Chapter 21

29 4 0
                                    

Cd's POV

"Zoe, pag nanalo ako tayo na ulit. Pag ikaw naman ang ang nanalo idadare mo ako ng kahit anong gusto mo, wag lang paghalik sa ibang babae." nakangisi kong sabi sakanya at nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

"Game!" parang bata niyang sabi atsaka pumasok sa court.

Oo, andito nasa loob kami ng isang basketball court.  Niyaya ko siya ng 1 on 1, varsity daw siya ng women's basketball sa university nila sa America. Nabanggit din sakin ni dad– este tito Keannu na lagi daw siyang nakakasama sa mythical five, mana daw sa tatay niya. Gusto ko lang makita kung pano maglaro ang future wife ko.

"O bago magsimula, kiss muna!" sabi ng lapuk na si Hener, kaibigan ko. Tinarayan siya ni Zoe at napakamot naman ito sa batok.

Nagstart na yung game. Ang galing niya magcrossover, o sadyang nakakatulala lang talaga ang kagandahan niya?

"Oy Ferrer!" narinig kong tawag akin ni Hener at nakashoot na si Zoe, so nakakatitig lang ako sakanya at di ko manlang namalayan?

"OW! DELA VEGA FOR THREE!" mukang mapapasubok ako nito ah.

Umandar ang laro na puro siya lang ang nakakapuntos. Nakakashoot ako pero kadalasan naaagaw niya sa akin ang bola, ang galing niya.

"Okay! Panalo si Zoe na may score na 56 - 10!" pag anunsyo ni Hener.

"So.. Pano ba yan Cd? Panalo ako." pagmamalaki ni Zoe, pasalamat to mahal ko to. At sinadya ko talagang magpatalo, ayokong mapilitan siyang sagutin ako. Gusto kong sagutin niya ako dahil gusto niya ako, because that's what I deserve. Bumabarcelona diba?

"Okay. Ano gusto mong gawin ko?" umakto siyang nag iisip, kahit alam kong alam na niya ang ipapagawa niya sa akin.

"Kumanta ka, doon!" excited niyang sabi, tinuro niya yung stage. Hindi siya kalayuan at malaki.

"Seryoso ka?" tinaasan niya ako ng kilay, pfft.

"Okay okay!"

"Yes!" natutuwa niyang sabi, hinalikan niya ako sa pisngi at halatang pati siya nagulat din sa ginawa niya. Nginitian ko nalang siya at hinila niya ako papunta sa stage. Binigay sa akin ni Hener yung mic.

"Ikaw na ang may sabi na akoy mahal mo rin.." paninimula ko ng kanta. Kami kami lang naman andito nila Zoe eh kaya okay lang.

"At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago,
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba..
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan,
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang.."

Nagulat ako ng parami na ng parami ang mga tao sa gilid ng stage. Mapa babae, lalaki, piling lalaki at binabae.

Pare ayos yan!
Umaygas, ang swerte ng gf nyan!
Omy fafa! Ang hot ni koya!

Tinignan ko si Zoe, nakangiti lang siya sa akin. Nginitian ko siya pabalik at nakita yun ng mga tao, mas lumakas ang hiyawan nila. Ang bilis ng tibok ng puso ko, yung para bang takbo ng babae na hinahabol ng labindalawang manyakis? Ganon. Tuloy pa rin ako sa pagkanta.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon