Chapter 17

47 6 0
                                        

CD's POV

Andito na si Zoe, umuwi na siya galing America. Gusto ko siyang puntahan, pero hindi ko alam kung saan. Gusto kong magpaliwanag, kaso baka hindi na niya ako kayang tanggapin. Mahal ko pa rin siya, kaso nga lang huli na.

Nagawa ko pang gumawa ng tula no? Nakakapanghinayang. Mageexplain ako, pero hahanapin ko muna siya. Tinext ko si Maxyne at Carla, since sila yung closest friend ni Zoe.

Alam niyo ba kung nasaan si Zoe? Pasabi naman oh, kailangan ko lang talaga mag explain. Mahal ko pa rin ang kaibigan niyong yun.

Nagreply sila agad at sinabi nila na hindi daw pwede. Alam kong galit pa rin siya sakin, pero sana bigyan muna niya ako ng chance makapag explain. Hindi pa ako handa noon, mga bata pa kami, alam kong marami pa siyang pangarap. Ngayong nakapagtapos na kami, gusto ko sanang bumawi sa kanya, kaso wala na eh.

Hindi yan. Stay positive Carl Daniel! Kaya mo yan! Ipaglaban mo si Zoe! Mahal mo diba? Habang may buhay may pag asa.

Tinawagan ko si Skyler, alam ko at ramdam kong kasama niya si Zoe. Patay na patay yun sa babe ko eh. Simula palang nung pumasok yun sa school namin alam ko ng aagawin niya sa akin si Zoe, ewan ko ba kay Zoe kung bakit ang close nila nun.

''Asan si Zoe? Kasama mo ba siya? Pupuntahan ko siya.''

"Anong kailangan mo sa girlfriend ko? At oo, kasama ko siya ngayon. Ano bang problema mo?"

CRACK. Unti unting nawawarak yung puso ko. Girlfriend? Ang sakit.

"Skyy, tapos na ako magluto." rinig kong sabi ni Zoe, magkasama nga sila.

"Wow naman babe, thankyou. I love you." at rinig ko ding nag 'i love you too' si Zoe.

BOOM. Warak na warak na, pinagpalit niya na ako kay Skyler. Binaba ko na yung tawag, di ko na kaya.

Naiiyak ako, tangna. Parang bakla naman oh. Pero hindi, hindi ako susuko kay Zoe. Pinagtritripan lang nila ako, kunwari sila pero hindi naman. Akala nila magseselos ako huh.

Nagulat ako ng may tumulong patak ng tubig sa mesa. Hinawakan ko mata ko, ay luha na pala. Pinunasan ko mata ko, ang tanga tanga ko din kasi. Pinabayaan ko lang si Zoe. Tapos ako pa valedictorian? Dapat siya yun eh.

Pumunta ako ng bar, syempre para mag inom. Naupo ako agad.

"Ano sa inyo sir?"

"Yung pinakamatapang niyong pwede ipainom sakin, bigyan niyo ako ng 5!" may nilapag agad siyang bote, ininom ko agad yun. Sht, ang tapang nga. Isang baso palang ata tutumba na ako eh, pero di yan. Gusto ko magpakalunod.

"Cd? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?!" sabi ng isang babaeng lumapit sa akin, maganda siya. Teka, pano niya ako nakilala?

"Sino ka? At bakit moko kilala? Stalker ba kita?" tinaasan niya lang ako ng kilay at inalalayan ako palabas ng bar, may nararamdaman ako sa kanyang kakaiba.

"Z-Zoe? Ikaw na ba yan?" bigla nalang lumabo ang paningin ko hanggang sa naging black na lahat. Nakatulog ata ako.

Maya maya lang ay nagising ako na nasa bahay. Ay wait, hindi ko pala to bahay, kaninong bahay to? Bumungad sakin ang isang babaeng ubod ng ganda, kaso sumakit ulo ko. Hangover.

"Matulog ka muna Cd, tigas kasi ng ulo eh." tatanungin ko palang kung ano pangalan niya kaso sumagot na agad siya.

"Zoe, yung Zoe na sinaktan mo. Yung Zoe na wasak ang puso at iniwan mong luhaan." pano niya nalamang nandun ako sa bar? baka naman nandun din siya. Eh diba magkasama sila ni Sky? At ang laki ng pinagbago niya, as in hindi ko siya nakilala.

"Zoe, let me explain. Please."

"Ano pang ieexplain mo?! Huli na ang lahat Cd! Nililigawan ako ni Skyler at sasagutin ko na siya!" sasagutin niya palang? bakit sabi ni Sky sila na?

"Hindi pa naman sinasagot, so magsisimula nakong mag explain. Kaya ko lang nagawa yung sa amin ni Racquel dati dahil pinilit niya ako, kasi kapag hindi ko ginawa yun ay mawawala ka sa pagiging valedictorian dahil babayaran niya ang directress. Hindi ako pumayag na mangyari sayo yun kaya pumayag ako sa gusto niya na maging kami. Pero nagulat ako nung ako ang naging valedictorian. Naloko ako Zoe, alam kong marami kang pangarap at ayokong mawala sayo yun. Mahal na mahal kita Zoe, simula noon hanggang ngayon. Kahit kailan hindi ko minahal si Racquel, hindi ako nakapag explain sayo dati dahil hindi pa ako handa. Alam kong ipagtatabuyan mo lang ako noon kaya thru email nalang ako nangangamusta at hindi mo naman ako sinasagot. Sorry, Zoe. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong bumawi sayo, pumasok ulit sa puso mo. Nagmamakaawa ako sayo." tumutulo nanaman ang luha ko, hindi siya makapaniwala dahil ngayon lang siya nakakita ng isang Carl Daniel Ferrer na umiiyak. Niyakap niya ako.

"Nakakainis ka talaga Ferrer!" sigaw niya sa akin, napangiti nalang ako. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang mahigpit na yakap ng isang Zoe Dela Vega. Sana ganito nalang kami magdamag. Ayoko siyang pakawalan.

"Naguguluhan na ako, hindi ko na alam gagawin ko! Nanliligaw si Skyler at sinabi ko sakanyang bibigyan ko siya ng chance, tapos nagpakita ka nalang bigla bigla, hindi naman kita pwede pabayaan nalang. Kainis naman si ate author." sabi niya pagkabitaw niya ng yakap sa akin.

"May the best man win nalang. Ikaw bahala kung saan, kailan, at kung ano ano pa. Just call my name and I'll be there." nakangisi kong sabi, alam ko namang walang talab sakin si Sky eh.

"Okay, pero panigurado akong mahihirapan ka. Bagong Skyler na ang makikilala mo, dati pa siya may abs pero 6 lang, ngayon 8 na." sinamaan ko siya ng tingin at natawa naman siya, namiss ko yung ganitong moment namin ni Zoe.

"Ano na? Naisip mo na ba kung anong paglalabanan namin nung mokong na yun?" umarte siyang kunwari may iniisip pero alam nya naman na talaga. Hay nako Zoe.

"Basketball." sus basketball lang pala, eh crossover palang wala na yung alapaap na yun.

"Sure, tss. Wala pang 2nd quarter talo na yun eh." pagmamayabang ko, totoo naman kasi. Simula palang dati lampa na yun eh kaya di nakakasama sa Mythical 5.

"Hay nako Cd, wag kang panigurado. Hindi mo na alam kung anong kayang gawin ni Skyler ngayon. Pang NBA na laro nun." pang Nba? sus, pang elem laro nun.

Pero deep inside medyo kinabahan ako ng onti. Kinuha ko nalang yung stuff toy na baboy na 10 years nya ng tinatago. Ang cute lang.

"Yung akin nasa bahay." sabi ko ng nakangiti, nginitian niya ako pabalik.

Salamat kay kuyang bartender, kung hindi dahil sayo hindi ko makikita ang babaeng pinakamamahal ko.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon