Chapter 9

73 8 0
                                        

Zoe's POV

Sabado ngayon, pagkagising ko wala na si Cd. Umuwi na daw sabi ni inay. Hindi ko parin talaga maalala kung anong nangyari, nakakabanas lang. Tumayo ako ng para pumunta sa banyo at maligo. Nagtext si skyler kanina na gagala daw kami, gala talaga eh no? Pagkatapos ko maligo saka ako nag-almusal. Nang biglang magsalita si inay.

"Zoe, wag kang magugulat sa sasabihin ko sayo ha?" bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni inay, ba't kaya ganun sa mga istorya. Pabitin mats?

"Pumunta ang tatay mo dito kagabi." sabi ni inay na kinikilig kilig pa, ano? Pumunta daw yung asawa nya este si itay? Ba't naman yun pumunta dito? Siguro may kailangan, di naman yun pupunta dito kung wala eh diba?

"Ano daw ang kailangan nya at pumunta sya rito? Ibigay nyo nalang para manahimik na tayo." seryosong sabi ko.

"Anak, gusto kang makita ng tatay mo kaya sya dumalaw. At ang sabi nya, gusto nya daw tayong kunin para dun na tayo manirahan sa Amerika!" masiglang sabi ni inay. Ganon ganon nalang yun?

"Ayoko, kung gusto nyong sumama kayo nalang." walang emosyon kong sabi. Binaling ni inay ang tingin nya sakin.

"Siguro sa ngayon hindi mo parin talaga kayang tanggapin ang itay mo, pero sa tamang panahon zoe. Matatanggap mo rin sya. Pupunta sya dito mamaya, may family dinner tayo. Isama mo na rin si Cd para makilala ng itay mo." hindi ako sumagot at lumabas nalang ng bahay, wala ako sa mood. Nasira yung mood ko fucha. Tinext ko muna si Cd para pumunta mamaya, di ko naman to gagawin kung hindi sinabi ni inay eh. Para kay inay to, hindi para sa lalaking iniwan kami ng labing-anim na taon.

"Kanina pa kita hinihintay ah, ba't ngayon ka lang lumabas?" nagulat ako nung bigla syang sumulpot, si skyler. Tumawa pa sya. Pucha to.

"Nagulat ako sayo! Funyeta ka." sigaw ko sakanya, buti nalang wala masyadong peeps dito kaya walang tumitingin samin. "Oh, san ba tayo pupunta?" tanong nya sakin, gaga talaga to. Sya nagyaya di nya alam kung san pupunta.

"Ikaw nagyaya, ako tatanungin mo?" sabi ko sakanya. Umacting naman sya na para bang may iniisip, wow best actor of the year. Nang biglang tumunog yung cellphone ko. Nagreply si Cd.

From: Cd

Sorry, babe. Mukang di ako makakapunta. May lakad kami ni mamá buong araw eh. Sorry talaga, I love you.

Di ko sya nireplyan. Edi wow.

"Alam ko na, dun nalang tayo sa park malapit sa mall." sumipol sya at may kotse ng nasa harapan namin, magikero siguro to. Sabay hila nya sa kamay ko at sumakay na kami sa kotse. "San tayo sir?" tanong nung drayber, "Sa park malapit sa mall." saka nagmaneho si kuya drayber. Maya maya lang nandun na kami, malapit lapit lang yun samin eh. Bumaba na kami ng kotse at nagsimulang maglakad-lakad.

"Skyler, pwede ka ba mamaya? May family dinner kasi kami eh, sabi ni inay magsama daw ako ng kaibigan ko-" di pa ako tapos, punyemas naman oh.

"Sure. Basta ikaw. Malakas ka sakin eh. Hahaha!" buti nalang talaga mabait tong si skyler. Pero may dalawang taong ang nakita na nakakuha ng pansin ko. Nag-uusap sila eh. Yung babae parang si ano.. si racquel? Tas yung lalaki parang si.. CD?! lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni skyler at sinabing wala lang daw yun, baka daw namamalik mata lang ako. Siguro nga. Sabi kasi ni Cd kasama nya mama nya diba? Kaya nagpatuloy nalang kami sa pamamasyal ni skyler.

"Zoe, pili mo akong damit. Dali na!" sabi nya sakin sa tapat ng bench. Eh di rin ako masyadong marunong pumili ng damit eh. Bahala na si batman, huehue. Pagkapasok namin dun ang daming tao, as in. Hinila nanaman ako ni Skyler, ba't ba ang hilig nitong humila?

"Ang kyot kyot naman nito shet." saka ko kinuha yung t-shirt na may feslak ni patrick star na color pink, yung sa spongebob. "Magkapartner sila nito." nakangising sabi ni skyler saka kinuha yung t-shirt na may feslak naman ni spongbob na color yellow.

"Suotin mo dali! Para magkapartner tayo." sabi sakin ni skyler saka ako tinulak ng malakas dun sa fitting room, edi nauntog ako sa pintuan. "Oops, sorry." natatawa-tawa nyang sabi, sinamaan ko sya ng tingin saka ako pumasok. Sinuot ko yung kinuha kong pink na t-shirt na may fes ni patrick. Huehue, ang kyot kyot ko este ni patrick. Ang kyot kyot talaga ni patrick. Pagkasuot ko pinakita ko kay skyler, kinurot nya nalang ako bigla. "Punyeta mashakit wag mo kong gaganshanin leshe." sabi ko habang kurot kurot nya yung pisngi ko at sabay tanggal nya naman.

"Bagay sayo, ako naman magsusuka-" tinulak ko rin sya sa fitting room, ang ending untog rin sya. Bawi bawi lang. "Ows, sarreh." natatawa tawa ko ring sabi saka nya rin ako tinignan ng masama. Hahaha! Maya maya lang pagkasukat nya pinakita nya sakin. Ang cute ng t-shirt, ang hot ng nagsusuot. Bakat parim yung six pack abs nya sa fes ni spongebob. Goodness gracious.

"Hoy naglalaway ka na dyan, Hahahahaha!" pagkasabi nya nun hinawakan ko yung labi ko, pucha meron nga. Kinuha ko yung panyo ko saka ko pinunasan. Huehue, nakakahiya pakshet.

"Ahh- bilisan mo nalang! Bilin mo na yan dun sa cashier!" nakakahiya talaga as in. Ba't kailangang tumulo ng laway ko? Baka kung ano isipin ni skyler. Baka isipin nya pinagnanasaan ko sya, letsugas.

"Nabili ko na, tara na." saka kami lumabas dun sa bench. Gumala pa kami, pumunta kaming funhouse, KFC at kumain pa kami ng ice cream. Oo funhouse, HAHAHAHA! Pero in all fairness, masayang kasama si skyler. May crush lang ako kay skyler ng very very light kaya wag nyong isipin na niloloko ko lang si Cd, huehue.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon