CD'S POV
"Nandito na ba tayo?" tanong ko sa drayber na si kuya ark. "Malapit na sir." anong oras na eh, nakakaantok. Si zoe nga nakatulog na eh, sa baba ko nakahiga. Sa you know.. patola. Hahahaha! De juk sa legs. Maya maya naramdaman kong gumalaw sya, tumagilid. Sabay nagsalita "Tay..." sinasabi nya yun ng himahagulgol at umiiyak. Basa na tuloy yung pantalon ko.
Parang nakakaawa lang yung muka nya pag umiiyak. Malamang babae yan eh, nakakaawa talaga. "Shhh, Zoe. Nanaginip ka." paggising ko sakanya. Umiiyak parin sya. Sorry naman, di ko alam yung pakiramdam ng naiwan ng tatay eh. Umiiyak parin sya nang bigla syang nagising, umupo sya agad sa upuan ng kotse tsaka tumingin sakin, tumutulo parin yung luha nya.
"Cd.." humahagulgol nyang sabi. "Wag mo akong i-iiwan, katulad ng ginawa ng t-tatay ko sakin.. h-ha? please?" nagulat ako ng sabihin nya yun, saka nya ako niyakap. "Oo, hindi kita iiwan." seryoso kong sabi sakanya, "S-salamat, salamat talaga." pumiglas sya sa pagkakayakap nya sakin at saka ngumiti. Pinikit nya ulit ng mata nya at natulog. "Nandito na tayo sir." sana pala di ko muna sya pinatulog, pero okay lang. Di naman siguro sya mabigat no?
Pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse, binuhat ko na sya papasok sa resort. Pucha ang bigat! Pero patuloy parin ako sa paglalakad papasok ng resort. Pagkapasok na pagkapasok ko sa resort, pinagtinginan kami ng mga tao saka sila nagbulungan. Problema nyo?
Antaray nung girl oh, siguro love na love sya ng boyfie nya.
Haba ng hair ni ateng, amfogi ng boyfriend amf!
Ang gwapo naman ni kuya, kaso taken na. Huhuhurt.
Sheesh. Boyfriend nya daw ako, napagkamalan pa akong taken. I'M SINGLE AND READY TO MINGLE. Pero dahil sa kabigatan ni zoe naglakad ako ng dire-diretso sa room namin. Wag kayo mag-alala, dalawa yung kama. Pagkapasok ko sa kwarto nilapag ko agad si zoe sa kama nya. Alis kaya kami ni zoe bukas? punta kami sa EK, o kaya sa Star City, o kaya naman sa park. Para naman hindi sya maging malungkot, iniwan nga kasi sya ng tatay nya diba?
Mag-mamadaling araw na pala? Di ako makatulog eh. Tinitigan ko lang si zoe habang natutulog. Di ko inakala na ang bigat pala ng pinagdaraanan nya. Sila lang dalawa ng mama nya sa bahay. At ang alam ko ang trabaho ng mama nya ay isang palengkera. Ako nalang magpapaubaya. Kinumutan ko si zoe dahil malamig, saka ko pinatay yung ilaw. Humiga nalang ako sa kama, saka ako natulog.
---------
"Naknampucha naman Cd! Dun ka nga sa kabilang kama!" paggising nya sakin, di ko namalayan dito pala ako nakatulog sa kama nya? "Good morning." ngumiti ako sakanya, wala lang, nasa good mood lang ang kuya nyo. "Shu shu, dun ka!" sabay tulak nya sakin, edi nahulog ako sa kama. "Huy cd, okay ka lang?" tas tatanungin nya ko ng ganyan, ikaw kaya ihulog ko sa kama? "Oo, okay lang ako. Sayo naman ako nahulog eh." bigla syang nangitim, este namula. Kinilig hahaha!
"Naks naks, gusto nya naman!" pang-aasar ko sakanya habang nakatitig sya sakin, pogi ko talaga. "Alam mo bang may crush ako kay skyler? Kaya wag kang assuming." seryoso nyang sabi saka sya humiga ulit. Edi si skyler na, saksak nya sa liver nya.
"Labas tayo?" seryosong sabi ko sakanya, bigla syang tumingin sakin, yung mga mata nya kumikintab. Kumikintab ba ang mata? "Punta tayo sa perya!" perya? anong perya? "Ano yung perya?" inosente kong tanong. "Ayy, hindi mo alam?" nagtanong ako magtatanong din sya? "Basta, may mga laro dun. Tas may may premyo-" di ko sya pinatuloy kasi ang alam ko, may perya dito sa kanto ng resort. Pero di pako nakakapunta dun eh.
"Mag-ayos ka na dali, pupunta tayo sa perya." nakangiting sabi ko sakanya, halata namang nagulat sya sa reaksyon ko. Tumayo sya saka pumasok sa banyo para maghilamos. Tumayo ako para magpalit ng damit, pagkalabas nya naghilamos na din ako.
"Cd, ba't bumait ka?" tanong nya sakin pagkalabas ko ng banyo. "Wala lang, ayaw mo?" nakangising sabi ko sakanya, inirapan nya lang ako. Lumabas na kami ng kwarto, nagtinginan nanaman yung mga tao samin at nagbulungan. Mga mongoloid ba to?
Ayan yung girl na buhat buhat ng boy kagabi oh! Bagay sila.
Ang gwapo ni kuya! Gwapo din kaya yung patola nya? Hihi.
Ang landi nyo, tignan nyong nandyan yung gf nya eh!
Sabay tingin sakin ni zoe, bakas ang pagtataka sa muka nya. Hinawakan ko nalang yung kamay nga saka ko sya hinila palabas at papasok sa kotse. Ayokong makarinig ng mga kalandiang issue.
"San tayo sir?"
"Dun tayo sa perya sa kanto." saka nagmaneho si kuya ark, nang biglang nagsalita si zoe. "Bitawan mo na yung kamay ko Cd." saka ko binitawan yung kamay nya, maya maya lang nandun na kami sa may perya. Ang daming tao kahit 8AM palang.
Tumakbo palabas si Zoe ng kotse para pumunta sa kung saan-saang games. Sinundan ko sya dun sa may dart thingy. "Cd, try mo nga! Yung premyo piggy na stuff toy!" para syang bata hahaha. "Sige na nga, akin na!" binigyan nila ako nung matulis na ewan saka ko inano sa bull's eye, yung una hindi ko natamaan, yung pangalawa hindi din. Pero yung pangatlo nagawa ko na, kaya nga ako biglang niyakap nito ni zoe eh.
"Ang galing mo Cd! Buti pala naging kaibigan kita." nakangiti nyang sabi sakin, futa frine-friendzoned nya ba ko? Joke, asa kayo. Naglaro pa kami ng maraming games pagkatapos nun, saka namin pinuntahan yung nag-iisang game na hindi pa namin nalalaro. "Dun tayo sa isa!" hinila nya ko papunta dun sa isa na sinasabi nya, nakalagay "Kanta mo, premyo mo!" di ko alam kung ba't ako natawa, yung ano kasi eh.. HAHAHAHA!
"Gusto mo magtry ako dito, zoe?" sabi ko na natatawa tawa pa, biglang sumama ang tingin nya sakin. "Ito na gagawin na po." magalang na sabi ko sakanya, sabay ngiti nya. "Ano bang gagawin dito?" tanong ko kay manong drayber este ano.. ewan. "Kakantahan nyo lang sya sir, yung kanta na nagpapahiwatig ng nararamdaman mo sakanya," nagwink pa sya, muka syang bading. Pero ano nga ba ang kakantahin ko sakanya? Wala naman akong maisip, shit. Ayoko naman yung ikaw na nga, di ko pa naman sya mahal eh. Eh yung ako nalang? sheesh wala akong maisip yun nalang.
Naghahanap ka ng maaya
Pagkat sadyang wala kang magawa
Nagsasayang ng bawat oras sa wala
Hala.Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa perya, si zoe.. namumula habang nakangiti. Di ko namalayan na nakangiti na pala ako sakanya, baka akalain nya may gusto ako sakanya.
Na search mo nang lahat sa internet
Naubos na ang load sa kakatext
Naghihintay ka lang ng may makukulit
Ulit.Nakatitig lang sakin si zoe habang nakangiti, zzz. Namumula ako sa titig nya, sheesh para akong bading!
What are you waiting for
Call my number
Knock on my door
Nandito lang ako
How I wish you'd let me knowKung sinu-sino pang tinatawagan mo Nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap Nandito lang naman ako
Kung sinu-sino pang tinatawagan mo Nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap Nandito lang naman ako..Naghihiyawan na yung mga tao. Yung iba nagsasabi ang sweet daw, nice, antaray. Puta.
Ako na lang sana
Tayo na lang dal'wa
Sana nalaman mo pala
Ako na lang sana..Tumigil na ako sa pagkanta, ayokong tapusin antagal nun. Bigla namang nagsigawan yung mga tao sa paligid namin. Kinuha ko na yung premyo, piggy na stuff toy rin sya katulad nung kay zoe. Ba't ang hilig hilig ba nilang magpremyo ng baboy? "Thank you Cd ah, ngayon nalang ulit ako nakapunta sa peryahan eh." nakangiti nyang sabi sakin habang naglalakad kami papunta sa kotse, umuwi na agad kami pagkatapos nun.
Grabe. Masaya rin naman pala syang kasama eh.

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Dla nastolatków"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...