Cd's POV
"Pare imposibleng mangyari yang sinasabi mo." pagdedepensa ko kay Bryan, sabi niya kasing pwede daw akong ipagpalit ni Zoe kahit kanino niya gusto, that's bullshit.
"Anong imposible? Sa ganda ba naman ni Zoe tol! Kung di mo lang ako tropa liligawan ko na yun eh." binatukan ko si Bryan at napahawak naman siya sa batok niya, gago kasi eh.
"Pero seriously pare, pwede." bigla akong nawalan ng gana nang maisip kong pwede ngang mangyari yun. Pero may tiwala ako kay Zoe, alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya. She would never cheat on me.
"Sub!" sabi ni Bryan nang matapilok siya. Naglalaro kasi kaming bball ngayon, maraming nanonood including Zoe, Carla and Maxyne. Todo nood at cheer pa nga si Zoe sa akin eh.
"Ferrer 23!" napatingin ako sa audience dahil alam kong si Zoe ang nagcheer sa akin nun, nang maaninag siya ng mata ko kinindatan ko siya. Mas lumakas ang hiyawan ng mga babae, akala siguro nila sila kinindatan ko.
Panalo kami. Nilapitan ako ni Zoe at niyakap, supportive girlfriend nga naman.
"Wag dito nilalanggam kami." angal ni Coach Chris at naghand shake sa mga players.
"San tayo coach?" tanong ni Ian kay coach.
"Pare sama ka!" pag-aaya sa akin ni Erius.
"May date kami ni Zoe coach, next time nalang!" atsaka ako nagpaalam sa kanila at inakbayan si Zoe palabas, habang sila Maxyne at Carla ay hinatid daw sa airport si Skyler.
Nagpatawaran na rin kami nung mokong at nagpasyang umalis ng bansa. Masyado daw kasing malakas ang impact ng pagsagot sa akin ni Zoe sa puso niya, wasak na wasak na daw ang edsa.
"So san punta natin?" tanong sa akin ng girlfriend ko.
"Hindi ko din alam." Hindi na siya nagsalita.
Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming ice cream at pizza parlor. Pagpasok namin sa pizza parlor habang may dala kaming ice cream ay nagulat kami dahil sa dami ng tao. Umorder pa rin kami kahit matagal. Hindi naman matagal ang service kaya ok lang.
"Babe, try mo lagyan ng ice cream yang pizza masarap." nilagyan ko ng ice cream yung pizza ko at sinubo yun kay Zoe, nanlaki naman ang mata niya.
"Ang sarap!" Pinagmasdan ko siya habang kumakain, kinuha ko yung kamay niya at hinawakan. Kapag hinahawakan ko kasi yung kamay niya gumagaan ang loob ko.
"May problema ba Cd?" nagtatakang tanong ni Zoe sa akin, wala naman pero feeling ko meron. Hindi ko alam, nakakalito.
"Wala naman, ang ganda mo lang." nangamatis naman ang girlfriend ko, eh maganda naman talaga kasi siya.
Biglang may lumapit na lalaki sa kinalabit si Zoe, tumingin si Zoe at nagsalita yung lalaki.
"Excuse me miss? Kayo po ba si Zoe Dela Vega?" sinamaan ko ng tingin yung lalaki.
"Ah oo, why?" biglang napangiti yung lalaki at inalay niya yung kamay niya kay Zoe.
"Sage Montenegro, nice to meet you." kakamayan na sana ni Zoe yung lalaki, buti nalang at kinuha ko agad yung kamay ni Zoe. Asa siya.
"Ehem. Andito boyfriend niya oh." pagpaparinig ko sa lalaki, lakas ng loob tigas ng mukha eh.
"Ah sige Zoe, una na ako. Hope to see you soon." nginitian lang ng lalaki si Zoe.
"Sige." nginitian din siya pabalik ni Zoe, nanlambot nalang ako bigla. Fvck, ayoko ng ganitong pakiramdam, i hate this feeling.
Biglang may nagpakilala, babaeng may hawak ng mic. May mga gig gig din pala dito? Ngayon ko lang napansin. Nakatungo yung babae habang nagpapakilala. Pero nang iangat na niya ang ulo niya ay nakasalamin siya at parang nerd. Nagsimula siyang kumanta.
"Heto na naman
Nag-iisip, minsa'y nagtataka
Na sa 'kin na ang lahat
Bakit nangungulila?"
Ang lamig ng boses niya, ang ganda lang. Bigla akong napatingin kay Zoe.
"At nang makita ka
Ibang sigla ang nadarama
Pag-ibig nga ba ito
Ako'y nangangamba.."
Whoo!
Go ate girl!
Pak gayon!
"Nais kong ipagtapat sa'yo
Sana'y dinggin mo
Ang lihim ng pusong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo.."
Nakafocus lang si Zoe dun sa kumakanta. Ang ganda ng view ko ngayon. Akalain mo, ang babaeng dati lagi kong kinaiinisan girlfriend ko na ngayon? Nakakapagtaka nga eh.
"Ikaw nga ang syang hanap-hanap
Kay tagal na ako ay nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo sinta.."
Dati iniisip ko, 'imposibleng magkagusto ako sa babaeng 'to. Kinain ko din mga salitang nasabi ko noon, pinagsisihan ko lahat.
"Ikaw nga ang syang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
(upang makapiling ka / para lang sa'yo) sinta.."
Akala ko hanggang magkaaway nalang kami noon. Aso't pusa kami, laging nag aaway at hindi magkasundo. Ang laking pasasalamat ko nung binigyan niya ako ng chance para maging kaibigan siya.
"Nang makilala ka
Ibang saya ang nadarama
Alam kong pag-ibig ito,
Anong ligaya?"
Sobrang saya lang, na ang taong hindi mo manlang makasundo noon ay minamahal ka na ngayon.
"Nais kong ipatapat sa 'yo
Sana'y pagbigyan
Dinggin ang puso kong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo.."
"Upang makapiling ka sinta.."
Hinding hindi ko na papakawalan pa si Zoe, kahit buhay ko man ang kapalit. Hinding hindi ko siya iiwan at ipagpapalit. Itaga niyo sa bato.
"MAHAL KO SI ZOE DELA VEGA!" sigaw ko.
Pinagtinginan kami ng mga tao, hinila ko si Zoe palabas ng pizza parlor.
"Mahal din kita, Cd."
Niyakap ako ni Zoe at hinatid ko na siya sa bahay nila.
***
Cheezy ba? HAHA!
Abangan ang susunod pang mga chapters!
Hanggang chapter 30 lang 'to, pero dadagdagan ko ng iba pang special chapters.
vote • comment • share
🍃🍃🍃
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Novela Juvenil"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...
