Chapter 29

23 3 0
                                    


play 'One Last Cry' by Brian McKnight para mas dama!

Zoe

"My shattered dreams and broken heart
Are mending on the shelf
I saw you holding hands
Standing close to someone else
Now I sit all alone
Wishing all my feelings was gone
I gave my best to you
Nothing for me to do
But have one last cry..

One last cry
Before I leave it all behind
I gotta put you out of my mind this time
Stop living a lie
I guess I'm down to my last cry

Cry..."

Rinig kong pagpapatugtog mula sa kabilang kwarto, panira talaga 'to si Kuya Jade kahit kailan eh. Nang aasar pa isasakal—este ikakasal na nga ako.

"Kuya!" pagsigaw ko kay kuya na rinig hanggang sa kabilang kwarto, tinigil niya na yung pagpapatugtog.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin pagkatapos ako ayusan ng mga bakla. Tinignan ko ang sarili ko at nanibago ako. Hindi ko alam kung bakit, pakiramdam ko ang tanga tanga ko para gawin 'to.

Pero ano namang choice ko diba? Ito ang gustong mangyari ni tadhana. Ito ang nararapat para sa akin.

Pakiramdam ko hindi na ako yung Zoe noon.

Ako pa naman ang laging nagvavaledictorian noon pero ano? Ganito lang pala kahahantungan ko, haha funny.

Biglang may kumatok sa pintuan, baka bumalik yung mga bakla at baka may naiwan. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Sage, nakatux at maayos na ang buhok at itsura. Mukang handang handa na para sa kasal namin.

"Zoe, are you okay?" pagtatanong niya sa akin, napatungo ako. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"Go." mahina niyang sabi. Teka, tama ba ang narinig ko?

"Ha?" pagtatanong ko para makasigurado.

"I said, go." pag-uulit nito, hindi ko talaga mapaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"Pero paano ka? Paano yung com—" hindi niya ako pinatuloy sa aking pagsasalita, niyakap niya nalang ako bigla ng mahigpit.

"Ako na bahala kila tito, pati na rin kay dad. I just want to thank you, Zoe. Thank you for giving me a chance, thank you for accepting. Thank you for trying, I know you did. Pero ang kinabukasan natin ang nakasalalay dito. Hindi ko hahayaan ang sarili kong sumira sa kinabukasan ng iba. Kaya Zoe, hanapin mo si Cd."

Hindi ko napigilang umiyak habang magkayakap kaming dalawa. Nagpapasalamat ako dahil naintindihan niya ako. Umaagos ang mga emosyon ko, halong saya, pighati at pag aalala. Kailangan kong hanapin si Cd, kailangan ko siya.

"Sage." pagtawag ko sakanya bago ako lumabas ng kwarto.

"Thank you."

Lumabas ako ng palihim, para walang makakita. Muka akong tangang nakagown ngayon at naiyak, para akong bride iniwan ng kanyang groom. Nakakita ako ng taxi at tinawag ko iyon at pumasok ako.

"Kuya dun tayo sa Peryahan sa Mapagmahal St." pagsabi ko sa drayber at saka niya pinaandar ang taxi.

Carl Daniel

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon