Chapter 24

26 3 0
                                        


Zoe's POV

"Zoe, may naghahanap sa'yo!" sigaw sa akin ni Jade, in medyo-good-na-medyo-bad terms kami ni kuya Jade ngayon. Paano ba naman, sinira yung favorite kong libro!

"Ano nanaman ba?" sabi ko sabay pagkamot ko sa ulo, kakagising ko lang inaantok pa ako eh.

"Sage daw." napatayo ako bigla, yung nakipagkilala sa akin sa pizza parlor yun ah? Paano niya nalaman ang bahay ko? Ganun ba siya kadesperadong makilala ako?

Bumaba ako pero syempre nag ayos muna ako. Pagkababa ko ay andun nga si Sage, ang formal niya tignan kahit polo at pantalon lang ang suot niya.

"Oh, naparito ka iho." biglang pagsingit nila papa, kilala nila si Sage?

"Good afternoon po tita, tito." tinignan ko sila na para bang naguguluhan, naguguluhan talaga ako.

"So kilala mo na pala ang unica hija naming si Zoe?" atsaka sila naupo sa sofa, syempre ako umupo rin. Katabi ko si kuya, nagbabasa ng messages sa phone niya. As usual, puro mga babae niya.

Kung pwede lang akong makisali sa usapan nila eh. Akala ko ba ako ang pinuntahan ni Sage? Bakit sila mama ang kausap niya? mariano garapon.

"Zoe, I think this is the right time." seryosong saad ni papa dahilan para mabaling ang tingin namin ni Jade sakanila, bale magkakatinginan kami ngayon, saya diba?

"The Montenegro Group of Companies are going to merge with ours, DV. So as soon as possible ay kailangan nang maganap ang kasal niyo." napangiti si Sage, ano daw?

"Anong kasal pa? Pinagsasabi niyo?" nagtataka kong tanong sakanila.

"Kailangan mong pakasalan si Sage, as soon as possible." seryosong tonong pagsabi ni papa, bigla akong nakaramdam ng kaba. At wtf, kasal? Kami ni Sage? Eh hindi ko pa nga siya nakikilala!

"What? I barely know him! And besides, si Jade naman ang magmamana ng kumpanya hindi ba? Bakit damay ako?" hinawakan ni mama ang kamay ko, don't tell me na payag si mama sa ganitong usapan? No no no no way! Hell no!

"You're a Dela Vega, anak. At yun ang nais ng mga Montenegro, kailangang kailangan na natin itong proposal na ito. Makipaghiwalay ka na kay Cd, this is your fate." pagpapaliwanag sa akin ni mama. Hindi, hindi ito pwede.

"This is not my fate. I will never ever marry a guy who I barely met!" atsaka ako tumayo at tumakbo palabas ng bahay. Bahala na kung saan pupunta, fudge alam ko na. Pupunta ako kay Cd, hindi pwedeng malaman ito nila Carla dahil sasabihin lang nila kila papa.

Siya lang ang kaya kong lapitan at kausapin ngayon. Kahit kailan hindi ako papayag na magpakasal dun sa Sage na yun! Yes, I admit na pogi siya. But I barely knew him, baka mamaya rapist pala yun, druglord, holdaper at kung ano ano pa!

"Sht!" pagmura ko dahil nakalock ang pinto ni Cd. Sabayan pa nitong letcheng ulan na ito, nasaan na si Cd?

Umuwi ka na, sht.

Maya maya lang ay unti unti akong nanghihina, napatumba ako at napasandal ako sa pintuan ng bahay ni Cd, nawalan ako ng malay.

***

"Hey, babe." rinig kong tawag ni Cd sa akin, unti unting bumukas ang mata ko. Wait, si Cd ba 'to? Kinurot ko ang sarili ko baka nananaginip lang ako eh, pero hindi, si Cd pala talaga.

"I'm sorry, nag grocery kasi ako eh. Ito oh, soup." atsaka niya ako inalok ng soup, inamoy ko yun at amoy seafod, fav ko! Nakahiga pala ako ngayon sa kama niya. Amoy lalaki at ang bango ah.

"Thank you, Cd." nakangiti kong sabi sakanya, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Ngumiti siya.

"I love you, babe." hinalikan niya ako sa noo, bigla kong naalala yung kanina.

Sasabihin ko ba sakanya o hindi?

Sasabihin?

Hindi?

Sasabihin?

Hindi?

Damn, hindi ko kaya. Baka iwan niya ako, hindi ko kaya.

"Uh, Cd.." naiilang kong sabi, napatingin naman siya sa akin habang nanonood kami ng tv. Palabas kasi ngayon yung regular show, favorite naming dalawa.

"Hmm?" ampogi niya, nakakahibang.

"Wala, nood ka lang." Nakangiti kong sabi at nagpatuloy na siya sa pagnonood.

Biglang nagring ang phone ko, fck. Akala ko naman napatay ko na! Kanina pa kasi hindi nagriring eh, malay ko ba. Tanginuh.

09********* calling...
09********* calling...
09********* calling...

Sasagutin ko na sana nang biglang kinuha ni Cd ang cellphone ko at sinagot ang tawag. Kinakabahan ako, nababaliw ako. Paano kung nalaman na nilang na kila Cd ako? Hindi pwede, hinding hindi.

"Hello Zoe? Ang kuya mo 'to, bumili ako ng bagong phone and sim dahil binato ni mama ang luna ko. Bumalik ka na dito sa bahay. We're looking all over for you, nasaan ka ba? Pakikiusapan ko si mama about sa kasal, hindi rin ako payag. You have the right to marry a man you love." biglang kumunot ang noo ni Cd dahil sa sinabi ni kuya Jade, ayan na ang dragon.

Pakshet naman 'to si Jade eh, wrong timing. Wrong timing na wrong timing talaga!

"Sino 'to? At anong kasal kasal?! Sa akin lang pwedeng makasal si Zoe, ilalayo ko siya. Magpapakalayo kami!" galit na sabi ni Cd kay kuya at binato ang cellphone ko.

"Magbihis ka, aalis tayo." seryosong sabi nito atsaka nag ayos ng gamit niya at kumuha ng maleta, nilagay niya ang mga damit nya sa loob at sinara na. Ako naman nagbihis, may naiwan akong extra tshirt at jeans dito. Mabuti nang sigurado.

"San tayo pupunta?" hinawakan niya ako sa kamay ng mahigpit, yung para bang ayaw niya ng bumitaw. Kinakabahan na talaga ako sa gagawin ni Cd.

"Sa Bulacan." deretso nitong sabi habang sumasakay kami sa kotse.

Bulacan?! Bakit doon?

Hindi pa kasi ako nakakapunta ng Bulacan before, sabi nila nakakatakot daw dun. Hindi ko alam, sabi lang nila.

"Uh Cd, bagalan mo naman pagmaneho mo." sabi ko sakanya.

Ambilis niya kasi magmaneho, parang wala ng bukas. Kinikilabutan ako, natatakot ako. Ang seryoso ni Cd ngayon, parang ilang minuto lang pwede niya na akong patayin. Yung muka niya para bang sa sobrang inis, yung gusto niya ng pumatay ng tao.

"Cd ano ba?! Ang bilis mo magpatakbo!" sigaw ko sakanya pero binabalewala niya lang yun.

Bigla akong nakatanaw ng liwanag.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Ang naalala ko lang ay kasama ko si Cd sa isang kotse.

 
***

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon