Chapter 27

21 3 0
                                        


Zoe

"Hener, nasaan si Cd?" pagtanong ko kay hener, andito ako ngayon sa isang payphone. Wala akong cellphone eh, buti nalang at may pera dito sa pantalon.

"Hindi ko alam eh, baka nasa bahay niya. And wait—umuwi na kayo?" hindi ko sinagot ang tanong niya at binaba nalang ang tawag, kailangan ko nang makita si Cd at kailangan pa naming mag usap.

May dumaan na taxi at tinawag ko iyon, sumakay ako at sinabi ang address kung saan ang nakatira si Cd. Andaming tanong na nakatatak sa isip ko. Bakit hindi niya ako pinuntahan sa ospital? Bakit hindi niya man lang ako pinaglaban kila kuya?

Pagkarating namin doon ay bumaba na ako sa taxi at nagbayad kay manong. Parang nag iba ang ihip ng hangin, parang may kakaiba akong nararamdaman. Natatakot ako na kinakabahan.

Pumasok ako agad ng bahay ni Cd. Dahan dahan akong umakyat sa second floor papunta sa kwarto niya, ang tahimik. Nakita kong nakabukas ng konti ang pintuan, hindi niya siguro nasarado.

Unti unti kong binuksan ang pintuan at pagkabukas ko ay nagulat ako sa nakita ko.

Kasama niya si Racquel, and guess what? Magkaholding hands pa sila.

Ang sakit.

"Zoe?! Anong ginagawa mo dito? Hindi ba nasa ospital ka?" gulat niyang tanong dahil hindi niya inaasahang makita ako, napayuko ako dahil ayokong makita niyang patulo na ang luha ko.

"So kaya pala hindi mo manlang ako binisita sa ospital? Haha, sige. Magpakasaya kayong dalawa ah, hindi ko na kayo gagambalain pa." sarkastiko kong sabi at dali daling lumabas sa bahay nila, rinig ko ang paghabol ni Cd sa akin pero pinipigilan kong tumingin sa likod ko.

"Zoe, let me explain!" pahabol niyang sigaw pero hindi ko parin siya pinansin. Tumulo na ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, akala ko pa naman nag iba na siya. Akala ko ako lang, akala ko lang pala.

"Hayaan mo na siya Cd–" pinutol ko ang pagsabi ni Racquel, hinarap ko silang dalawa na naghahabol sa akin.

"Cd, ayoko na. Malaya ka na." sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko, bumalik ako sa pagtakbo palayo sa bahay nila. Rinig kong nagpupumiglas si Cd at pinapabitawan ni Cd si Racquel pero wala itong epekto.

Nang makalayo ako ay nakakita ako ng bench, umupo ako doon para makapagpahinga at mahabol ang hininga ko. Nakakapagod tumakbo, pero mas nakakapagod masaktan.

Bakit niya nagawa sa akin yun?

Kaya ba hindi niya ako binibisita sa ospital?

Fvck, obvious naman Zoe. May iba na siya, hindi ka na niya mahal.

Pero bakit niya nagawa sa akin yun? Hindi pa ba ako sapat?

Ginawa ko na lahat lahat, pero bakit iba pa rin ang hanap niya?

Biglang may tumapik tapik sa balikat ko na para bang pinapatahan ako sa pag-iyak. Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Sage. Bakit siya nandito? Paano niya nalamang andito ako?

"P-paano mo ako nahanap?" utal utal na tanong ko, nginitian niya ako at tinabihan niya ako sa bench.

"Syempre ramdam ko kung saan nagpupunta ang aking soon-to-be Mrs. Montenegro." atsaka niya hinimas himas ang likod ko, pinunasan ko ang mga luha ko sa mata at tumingin sakanya.

"Payag na ako." deretso kong sabi sakanya at nilakihan niya lang ako ng mata, bigla siyang nagsalita.

"Okay, bukas na bukas ikakasal na tayo!" ako naman ang nanlaki ang mata, bukas agad? Eh syempre ang dami pang aayusin nun no. Yung mga gown, reception tas pag aasikaso pa sa files para sa pagpapakasal.

"Dapat prepared, wag kang excited." napatawa nalang siya sa sinabi ko at ako? nakatulala lang habang nakatungo.

"Okay then, next week." nakangiti niyang sabi sa akin, tinignan ko siya at nginitian ng pilit.

Siguro ito talaga ang dapat kong gawin, ito ang tama. Ayoko ng umepal sa love story ni Racquel at Cd, ayoko na ding mapaglaruan. Kung mahal niya ako ipaglalaban niya ako. Pero sa tingin ko ngayon palang suko na siya eh.

I would rather sacrifice my future than sacrifice my true love's happiness.

"Nga pala, iuuwi na kita sainyo. Alalang-alala sila tita sa'yo, tinignan nila ang bawat cctv kaya nakita ko kung anong suot mo. At sa sobrang swerte ko nga naman ay nakita kita." pagpapaliwanag niya sa nangyari.

"Ayoko munang umuwi." sagot ko habang nakatingin sa kawalan, dumidilim ang mga ulap, uulan.

Nang nakaramdam na kami ng pagtulo ng ulan ay dali dali kaming tumakbo sa pinakamalapit na silungan. Ambilis lumakas ng ulan kaya basa tuloy kami, nagulat ako ng yakapin ako ni Sage. Aba, ambilis niya naman ata.

"Hoy wag ka ngang bakla." pagsisita ko at hindi pa rin siya pumipiglas sa pagkakayakap sa akin.

"Halikan kita diyan eh." unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin, nakaramdam ako ng hiya at hinampas siya sa braso.

Hindi ko pa rin matanggap na ikakasal na ako sa lalaking hindi ko pa naman lubos na kilala. Bahala na, para sa kasayahan naman ni Cd eh. Biglang nagflashback ang mga ala ala namin noon, ansakit sakit lang.

Nung mga araw na una kaming naging magkaibigan, haha. Akala ko noon masungit siya, pero kapag naging close pala kayo mabait naman pala siya.

Noong umalis kami para pumunta sa resort nila, nagkasakit ako. Alalang alala siya at nagpapunta pa siya ng doctor.

Pumunta kaming perya at napanalunan namin si Mr. At Mrs. Piggy, haha! Mga ala alang hanggang ala ala nalang.

At naalala ko noong Graduation namin noong highschool.

Nahuli ko silang magkahalikan ni Racquel.

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko kapag naalala ko yun. Ang graduation ay dapat maging memorable dahil nakatapos ka na ng highschool, pero bakit sa akin memorable kasi masakit?

"Salamat, Zoe." biglang sabi ni Sage habang nakayakap pa rin sa akin, shet. Ramdam ko yung pandesal niya, six pack mga bes. The hell, ano ba Zoe!

Hays.

Mabuti na siguro 'to. Mas okay nang ako ang masaktan kesa ang taong mahal ko. Ipapaubaya ko na si Cd kay Racquel. Pero sana kahit kailan wag na wag niyang kakalimutang mahal na mahal ko siya.

Mahal na mahal kita, Carl Daniel Ferrer.

***

Last 3 chapters + Special chapters!

Abangan!

vote • comment • share

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon