Chapter 6

87 8 0
                                        

Zoe's POV

"Cd.." kakagising ko lang, yun agad ang laman ng bibig ko. Cd talaga? Seryosli? "Oh?" nakangiti nyang sabi sakin habang nakapikit, ba't parang ang bait bait nya na? "Nilalamig ka ba?" tanong ko sakanya. "Hindi, ikaw?" nakita kong minulat nya yung mata nya, "Nilalamig ako, brrr." anlamig talaga, hindi sapat ang kumot. Pano ba naman, may aircon kaya. Tumayo sya saka lumapit sakin, humiga sya sa tabi ko. Malaki-laki naman yung kama eh, kaya kasya kaming dalawa.

Hinawakan nya yung noo at leeg ko, "Ang init mo!" tumayo sya ulit at nakita kong pinatay nya yung aircon. "Malamig parin." sabi ko. Humiga sya ulit at tumabi sakin, nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Tinanggal nya yung kumot sa katawan ko saka ako niyakap ng mahigpit. Kahit papaano nawawala yung lamig.

"Malamig pa ba?" huehuehue, ngayon ko lang narealize na ang pogi nya.

"Konti nalang." binaon ko yung muka ko sa dibdib nya, namumula ang ate nyo. Ba't kasi kailangang maging sweet 'to si cd?

"Bili lang muna ako ng gamot bh3." sabi nya sakin, nag-bh3 pa talaga? Kadordor ah. Bumitaw sya sa pagkakayakap nya sakin, saka nya ako kinumutan ulit. Nagbihis sya at naghilamos. Palabas na sana sya ng kwarto nang bigla syang nagsalita.

"May nakalimutan pala ako." naglakad sya papunta sakin saka ako hinalikan sa noo. Nagreready na siguro para sa kasal namin. Hihihi. Landi mo 'te.

"Ganyan ang ginagawa samin ni mama pag may lagnat kami nung mga bata pa kami ni ate." nakangiti nyang sabi saka sya lumabas. Nagbagong buhay ang koya nyo. Mukang nahuhulog na ako sakanya huehue.

Maya maya lang, bumalik sya na may dalang maliit na plastic bag. "Nakabili na ako ng gamot, babe." BABE?

"EW!" sabi ko sakanya habang nakahiga parin, ang sakit ng buong katawan ko. Ugh. Lumapit sya sakin saka ngumiti. "Anong masakit sayo babe?" babe daw, yuck ah. Safuckin ko to eh. "Masakit ang katawan ko, iniwan mo daw kasi ako." sarkastikong sabi ko sakanya saka ko sya inirapan. Niyakap nya naman ako, yakap sya ng yakap lately ah. "Inom ka na ng gamot oh, baka mamaya lumala pa yan." di parin sya pumipiglas sa pagkakayakap nya sakin. Nahuhulog na talaga ako huhu, totoo ba 'to? Naiinlove na bako dito sa demonyong 'to? Jeez, advance much?

"Di ako makagalaw, masakit." ansakit sakit, nakakainis. Tinignan nya naman ako, may bakas ng pag-aalala sa muka nyang ubod ng pogi. "Punta tayo sa ospital? Baka mamaya kung ano na yang sakit mo eh." wow, concerned ang koya nyo. Haba ng hair ko talaga, nakakaloka. Daig pa si Kris Aquino. "Hindi ko nga magalaw yung katawan ko, sobrang sakit talaga. Huhuhu." sabay yakap ko sakanya kahit masakit. Anlandi ko gurabells. "Tawag nalang ako ng doktor, wait lang ah?" swerte ko kay Cd, shetttt. Amfogi fogi fogi fogi fogi fogi nyaaaa!

Tumayo sya saka tumawag ng staff para tumawag ng doctor saka sya humiga at tumabi ulit sakin. Niyakap nya ulit ako, "Masakit parin ba katawan mo? Nagugutom ka ba? Sabihin mo lang." bakit ba sya concern na concern sakin? Sumisinghot ba'to? Sabi ko na eh. "Okay lang ako, pero masakit parin yung katawan ko. Bigte na ko 'te." sabay tawa ko ng mahina, pramis. Masakit. Pero mas masakit parin yung iniwan ako ng tatay ko, wala ng mas sasakit pa dun.

Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko yung doctor dun, pinapasok sya ni Cd. Umupo ako sa kama, lumapit sakin yung doctor saka sya may nilagay sa kili kili ko, yung thermometer. Maya maya tumunog yun saka nga tinanggal. "39.2 ang temperature nya, ang taas." nanahimik yung doctor sandali, "Ano bang nararamdaman mo hija?" tanong nya sakin, pero si cd sumagot. "Masakit ang buong katawan nya doc." nag-isip sandali yung doctor saka tumayo at dinala yung bag nya.

"May trangkaso sya, bilhan mo nalang ng alaxan." binayaran sya ni cd saka lumabas yung doktor. Kinuha nya yung plastic bag na dala dala nya kanina, "Sabi ko na may trangkaso ka eh, wag ka mag-alala. Diba sinabi ko sa mama mo di kita papabayaan? Sige na, uminom ka na ng gamot." wow ha, kung umasta sya para syang boyprend ko. Mwehehe. Kinuha ko yung gamot saka ko ininom. Humiga ulit ako ng kama, nakatitig lang ako sa kawalan.

"Zoe, seryosong usapan 'to." humiga sya sa tabi ko, ramdam kong tinititigan nya 'ko. Binaling ko ang tingin ko sakanya saka ako nagsalita, "Ano yun?" nakangiti kong tanong, "Pwede ka bang.." pwedeng ano?

"Pwede ka bang maging akin? Uhh.. pano ko ba'to sasabihin.. Narealize ko kasi na.. kaya mainit ang dugo ko sayo dati hindi dahil gusto ko maging valedictorian, narealize ko na may gusto na pala ako sayo. Naiinis ako pag may lumalapit sayong ibang lalaki. Pero, ewan. Okay lang naman kung ayaw mo eh, okay lang tala-" hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita, nahuhulog na din ako sakanya eh. Huhuhu sana magwork yung relasyon namin. Alam ko namang di nya ako iiwan eh. Hahehihohu.

"Suree, sure pa sa sure. Sure na sure. C4rL DaN13L lHanG S4pHaT Nh4." sabi ko sakanya saka nya ako niyakap, mwehehe. Pero.. leche ka destiny, ba't di mo sinabi sakin ng maaga para di na ako nagalit kay cd?! At ikaw naman kupido, nalasing ka ba at si Cd pa talaga ang pinartner mo sakin? O baka naman nauntog ka, untugin ulit kita you want? Pero nivirmaynd dahil fafa naman si cd. Fafalicious.

"Masakit pa ba pakiramdam mo babe?" ew bat kasi babe. "Hindi na masyado." nakangiti kong sabi sakanya. Cd why so pogi? You make my heart go boom boom boom. Hahahaha! Nabaliw ang gaga. "Pati wag babe ang itawag mo sakin, kadordor." sabi ko sakanya saka ko binaon yung fes ko sa dibdib nya. "Eh ano itatawag ko sayo? Baby?" naalala ko tuloy si justin bieber, putsa. "Eh ayoko nun." KASI NGA, JUSTIN BIEBS. "Babe nalang kasi, please." nagpuppy eyes pa si gago, tumango nalang ako. Wala akong magawa eh, matitiis mo ba ang isang nilalang na ubod ng gwapo? Alam ko ang sagot nyo. "No" hahaha!

"Nga pala babe, may pasok na tayo bukas. Hatid kita mamaya sa bahay nyo. Tapos bukas sabay tayong pumasok. Sunduin kita." sabi nya habang yakap yakap pa din ako, unti unting nawawala yung sakit sa katawan ko.

"Sige." sagot ko habang nakabaon padin yung muka ko sa dibdib nya. "I love you." narinig kong sabi nya, syempre nag-ilyt din ako. Huehuehue, why so fogi pakshet.

Ansaya saya lang, kasi parang nawala yung lungkot ko sa kasi nandyan si cd. Parang yung galit at lungkot na nararamdaman ko dahil sa pag-iwan ng tatay ko sa amin ni inay nawala. Feel na feel ko yung pagkakabaon ng fes ko sa dibdib ni cd. Dahil simula ngayon pagmamay-ari ko na sya. Walang sainyo, akin lang ang asawa ko, sagad.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon