SP Chapter

36 4 0
                                    


Nanganak si Zoe ngayon. Kita at ramdam ko ang hirap ng aking asawa habang dinedeliver niya ang aming bouncing baby boy. Para siyang carbon copy ko, kaya hindi maipagkakailang poging pogi talaga.

"Ano pangalan ng apo ko?" sabay na tanong ni Tito Keannu at ni Dad.

"Kung anong gusto ni kumader, yun ang masusunod." pagsabi ko at napatingin kami lahat kay Zoe. Sama sama kami ngayon dito nila tito, dad, tita, Jade, Hener, Carla, Maxyne.

"Marc Zachary." nakangiting sabi ni Zoe at pumalakpak naman si Jade na para bang palong palo na maging tito. And yes, lalaki ang anak namin.

"Congrats pare, tatay ka na!" pagbati sa akin ni Hener at Jade, yung dalawang magkaibigan nilapitan si Zoe at nagchismisan. Parang isang taon hindi nagkita, samantalang nasa bahay naman sila kahapon.

"Goodmorning Ma'am, Sir." biglang pumasok ang isang nurse na may hawak ng anak namin ni Zoe. Iniabot ito kay Zoe at nakita kong napaluha si Zoe.

"I love you, Zoe." pagsabi ko pero sinamaan ako ng tingin ni Zoe.

"And you too, my little Zach." atsaka ko sila parehas na hinalikan sa noo. Biglang umiyak si Zach at napatawa si Hener, baliw na ata.

Biglang may nagring na cellphone at nakita naming kinuha ni Jade ang cellphone niya mula sa bulsa niya. Sinagot niya ito at parang may kausap ata na tropa niya, rinig ko eh.

"Ah ma, pa una na ako. May emergency eh, bye Zoe." atsaka ito nagmamadaling lumabas, anyare dun?

Pinaligiran nila kami atsaka kami nagfamily hug.

Ang saya lang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.

Lalo na kapag alam mong may magmamana ng kagwapuhan mo.

At alam mong nagmamahalan kayo..

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon