Zoe's POV
Ang pogi ni Skyler.
Ang pogi ni Skyler.
Ang pogi ni Skyler.
Ang pogi ni Skyler.
HAY NAKO ZOE TIGILAN MO YANG KAHIBANGAN MO NYETA KA! AGANG AGA LALAKI INAATUPAG MO!
Sheesh kailangan kong magfocus ngayong school year, kundi hindi ako makakapag-aral sa pinapangarap kong school. Kaya ako inis na inis kay Cd eh, baka mamaya gumawa ng eksena para sya yung maging valedictorian. Baka mamaya magsabi pa sakin ng dead threat yun, ugh. Nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Tumatawag si Cd, sinagot ko yung tawag ng demonyo.
"Hoy zoeh." hoy talaga? kung sabagay ganun din ang tawag ko sakanya.
"Hoy ano nanaman ang dahilan at tumawag ka?" tae naman kasi mukang tubs eh.
"Ang tagal mong lumabas ng bahay nyo, iniintay kita ngayon. Di ba sabi ko ayokong pinag-iintay ako?" pucha ba't sya nasa labas ng bahay? sinabi ko bang sunduin nya ko? Ayy pakinshet.
"Anong pinag-iintay? Wala naman akong sinabi sayong sunduin mo ko ah?" pagtataray na tanong ko sakanya. Pag nakita sya ni mother earth bugbog sarado nanaman ako dun.
"Eh gusto ko eh, bilisan mo nalang sheesh." sya talaga ang kaisa-isang futa sa lupa shete. Since na sinabi nya na bilisan ko, hindi nako nag-almusal. Mabilis akong naligo tsaka nagbihis. Queen ina kasi netong lalaking to eh.
Pagkalabas ko ng gate agad ko syang tinulak palayo, baka makita sya ni mader. "Pucha ba't mo naman ako tinulak?" inis na sabi nya. "Bobo ka kasi eh, sarap mo ipalapa sa leon." naiinis kong sabi at nagsimula ng maglakad.
"Ba't ba ang init init ng dugo mo sakin?" sabi nya habang sabay kaming naglalakad, "Hindi mainit ang dugo ko sayo." pagsisinungaling ko, ba't ko pa ba kinakausap 'to? "Ahh, buti naman." ahh buti naman! sungalngalin ko yang pagmumuka mo ng sapatos eh.
Pagkadating namin ng school ay pinauna nya nako, may iniintay pa daw kasi sya. Para namang may pake ako sakanya duh. Pagkapasok ko sa classroom wala pa yung teacher namin. Nakita ko si Skyler! Nasa tabi ng upuan ko mygash, I'm so kilig kilig!
Kilig kilig. Aish, zoe anlando mo. Please magfocus ka naman! Talo mo pa yung calculus sa pagpapasakit ng ulo ko eh. Oo naiinis ako sa sarili ko. Pucha Rhodora X na dis. Maya maya lang dumating na yung teacher naming semi panotchie.
"Okay class, we have a new student!" sabay pagpapatayo nya kay skyler. Shet magkaklase kami. Easyhan lang natin ang kalandian. "Uhh. I'm Skyler Montero. 16. I play football and basketball." yun lang ang sinabi nya at umupo na sya, wala parin yung demonyo.
"You're late Mr. Ferrer!" sigaw ni Mr. Panotchie kay Cd. Umupo nalang si Cd at nanahimik. Anyare dun? kadalasan kasi lagi syang sumasagot sa mga teacher namin eh. Pero sheesh, pake ko.
After 7 hours of teaching
Pucha sakit ng ulo ko dun ah, lalo na sa calculus. Napakasakit.. KUYA EDDIE! Anyway nandito ako sa canteen ngayon, kumakain malamang alangan namang magconcert? Wala DAPAT akong kasama, pero nagulat ako nung sinabi sakin ni Skyler na sabay kaming maglunch. Kaya, kasama ko siya ngayon.
"May boyfriend ka na ba?" nagulat ako nung nagsalita sya. May laman pa yung bibig, parang bata kumain hahaha!
"Wala, ikaw?" pagtanong ko sakanya pagkatapos ko nguyain yung carbonara de juk, pur kid ako kaya burger lang yung fud ko. Atleast meron!
"Gagu wala akong boypren babae hanap ko." HAHAHAHA! "Hindi gaga, ang ibig kong sabihin kung ikaw may gf ka na ba? Ginagu mo pako." sabi ko sakanya habang pinagtitinginan na kami ng mga madlang students.
"Ahh gf? Wala pa." my chance pa shete. SHH. "Ehem." bigla nanamang sumulpot 'tong demonyong to. Kahit kailan panira ng moment.
"Babe-" pinutol ko yung sasabihin nya, alam ko magsisinungaling nanaman to eh. "Sino si babe? Ikaw Cd ah! May babe babe ka ng nalalaman dyan." pang-aasar ko sakanya habang nakasmirk, sya naman ang sama ng tingin sakin.
"Ahh- eh. A-ano.. Eh diba ikaw yun? Diba niligawan mo ko? Sinasagot na kita." Ha? Niligawan ko daw sya? Ang kapal naman ng muka nito! Nagsitawanan tuloy ang madlang students.
"Ha? Ano? Niligawan ka? Nino? Ni Zoe?" tanong ni skyler kay Cd. Kahit kailan, as in. KAHIT KAILAN. PANIRA SYA SA BUONG BUHAY KO!
"Excuse me? Di ako naghahabol sa-" pinutulan nya ko ng linya, ugh. Nakakaputangina talaga to eh. "Shh, tama na. Nandito nako, tara na sa bahay." sabay wink nya sakin. Tumayo ako at kinuha yung bag ko palabas. Shete nakakahiya.
"Teka lang babe, sabay na tayo!" inirapan ko lang sya saka ako naglakad palayo. May narinig akong galabog pero di ko yun pinansin. Bubugbugin ako ni mother ng bongga neto. Magmamakaawa talaga akong di ko kayang gawin yung activity kasama yang hayup nayan.
Pagtingin ko sa likod ko wala naman si Cd. Psh, buti nga yun eh. Wala nakong kasamang demonyo. Pumunta ako sa room dahil inaasahan kong nandun si sir, pero wala.
Pumunta ako sa mga teacher's cr, wala. Pumunta ako sa gym, wala. Pumunta ako sa court, wala. Hay nako, nakakaloka to ah. Matanong nga si kuya janitor. "Kuya, nasan po ba si Mr. Barbaza?" magalang na tanong ko sakanya, syempre magalang ako eh.
"Ayy, nasa clinic daw. May nagsuntukan daw kasing 2 estudyante nya kanina." siguro yung mga kaklase kong mukang mga drug addict. Naglakad ako papunta sa clinic para tignan kung nandun nga si sir. Pero imbis na si Mr. Barbero este Barbaza ang nakita ko.. si Skyler tsaka si Cd? Really nigga?
"Anyare sainyo mga beki?" palabirong tanong ko, tumawa si skyler habang si cd walang ekspresyon yung fes. Nilapitan ko si Skyler. "Anyare?" tanong ko kay skyler pero si cd sumagot, paepal.
"Ewan ko dyan, bigla nalang akong sinuntok!" skyler na sya ngayon mga pips.
"Eh gago ka eh! Wala namang ginagawa sayo si Zoe pinagtritripan mo."
"Hindi ko sya pinagtritripan. Totoo yun, diba?" saka nila binaling yung tingin nila sakin. Lakas ng loob wow.
"Hindi ako nanliligaw sa lalaki." diretso kong sagot. Sabay tayo nya sa upuan. Ayan! Namaga tuloy fes mo.
"Kung hindi ka nanliligaw sa lalaki.. ako ang manliligaw sayo!"
"Bawal akong tumanggap ng manliligaw." agad kong sagot.
"Hay. Okay, you win this time." you win you win, sungalngalin ko yang muka mong namumula ng bakya eh.
Nang biglang dumating si Mr. Barbaza. "Oh Zoe, hinahanap mo daw ako. Is there a problem?" oo meron, yang muka mo. De juk. "Sir, pwede po bang iba nalang yung partner ko sa activity? Di po kasi talaga kami magkasundo nitong si Cd sir eh."
"Hmm.. lemme think." tas nag acting sya na akala mo nag-iisip. Hahaha! "Well, since si skyler wala ding kapartner. Ibang activity ang gagawin nyong tatlo." ANO BAYAN! "Ang gagawin nyo.. mag-isip nalang kayo ng magandang sasabihin sa graduation. Yung may pagkacomedy tas may romance blah blah. Basta kayo na bahala, dahil kayo ang gagawin kong mga emcee." Tatlo? diba dapat dalawa lang yun o kaya isa? Pero atleast di mahirap yung gagawin namin kasi matagal pa ang grad.
"Sige, maiwan ko na kayo. Good luck!" Hay nako makauwi na nga. "Zoe.." narinig kong pahabol na tawag sakin ni Cd. Lampake ako sakanya, pahiyain ba naman ako sa madla na nililigawan ko sya? Kafal.

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Dla nastolatków"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...