Chapter 22

21 3 0
                                    


Zoe

"Tol sa tingin mo nasan na kaya si Sky? Miski samin di nagpaparamdam eh." tanong sa akin ni Max, asan nga kaya si Sky?

"Di ko din alam eh, namimiss ko na yun." si Skyler lang naman kasi ang lagi kong kausap kahit nung makapunta pa ako sa America, yung dalawa kasi laging busy eh, seryosong seryoso sa studies nila.

"Gala kaya tayo? Free naman kami ni Max ngayon!" napatayo kaming tatlo, naeexcite ako! Ngayon nalang ulit kami gagala eh.

"Ehem." biglang may pumasok na epal, sino pa ba? Edi si Jade, kainis 'tong gurang nato. Di naman kami close fc siya, mygad.

"Aalis kami." sabi ko atsaka pumasok sa kwarto ko at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ko nagsisitili sila Carla, ano meron?

"Anong problema niyo?" tanong ko atsaka naman sila nanahimik.

"Alis na nga tayo!" hinila ako nung dalawa palabas, matatanggal na ata kamay ko eh.

"San tayo?" nakangisi yung dalawang tumingin sa akin.

"Sa perya."

PERYA?!

10 years na akong di nakakapunta dun!

Huling punta ko sa perya ay nung kasama ko si Cd, yun yung araw na naging kami. Nanalo pa siya ng dalawa stuff toy na baboy, tig isa kami nun. Hanggang ngayon yung akin nasa bahay pa.

"Dito na tayo!" parang ito yung peryang pinasukan namin noon.

Grabe, ang daming pinagbago. Siyempre mas pinadami ang rides, kaya marami talagang tao. Pero sa tingin ko naman magsasaya kami dito.

"Dun tayo teh!" turo ni Max dun sa Theatre. Wow, may cinema na sila ngayon. Heavy na talaga.

Nandito kami sa cashier para magbayad.

"Ah miss wag na po, may nagbayad na para sainyo." sino naman kaya nagbayad samin?

"Sure ka kuya? Baka hindi naman kami yun?" paninigurado ko kay kuya, baka naman di kami yun umasa lang kami.

"Zoe Dela Vega, Maxyne Quinn and Carla Hood right?" tama nga siya kaya pumasok na kami, nakakapagtaka naman 'tong araw na 'to.

"Grabe ang lamig!" sabi ko dahil malamig naman talaga.

Nagulat ako nang may naglagay ng sweater sa likod ko, hindi ko natanaw dahil mabilis itong umalis. Chineck ko yung sweater, baka may bomba eh. Pero wala naman, mabuti nang sigurado.

"Uhh, hello guys." may nagsalita sa mic, hindi ko siya maaninag dahil nakatungo siya, wait. Akala ko ba theatre to? Ang pagkakaalam ko hindi naman concert ang pinasukan namin, pero bahala na. Baka naman magaling 'to.

"Iaalay ko 'tong kantang 'to, para sa babaeng pinakamamahal ko." pagpapatuloy niya, ang sweet niya naman. Ako kinikilig kahit di naman ako yun, haha.

"I'm Skyler Montero. This is for you, My soon to be Mrs. Montero, Zoe Dela Vega!" atsaka niya iniangat ang ulo niya, nagulat ako nang si Skyler nga yun. What the hell? Kaya ba siya di nagparamdam ng 3 weeks para dito?

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon