CD"Pare, ayos ka lang?" pagtatanong sa akin ni Hener habang unti unti kong binubuksan ang mga mata ko, may naaninag ako na babae. Nang mamulat ko na ang mata ko ay nagulat ako sa nakita ko.
"Racquel?" pagtatanong ko kay Racquel at ngumiti ito, siya nga.
"I told you Cd, you should've just choose me." sabi niya at hinawakan ang kamay ko, pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko siya kailangan at hindi ko kayang pagtaksilan si Zoe.
"Stay away from me, just leave." pagpapaalis ko sakanya at napangisi siya.
"No way. Lalo na ngayong akin ka na? You are mine and mine, alone." sabi niya na para bang may ipinapahiwatig siya.
"What do you mean?" tila nagtataka kong tanong sakanya, tinawanan niya lang ako, biglang nagsalita si Hener.
"Pare, hindi niya hahayaang mabuhay si Zoe kapag hindi mo siya pinakasalan. Sorry pare, wala akong magawa." nakatungong sabi ni Hener, so siya ang nagpapunta kay Racquel dito?!
"Then why the fvck did you let her?!" nandito kasi kami sa bahay ko, at wow. Nagpapunta siya ng isang babaeng ayaw na ayaw ko makita, ang babaeng nagsira lang naman ng relasyon namin ni Zoe noon.
"Ehem, andito lang ako oh." pakikiepal ni Racquel, fck.
Ano nang gagawin ko?! Hindi ko kayang pagtaksilan si Zoe, pero mas ko kakayanin kung mawala si Zoe sa akin! Hindi ko na alam gagawin ko, andaming laman ng utak ko. I just can't think anymore.
"Ner, call dad." sabi ko kay Hener at kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si dad. Nang sumagot si dad ay nakaramdam ako bigla ng kaba.
Lumabas muna sandali si Racquel dahil pinalabas ito ni Hener, pati rin si Hener lumabas kasi kailangan ko ng privacy. I need to talk to my dad.
"Hello, dad?"
"Oh, hello son. Bakit ka napatawag? Is there a problem?" pangangamusta nito sa akin, kahit papaano ay namiss ko si Dad. Nasa New York kasi siya dahil inaasikaso niya ang company.
"Dad, I'm going to marry Racquel." deretso kong sabi at rinig ko ang pagbuga niya ng kape niya. Alam niya kasing siya ang nagsira ng relasyon namin ni Zoe noon.
"What? I thought you love Zoe?" bigla akong nanghina dahil sa pagbanggit ni dad sa pangalan ni Zoe.
"Yun nga ang problema dad. I love Zoe, very very much. Pero sinabi ni Racquel na kapag hindi ko siya pinakasalan ay hindi niya hahayaang mabuhay si Zoe, lalo na ngayong kritikal ang kondisyon niya." pagpapaliwanag ko kay Dad at napabuntong hininga ito.
"Son, you're the only one who can make the decision. One wrong move and you're out. If you love Zoe that much, fight for her." maikling saysay ni dad.
"Pero dad ikakasal na siya... sa iba." malungkot na sabi ko. All I feel right now is confusion and sadness, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
"It's your choice anak. If you think na hindi ka na niya mahal, let go. Pero kung alam mong may ipaglalaban ka pa, ipaglaban mo habang may oras ka pa. You will never know when a person leaves, tomorrow is never promised." seryosong sabi ni dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/38533006-288-k97091.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Fiksi Remaja"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...