After 10 years..
"Zoeee! Ikaw na ba yan?"
"Hala ka te, baka model yan. Nakakahiya ka."
Sabi ng dalawang baliw kong kaibigan, niyakap ko sila. Andito kami ngayon sa airport, di ko kasama sila inay dahil sa susunod nalang daw sila uuwi. Well, susunduin daw ako nila Carleng. Syempre, 10 years ba naman kayo di magkita kita diba? Nagulat sila sa nagawa ko, akala siguro nila ibang tao. Well, sa laki ba naman ng pinagbago ko.
"Grabe ka Zoe! Di ka na marits!" sabi ni Maxyne.
"Grabe ka naman, parang ilang taon lang." pagbibiro ko.
"10 years ka kaya nawala saming gaga ka!" ani naman ni carla, mga baliw ano?
"Wow. Ikaw ba talaga yan Zoe?" oo, andito si Skyler. Ampogi niya parin.
"Halata ba?" tinawanan niya lang ako at niyakap niya ako. Namiss ko 'to, namiss ko sila.
Well, kung tatanungin niyo kung anong pinagbago ko, onti lang naman.
Nag gym ako during college, at syempre nag ayos din ako sa sarili ko. Naglolotion lotion nako, make up, at nagpapasalon na rin ako. Samantalang ang dating Zoe wala namang pakielam kahit anong sabihin sakanya ng ibang tao.
"Ang ganda mo talaga." sabi sakin ni Sky habang nagdradrive siya sa kotse niya. Yung dalawa kong kaibigan? Ayun nang aasar nanaman.
"Bagay talaga kayo! Kahit nung mga hs pa tayo talagang may spark kayo. Ligawan mo na kasi Sky! Torpe torpe pa eh!" sabay pang sabi ng dalawa.
"Soon ladies, soon." napangiti naman ako dun. Pero wtf nakita niya ata, nakakahiyaaa. Kasi pa ngiti ngiti pa eh, landi.
"Kinikilig yung isa oh! Shems!" mapang-asar na sabi Carleng. Hay nakoo, ayan nanaman sila.
"May naalala kasi ako, wag nga kayong ano diyan." natawa yung dalawa pati narin si skyler. Kakauwi ko palang nang aasar na ah.
Nang makarating na kami nila Sky sa condo, syempre binaba namin gamit ko. Yung dalawa umuwi na, dahil may gagawin pa daw silang chararat. Si Skyler lang kasama ko ngayon, pagkastop ng elevator sa 3rd floor lumabas na kami ni Sky.
"Dito na. Salamat." kukunin ko na sana yung maleta ko ng inilayo niya.
"Kiss muna." tapos nakapout siya, baliw tong si Sky ah.
"Joke lang! Pag naligawan na kita tsaka ako hihingi ng kiss. Pero.. pwede bang sumama muna ako sayo? Since namiss ko ang Zoe ko." pagtutuloy niya, tumango nalang ako at sabay kaming pumasok. Nilapag niya yung maleta ko atsaka humiga agad sa kama ko, wow at home agad ah.
"Hoy ang dumi dumi mo kaya! Tas galing ka pa sa labas, wag mo ipasok mga germs mo dito!" sigaw ko sakanya na dahilan kaya bigla naman siyang napatayo. Sinamaan niya ako ng tingin, lah ang cute haha.
"Gusto mo rin eh." tinaasan ko siya ng kilay, natawa naman siya. Tapos bigla nalang siyang pumunta sakin para yakapin ako, di ako makahinga.
"S-sky..." papatayin ata ako neto.
"Ay sorry, iloveyou." wow, the flash ah.
"Ang bilis mo naman."
"Ay sorry ulit. Sige, una nako. Bukas nalang kita guguluhin, siguradong pagod ka sa flight mo." nakangiti niyang sabi, ambait talaga nitong si Sky.
"Sige, salamat. Ingat ka." nakangiti ko ring sabi habang papalabas siya sa pinto. Narinig kong sabi niya na 'namiss kita' pero pabulong, namiss ko rin naman siya.
Well, since di pa ako inaantok. Triny kong buksan ang fb ko na 10 years ko ng hindi nabubuksan. Study first kasi ako nun eh. Grabe naalala ko pa email at password ko. Pagkabukas na pagkabukas ko bumungad sakin ang 999+ mahigit na notifs, 999+ fr at 99 messages.
Binuksan ko yun at binasa ko isa isa. Sila carleng at maxyne andrama pa haha, nagsend pa ng picture na umiiyak. Pero may isang message akong napansin, siya yung pinakahuling nagmessage sakin. 10 minutes ago lang eh.
Si Cd. Andami niyang sinabi. Kada year niya akong kinakamusta. Pero kahit ni isang explanation tungkol sa ginawa niya sa akin dati wala. Puro sabi niya lang imissyou, sorry at mahal pa rin kita. Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Ang gulo.
Carl Daniel Ferrer
Balita ko umuwi ka na daw. Hope to see you soon, marami pa akong dapat sabihin at ipaliwanag na kailangan sa personal ko masabi. Namiss kita, sorry din. At sa maniwala ka man o sa hindi, mahal na mahal parin kita. Ikaw parin.
Ang hirap ng maniwala. Di ako nagreply dahil hindi ko alam ang irereply ko. Bakit ganyan siya? Nakakainis. Kung kailang naka move on nako, tsaka siya magpaparamdam na para bang walang nangyari?
Revenge. Yan lang ang salitang pumapasok sa isip ko kapag naalala ko ang mga salitang binitawan niya saakin dati, mga kasinungalingan na nanggaling sakanya. Kung mahal mo ang isang tao, sa una palang hinding hindi mo siya lolokohin.
Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin. Unknown number. Sinagot ko.
"Zoe?" pamilyar yung boses nya.
"C-cd?" di ko napigilang mapaluha, naalala ko yung nangyari saamin nung hs, yung may KAMI pa.
"Zoe? Asan ka? Pupuntahan kita! Please!" binaba ko yung tawag, hindi ko na kaya.
Kakauwi ko pa lang dito sa pinas umiiyak agad ako. Hindi ba dapat nag eenjoy ako? Tinext ko si Sky para sabihin yung mga nangyari, sabi niya pupuntahan niya daw ako. Ang sakit sakit. Bakit di sila magsama nung Racquel nayun? Parehas silang haliparot!
Maya maya lang dumating na si Sky, may dalang chocolate na pa heart shape at roses. Nagulat siya kung bakit ako naiyak, kaya nilapag niya muna yung chocolates at roses sa table katabi ng pintuan. Nilapitan niya ako at niyakap, niyakap ko din siya. Kapag kayakap ko 'to si Sky I feel safe. Tas mararamdaman mo pa abs niya, landi ko.
"Zoe, please. Nasasaktan ako kapag nagiging ganyan ka. Alam kong dahil yun sa mokong na Cd na yun. Pero please, give me a chance. Bigyan mo ako ng chance makapasok sa puso mo. Hindi kita sasaktan, Zoe. Tears of joy lang ang iluluha mo kapag ako ang nakasama mo, please. Ako nalang, Zoe."
Tumango ako at niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. Hinalikan niya naman ako sa ulo. Siguro nga dapat bigyan ko si Sky ng chance. He deserves it. Maya maya lang pumiglas ako sa pagkakayakap naming dalawa at nagsalita siya ulit.
"Liligawan pa kita, pero secret na kung kailan yun. Mahal kita, Zoe." hindi ko pa masabing mahal ko rin siya, dahil ayoko munang magmadali. Tsaka na kapag niligawan niya na ako. Namumula ako wtf.
"Ang cute mo." natatawa niyang sabi, epal talaga to. Binatukan ko nga.
"Pwede dito ako matulog?"
"Oo, basta dun ka sa sofa." nakapout siya atsaka humiga sa sofa. Ako naman natawa lang, haha. Nagpapasalamat ako na dumating si Skyler sa buhay ko. Humiga ako sa kama nang nakangiti.
Hays, ampogi ni fafa Sky.
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Teen Fiction"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...
