ZOE"Eh paano ka na? Akala ko ba mahal mo si Cd?" pagtatanong sa akin ni Skyler. Kausap ko kasi siya ngayon through video call, kwinento ko din sakanya ang mga nangyari noong nakaraang mga araw.
Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Cd, hindi niya manlang ako binibisita o kinakamusta manlang.
The hell, ang assuming ko rin ano?
Pagkatapos kong sabihing malaya na siyang magmahal siya tsaka ako magtatanong sa sarili ko kung bakit hindi niya manlang ako binibisita, ang tanga ko talaga.
"Okay lang ako. At oo, mahal ko si Cd. Mahal na mahal. Pero may iba na siyang mahal eh, pinagpalit niya na ako." biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha ko.
"Sorry, Zoe. Kung nandyan lang ako sana naingatan kita. Hindi ako makauwi dahil nagtratraining na ako dahil ako na ang magmamana ng company namin in the future, kaya sorry talaga." pagpapaliwanag ni Sky.
"Ano ka ba, okay lang. Alam ko namang busy ka dyan, wag mo na ako alalahanin. Kaya ko 'to, malalagpasan ko din 'to. Baka Zoe Dela Vega 'to?" pagmamayabang ko at tinawanan lang ako ni Sky, nginitian ko siya at may tumawag sakanya.
"Ah, sige Zoe. Una na ako, tinatawag ako ni Mom. Basta mag-iingat ka diyan ah. Wag ka magpapa-api, kwentuhan mo ulit ako susunod ha? I miss you so much." sabi niya atsaka niya inoff yung camera niya at nag offline na.
Miss ko na din si Skyler.
"Zoe! Andito si Sage!" rinig kong pagsigaw sa akin ni Jade kaya dali dali akong tumayo at nagbihis.
Pagkababa ko ay andun nga siya, nakashorts at jersey na para bang kakauwi lang galing magbasketball, at may dala pang bola ha?
"Hi, babe." pagtawag sa akin ni Sage, hindi ko alam kung mandidiri ako o maiinis ako. Nakita ko si kuya Jade na para bang nandiri, yung ekspresyon kasi ng mukha niya eh, Haha!
"Ba't ka tumatawa?" seryosong turan ni Sage, pinigilan ko ang tawa ko at umupo sa sofa. Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin, yuck. Pawis na pawis, ang lagkit.
"Ba't ka nandidiri sa akin? Akala ko ba bati na tayo?" parang bata niyang sabi, tinarayan ko lang siya.
Tinutukoy niya siguro yung nangyari nung isang araw noong pumunta ako kila Cd at nakita kong kasama niya si Racquel. Ang sakit, biglang bumabalik yung sakit kapag naalala ko.
Kahit kailan naman hindi yun nawala sa isip ko.
Pumayag lang ako sa kasal kasal na yun pero hindi ko naman talaga yun ginusto.
Biglang dumating sila inay at itay.
"Oh iho, andito ka pala. Tara na't kumain ka muna, Jade pahiramin mo muna ng extra shirt itong si Sage at baka magkasakit." sabi ni inay, tumayo kaming dalawa ni Sage pero biglang sumigaw si kuya.
"Ano yan bata?! Bahala siya!" galit na turan nito, daig pa ni kuya ang babaeng may reglatic red ah.
"Tsk. Ang kapatid mo talaga." sabi ni itay at saka na kami dumeretso sa sala. Hindi rin nagtagal ay pumunta rin si kuya sa sala dahil gutom na daw siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/38533006-288-k97091.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Novela Juvenil"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...