng bahay nyo after lunch, ayoko ng pinaghihintay ako." panggagaya ko sa sinabi nya nang matapilok ako dahil sa bato, punyeta naman darna! Pinapabayaan mo yung bato mo kunin sayo ni impakta yan, gaga to.
Nang biglang may nag-alalay saking tumayo, pagkatayo ko ay nakaharap ko ang isang poging nilalang na ubod ng pogi na pogi tsaka pogi. Aish kaloka!
"Ahh miss, pwede ko bang itanong kung anong oras na?" tanong nya sakin sabay ngiti, alam nyo yung feeling na gusto mong sumigaw kasi ang pogi ng nilalang na nasa harap mo? "Oras na para mahalin mo ako." Ano diary ng panget ang peg? Syempre di yun ang sagot ko. "Ahh, 10:39pm." nakatitig lang ako sakanya, pakshetnyeta nakakahiya!
"Ohh.. Anyway, I'm Skyler Montero. Bago lang ako dito sa school na'to." kaya pala ngayon ko lang nakita ang pogi nyang muk- saksakan ng pogi nyang muka. Mygashness I'm so die. "Ahh, ganun ba. I'm Zoe, Zoe de la Vega." nakangiti kong sabi sakanya, pero kahit nakangiti ako di parin ako pretty letse. "Nice meeting you, Zoe" nakangiti nya nanamang sabi, kung nakakamatay lang ang pagngiti nya sakin patay nako honesto promise.
"By the way, ikaw yung school valedictorian from first year hanggang 3rd year diba?" pano nya nalaman? "Ehh, oo." nagtataka kong sagot. "Well, gotta go now. Seeya!" OMYGASH.
Hindi na muna ako makikipagkita kay Carleng, I mean CD. Tinext ko sya, magdadaydream muna ako. Magpapalusot nalang ako dito kay CD.
To: CD
Hoy, masakit ulo ko kaya please, wag muna nating simulan yung picture picture na activity. Ge thank you.
Inintay ko syang magreply ng mga 30 minutes pero hindi sya nagreply. Kaya.. pagkauwi ko ng bahay. Kain » ligo ulit » higa. Sana mapanaginipan ko sya! Hays landi mo te, tulog mo nalang yan. *sabay tulog*

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Teen Fiction"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...