ZOE'S POV
Kakagising ko lang, nag aayos para pumasok sa school. Nagpaalam ako kay mama at saka na ako umalis. Habang naglalakad ako may nakita akong tatlong babaeng magkakasama at ansaya saya nila haha.
Miss ko na yung mga bestfriends ko. Miss ko na si Carleng a.k.a Carla. Nasan na kaya yung babaitang yun? Ilang araw din kami hindi nakakapag bonding at nakakapag usap eh. Tsaka si Maxyne din, ba't kasi magkakalayo pa kami ng bahay? Sana magkakapitbahay nalang kami leshe.
Tuloy tuloy ako sa paglalakad ng may nakabunggo sakin.
"Ano ba miss? Ba't di ka natingin sa daanan mo?!" grabe sungit nitong lalaking to, porket pogi eh. Nakakainis aga aga.
"At ako pa ah? Ikaw na nga tong nakabunggo ako pa di natingin sa daanan?" sinabi ko yun at saka na ako nagtuloy tuloy sa paglalakad para pumasok. Parang tanga lang.
Pagkadating ko sa school, nakita ko si Skyler, Carla at Maxyne na may hawak na libro at nagbabasa. Wow ano kaya meron ngayon? lumapit ako sakanila.
"Mga teh, ano meron?" tinignan nila ako ng parang nagtataka, problema nitong mga to?
"May exam tayo ngayon? Hindi mo alam?" sabay sabay pa nilang sabi, EXAM?!
"Saang subject?!" sabi ko na parang naiinis ako sa sarili ko.
"Lahat." patay.
"Wag ka mag alala bes, tulungan kita magreview. Kaya kita hinintay dito, dun tayo sa library maaga pa naman." sabi ni sky, bes ampucha, parang bakla, pero nagpapasalamat ako, buti nalang nandito si skyler para sakin. Sila Carla dumeretso na sa canteen, wala pa daw almusal mga sister haha.
Naglalakad kami ni Skyler papuntang library ng makasalubong namin si Cd. Ampogi nya omygash. Pero napansin kong galing sya sa library, syempre nag aral yun.
"Babe, ba't kasama mo yang mokong nayan?" tanong sakin ni cd. Buti pa nga tong si Sky may oras sakin sya wala.
"Mag aaral kami, at isa pa di sya mokong, kaibigan ko sya." tinignan nya lang ng masama si Sky atsaka naglakad palay, psh.
"Wag mo na intindihin yun, hayaan mo na sya." sabi ko kay Skyler at nginitian nya naman ako. Pumasok na kami ng library at kumuha ng mga libro tsaka nag aral.
Pagtapos namin magreview atsaka na kami pumunta sa room at sakto pumunta prof namin.
"Okay class, your first exam is calculus."
Kaya mo 'to zoe. Kayang kaya mo 'to. Nagdasal ako atsaka binigay samin yung answer sheet namin.
123456789 hours later
Hay salamat. Natapos din lahat ng exam. Makakapagpahinga din. Sana makapasa ako. 3rd Sem na pala. Malapit na kami grumaduate. Mamimiss ko to sila Sky at Carla pati si Maxyne.
Gagawin pa pala namin nila Cd, yung speech para sa grad. Miss ko na din si Cd, tawagan ko nga mamaya.
Pagkauwi ko kinuha ko agad cellphone ko atsaka ko sya tinawagan. Di ko sya matawagan, nakapatay ata cp nya. Tinext ko nalang sya.
"Cd? Miss na kita. Pwede pa tayo magbonding? Malapit na matapos ang school year oh. Gragraduate na tayo. Ily."
Iniintay ko sya magreply. Sa sobrang tagal nya magreply nakatulog nako. Nag aalala nako sakanya. Minsan nalang kami magkausap. Hays.

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Novela Juvenil"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...