Zoe's POV
Maaga ako nagising kahit walang pasok, hindi ko alam kung bakit basta nagising nalang ako. May nararamdaman ako eh.
"Anak, andito ang tatay mo." sabi ko na eh, bumaba ako para tignan kung nandoon nga si tatay. Ano ba ginagawa nya dito?
"Nak, pupunta na tayong America." sabi ni tatay, agad agad?
"Kailan?" pano ko to masasabi kay Cd.
"Pagtapos ng graduation nyo, gusto kong makabawi sayo nak. Mahal na mahal kita." di naman siguro masama kung bibigyan ko ng pagkakataon bumawi sakin ang tatay ko no? hays.
"Sige tay." saka ako ngumiti ng peke.
Di pako nakakaalis, mamimiss ko si Carleng, Maxyne, Skyler, lalo na si Cd.
Bakit pa kasi kailangan umalis eh pwede naman dito.
Di ko nalang yun inisip at umakyat ako sa kwarto ko para matulog ulit, nang tinawag ako ulit ni nanay.
"Zoe, andito si Skyler!" ano ginagawa ni Sky dito? Nagbihis ako at naghilamos tsaka ako bumaba. Ampogi parin ni Sky ang haggard nya.
"Oh bakit napadalaw ka Sky?" tanong ko sakanya, nginitian nya naman ako luh.
"Ngayon daw tayo gagawa ng speech sabi ni Cd, ako na nagsundo sayo dahil may inaayos pa daw sya. Tara na?" di ko man lang alam?
"Wait, maliligo ako. Intayin moko mabilis lang ako maligo."
12345678910 minutes later
Pagkatapos ko magbihis bumababa ako agad para makaalis na kami ni Sky. Kaso pagdating ko nakatulog na, ganun ba ako katagal maligo? Ginising ko sya.
"AY KREMADEPUTAH" sabi nya nung ginising ko sya, HAHAHA.
"Tapos nako, tara na."
"Kala ko di ka na matatapos maligo eh." sinamaan ko sya ng tingin.
Pagkatapos nagpaalam na ako para umalis, sumakay agad kami sa kotse ni Sky. Napakayaman talaga nito.
"Ano oras tayo uuwi?"
"Wala pa nga tayo, pag uwi na agad iniisip mo." eh bakit ba.
"Nilalamig ako Sky." tsaka nya ako tinignan ng parang concern sya shet naman.
"Speaking of lamig, di ko pa pala nabibigay jacket mo. Bigay ko nalang sa monday." pagpapatuloy ko.
"No need, sayo na yun, remembrance." nginitian nya ako, kaya nginitian ko din sya.
Pagdating namin sa bahay ni Cd, napanganga ako agad. Bukod sa anlaki ng bahay nila, ang hot pa ni Cd. Tas inayos nya pa yung buhok nya, alam nyo yun nakakaturn on asf? Ugh.
"Oh babe, bakit tumutulo na laway mo dyan?" napansin kong kinakalabit na pala ako ni Cd.
"Ah, anlaki kasi ng bahay nyo nakakalula." pagpapalusot ko, pinapasok nya kami sa bahay nya. At merong isang lalaki, ang pogi nya din. Mukang desente, tatay siguro ni Cd. Halata naman eh.
"Ikaw ba ang girlfriend ng anak kong si Daniel?" tanong ng tatay ni cd.
"Don't talk to my girlfriend." sabi ni Cd, grabe naman to sa tatay nya. Nagwalk out lang ang tatay nya atsaka nya naman kami pinaupo.
"Wag kang ganun makipag usap sa tatay mo." sabi ko kay Cd. Tinignan nya naman ako, yung mga mata parang may bakas ng kalungkutan. May naalala siguro.
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako ganun sakanya."
"Sana marealize mo na tatay mo parin sya, kahit may kasalanan sya sayo. Buti nga ikaw lumaki ka ng kapiling ang sarili mong ama." tinignan naman ako nilang dalawa.
"Gawin na nga natin yung speech!" sabi ko pero tinawanan nila ako, luh?
Matagal naming natapos yung speech, siguro mga 3-4 hours. Dito na din kami kumain kila Cd. Napansin ko na parang di na masyadong magkagalit yung dalawa. Nag uusap na eh. O siguro nag uusap lang dahil sa speech? Ewan.
"Ako na maghahatid sa girlfriend ko Sky, pwede ka ng umuwi." umoo nalang si Sky, atsaka nagsamaan nanaman ng tingin, psh kala ko bati na. Nagpaalam na din sakin si sky. Lumabas na kami ni Cd.
"Babe, mahal na mahal kita."
"Mahal din kita, Cd." niyakap nya ako na parang ilang taon kaming di nagkita, ano ba naman to, kinakabahan ako.
"Tara na, hatid na kita sainyo."
Sumakay na kami sa kotse nya, oo sarili nyang kotse. Yaman diba? Habang nagmamaneho sya, hinawakan nya ang kamay ko. Nakakakilig. ASDFGHJKL!! Maya maya di ko napansin na nakatulog na pala ako.
Pagkadating namin sa bahay ginising nya ako. Nagising naman ako at binuksan yung pintuan ng kotse para lumabas ng hilahin ako ni Cd paharap. Hinalikan nya ako, fck. Second kiss ko yun! Balak ko pa namang ibigay ang first kiss ko sa mapapang asawa ko, pero nakuha nya na. Pati ba naman second kiss? Ugh why?!
"Mag iingat ka lagi babe, iloveyou." nginitian nya ako atsaka na ako pumasok sa bahay, nandito nanaman tatay ko.
"Excited ka na bang pumunta ng America, Zoe?" tanong sakin ni nanay.
"Hindi ko po alam ma, marami kasi akong alaala dito eh."
"Wag ka mag alala anak, babalik din naman tayo dito ulit. Mabibisita mo ulit mga kaibigan mo at si Cd." nung sinabi ni nanay na Cd, naalala ko yung kanina sa kotse. Hays ba't mo ginawa sakin yun Cd?!
"Sige po ma, tulog na po ako goodnight. Mahal kita ma." atsaka ako umakyat sa kwarto ko para matulog.
Di pako nakakamove on sa first kiss ko. Juiceko, makakatulog pa ba ako?
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Teen Fiction"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...
