Chapter 25

29 3 0
                                    


CD

"Doc anong nangyari sa kapatid ko?!" inis na sumbat nung kapatid ni Zoe, si Jade. May sumalubong na kotse sa amin kanina pero hindi kami nabangga, binaril kami parehas ni Zoe pero siya ang napuruhan. Sa gilid kasi sumalubong ang kotse kung saan andun si Zoe, sugatan lang ako pero si Zoe ay nasa malalang kondisyon, natamaan siya malapit sa puso.

"This is all your fault! Kung hindi dahil sa'yo sana walang masamang nangyari sa kapatid ko!" kwinelyuhan niya ako samantalang ako nakatungo lang, wala akong masabi dahil totoo naman ang mga sinasabi niya.

Wala akong kwentang boyfriend.

"Ano?! Sumagot ka! Kapag may masamang nangyari sa kapatid ko, makikita mo mga ninuno mo!" binitawan niya nalang ako at napalagapak nalang ako sa sahig, naguguilty ako sa mga ginagawa ko kay Zoe.

Siguro oras na para itigil ko na 'tong kahibangan ko na 'to.

Siguro kailangan ko ng tigilan si Zoe.

Mahal ko si Zoe, mahal na mahal.

Pero kung ako naman ang dahilan ng ikapapahamak niya, bakit ko pa hahayaang mangyari yun diba?

Masyado na akong maraming nagawang masama sa kanya. Wala na akong nagawang mabuti. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Kasalanan ko talaga 'to lahat. Palakad ako papunta sa elevator, pagpasok ko ay may nakasabay akong lalaki na may kausap sa Phone.

"What?! Hindi pwedeng mawala si Zoe! Kailangang matuloy ang kasal!" pagwawala nito, Zoe?! Don't tell me ito yung lalaking pakakasalan niya. Lamang ako ng isandaang ligo dito!

Lumabas na siya ng elevator at naiwan akong mag isa doon, nag iisip kung anong gagawin. Nakaramdam ako ng sobrang sakit, hindi ko alam kung bakit. Hahayaan ko nalang ba si Zoe na mapunta sa pacute na lalaking yun?

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Ayaw kong iwan si Zoe pero kailangan, ayokong ako ang magpahamak sakanya. Marami pa siyang pangarap na hindi niya maabot kapag ako ang nakasama niya.

Biglang nagring ang cellphone ko.

Hener calling...
Hener calling...
Hener calling...

Sinagot ko yung tawag.

"Pare, ano nangyari?" nag-aalalang tanong nito, tumigil yung elevator sa ground floor at lumabas na ako, naglakad ako papalabas ng ospital.

"Pare hindi ko na alam gagawin ko, nadisgrasya si—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may sumapal sa pisngi ko, napatingin ako at nakita kong si Carla ang sumampal sa akin.

"Walangya ka! Akala ko pa naman nagbago ka na, pero ano?! Ikaw parin yung Cd na hambog na walang alam kundi ang ipahamak ang kaibigan namin!" pinigilan ito ni Maxyne at parehas silang humahagulgol ng iyak.

Unti unting nabibiyak ang puso ko, halo halong sakit at pait ang nadarama ko. Tumakbo ako palabas ng ospital at naglakad papalayo. Nang malayo layo na ako ay nakakita ako ng bench, dun ako umupo at dun ako umiyak. Nilabas ko lahat ng sakit na nadarama ko.

"Ang gago mo Cd! Ang gago gago mo!" inis na sabi ko sa sarili ko at pinagsusuntok ang dibdib ko.

Wala akong kwentang tao.

Ang tanga tanga ko kasi, bakit hinayaan kong pumaimbabaw ang emosyon ko? Sa sobrang galit ko nung malaman kong ikakasal si Zoe sa iba nagmamadali akong umalis dahil ayokong mawala si Zoe sakin.

Pero mali ako, sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko manlang naisip ang kapakanan ni Zoe. Kung mawala man si Zoe sa akin ay kasalanan ko, tanga ako eh. Isang araw malalagay nalang ako sa frontpage ng dyaryo with matching caption 'Isang tanga nagpakamatay matapos iwan ng kanyang girlfriend'. Astig diba?

"Pare." biglang pag tawag sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at nakita kong si Hener ang tumawag sa akin.

"Pare ang sakit." sabi ko habang humahagulgol ng iyak, tinabihan niya ako s abench at tinapik tapik sa likod.

"Okay lang yan, tol. Ang gawin nalang natin ay ipagdasal natin si Zoe para gumaling na siya, lilipas din yan." pagsabi niya na para bang tatay ko.

"Pare kailangan kong mahimasmasan." sabi ko kay Hener at dahan dahan akong tumayo. Sumakay siya sa kotse niya at sumakay din ako, naalala ko yung pagbangga namin kanina.

***

"Cd ano ba? Ang bilis mo magpatakbo!" sabi ni Zoe habang nagmamaneho ako, bahala na si batman. Basta mailayo ko lang siya, hindi ko kayang mawala si Zoe sa buhay ko.

Habang nagdradrive ako ay nakatanaw ako ng liwanag, akala ko ay sikat lang ng araw pero nang nagtagal ay nakita kong kotse pala yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Balak ko sanang buksan ang kabilang pinto pero huli na nang lahat.

Fast Forward

"Doc gawin niyo ang lahat para gumaling siya!" naiiyak na sabi ko sa doctor, habang mabilis kaming naglalakad papuntang er. Duguan ako dahil natamaan ang braso ko pero wala akong pake, mahal ko si Zoe at hindi ko kakayaning mawala pa siya ulit sa piling ko.

"Sir, restricted area na po ito. Hintayin niyo nalang po siya sa labas." napabuntong hininga nalang ako at inilalayan ako ng nurse papuntang clinic, kailangan daw kasi agad linisin ang sugat dahil baka mainfection.

Dumating ang kuya ni Zoe, pero wala ang mga magulang niya.

***

Ang tanga tanga ko diba?

Nagmamaneho si Hener papunta sa isang bar. Kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko sa sarili ko pati na rin ang mga katangahang nagawa ko. Umorder ako ng gin.

"Pare tama na." pagpipigil sa akin ni Hener.

"Pare ano ba! Hayaan mo muna ako! Hindi kita kailangan!" galit na sigaw ko sakanya, ayoko ng pinakikielaman ako sa mga bagay na alam ko namang tama, hindi na ako bata para pagsabihan.

"Pero pare—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinuntok ko siya. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil nahihilo ako, unti unti akong napahiga sa sahig at ramdam kong sumakit ang tama ko sa braso.

"Pare—" narinig kong sabi ni Hener at nilapitan ako.

Unti unti nang pumikit ang mata ko, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon