Zoe's POV
"Ano ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" galit na sabi ko dun sa nakabangga sa akin, eh sa nagmamadali ako eh.
"S-sorry miss." sabi niya sa akin pagkuha ng mga papeles ko, kaharap ko siya ngayon, at wag kayo pogi siya.
"Zoe?" paano niya ako nakilala? stalker ko ata to eh.
"Paano mo ako nakilala? Stalker kita no?!" natawa siya, kinakabahan ako na napopogian sa ginagawa niya. Baliw na ata ako, pati pagtawa niya ang hot eh.
"Haha, nakabanggaan nanaman kita. Nabangga kita dati, 10 years nang nakalipas. Kung kani-kanino pa nga kita pinagtatanungan. Akalain mo yun, nagkita ulit tayo?" 10 years? Naalala niya pa yun? Mukang vitamins niya ang memo plus gold ah.
"How about a coffee? Kahit sandali lang." nakangiti niyang sabi, singkit siya pag ngumiti pero mas pogi parin yung kumag na nakasama ko kagabi sa kwarto ko.
"Uhm, siguro next time nalang. Nagmamadali din kasi ako eh, ano nga pala pangalan mo?"
"Jade Anthony Caratao. JA nalang for short." saka siya nagbigay ng papel ng may pangalan at number niya, wow ah. Scripted na scripted.
"Sige nice meeting you JA." atsaka ako naglakad ulit papalayo, may pahabol pa nga siyang 'see you' eh, kaso naalala kong nagmamadali na pala ako.
***
"Babe!" sigaw sa akin ni Cd.
"Zoe!" sigaw naman ni Sky.
"Anooo?!" pabalik na sigaw ko sa kanila, sigawan ba naman ako?
"Para sa'yo oh." sabay pa nilang sabi at binigyan nila ako ng bouquet, chocolate at teddy bear. Parehas pa sila ng dala. Nagsamaan pa ng tingin ang dalawa, mukang mawawalan ako ng kamay.
"Hindi naman ata ako matatanggalan ng kamay dito no?" sabay silang nagsorry at kinuha yung mga nasa kamay ko.
"Hiro, pakuha nga ng mga dala nila at lagay sa kotse." kinuha naman ni Hiro yun, yung driver ko at nilagay sa kotse.
"Aalis ka Zoe?" sabay nanaman nilang tanong, alangan namang mag stay ako dito? Ano dito ako matutulog? Nagring bigla yung phone ko.
JA calling...
"Papunta ka na? Sunduin na kita."
"Papunta na ako, no need. Intayin mo nalang ako diyan."
Magmemeet kasi kami ngayon, ewan ko ba nagyaya ng coffee libre niya daw. Tatanggi pa ba? At isa pa adik ako sa kape. Kaya wala na talang atrasan to.
"Ingat ka." sabi sa akin ni Cd. At kumaway ako habang papalayo sa kanila, kinawayan din ako nung dalawa pabalik at sumakay na ako sa kotse.
Pagkadating ko dun sa coffee shop tanaw ko na si JA. Naka maroon shirt siya, nakajeans at sneakers. Ampogi niya na nga ang lakas pa ng appeal niya. Nawawala yung panty ko.
"Ang ganda mo parin." sabi niya sa akin na ikinamula naman ng muka ko, habang may nagsasabi naman sa utak ko na 'ang haba ng hair mo teh' 'teh isa isa lang'

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Fiksi Remaja"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...