Chapter 3

123 8 0
                                    

CD'S POV

From: Alex

Bh3, 4n0nG f3Yb0RiT m0Ng s0ng?

Ugh. Madaling araw na nagtetext pa tong babaeng jejemon na'to. Ba't ba patay na patay sakin 'to? Geez. Di ko sya nireplyan. Pero kung tatanungin nyo rin ako kung ano ang favorite kong kanta, well.. Yung Ikaw na nga, yung nirevive ni Daryl Ong.

Tagos kasi yung kanta eh. Hahahaha! Pinapangako ko sa sarili ko na kakantahin ko yun, sa babaeng napaka-importante sa buhay ko. Yung babaeng mamahalin ko. Di ako masyadong nagseseryoso sa mga babaeng nagiging gf ko. Ewan, siguro darating ang tamang babae para sakin.

Sa ngayon single ako. Single and ready to mingle ;) de joke. Single lang. Kung tatanungin nyo ko kung may babae ba akong nagugustuhan sa ngayon, wala. Pero may isang babaeng kinaiinisan ko, lagi nalang kasi siya ang valedictorian namin. Bawal bang ako naman? Diba? Bawal ba kaming magsalitan sa pwesto?

Si Zoe de la Vega. At pinapangako ko rin 'to. Na ngayong year, babangon ako. Ako ang magiging valedictorian. Gagawa ako ng eksena. Pero pinag-iisipan ko pa.

Bayaran ko kaya yung Skyler para landiin sya? Pero sa tingin ko di papayag yung Skyler na yun eh. Kung papayag naman sya, edi masaya! Pag nilandi sya ni skyler di na sya makakapagfocus sa studies nya. Matagal ko ng gusto maging valedictorian, pati sila mama. Kaya minsan nagagalit sila sakin eh.

Hays di nako makatulog.

Panira naman kasi 'tong jejemonster nato eh. Kitang natutulog yung tao biglang magtetext. Alas tres narin ng madaling araw.. ano kayang pwedeng gawin? Gisingin ko kaya si ate? Hahaha juk onli. Tinawagan ko yung jejemonster, sinagot nya naman. Wag kayong mag-alala, mumurahin ko lang.

"Tangina, alam mo ng natutulog akong hayup ka. Ba't ka pa nagtext? Tangina neto. Nakakagago ka ah!" galit na sabi ko sa linya.

"S0rRy n4mAn pH0wsxz." funyeta pati ba naman sa linya ng telepono jejemonster language parin? Binaba ko nalang agad yung tawag at sinilent yung fone ko.

Alam niyo, hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko maging valedictorian. Siguro dahil gusto lang nila mama, ayaw ko naman silang biguin eh. Nagiging malayo na kami ni mom at dad dahil salutatorian lang ako.

Ano kayang pwedeng gawin sa madaling araw?

Lumabas ako ng kwarto para pumunta ng terrace. Tumingin ako sa kawalan, I mean sa langit. Ang daming bituin. Twinkle twinkle little star- Hahahaha! Sino kaya pwedeng kulitin? Ayoko ng jejemonster.

Si Zoe. Para magising sya, wahahaha. Tinawagan ko sya habang nasa terrace pako at nakatingin sa kawalan. Maya maya lang sinagot nya. MEHEHEHE.

"Ba't ka napatawag? Kakagising ko lang eh." alas tres sya gumigising? Pati parang mahinahon yung boses nya ah, parang di si zoe.

"Zoe?" para kasing hindi sya. Tae. "Oh Cd? Ano yun?" ngayon lang sya di nagalit sakin ah. "Ahh- wala, sige tulog ka nalang ulit. Sunduin kita mamaya pagpasok." kunwari lang yun na susunduin ko sya, asa sya.

"Bawal, bubugbugin ako ng bongga ni mader. Soo.. ge bye." binaba ko na yung tawag, bawal pala? Kaya siguro tinulak nya ko nung isang araw. Maaga akong naligo, wala akong magawa eh.

Nagbukas ako ng fb at nakita kong 99+ notification. 34 messages, at 99+ friend requests. Di ako nag-aaccept. Tinignan ko yung notification puro like at comment. Tinignan ko yung messages, scroll downnn. Tas bam! Nagmessage si Zoe.

Kailan tayo magsisimulang gawin yung speech sabi ni skyler?

Sent from Web

Aysus, yun lang pala. Mariano garapon.

Ewan, matagal pa naman grad eh. Excited kayo? May date may date?

Sent 3:50 AM

Nag-out agad ako pagkareply ko sakanya. Binuksan ko yung TV at nilipat sa MTV. Next na pinatugtog yung "Ikaw na nga."

Parang biro lamang, dumating ang tulad mo.

At may isang pag ibig na tapat at totoo.

Dahil sayo'y naramdaman Ang tunay na pagmamahal Iniibig kita kahit sino ka man.

Ikaw na nga..

Ang hinahanap ng puso,

Ang siyang magbibigay ng saya, ng tamis, at lambing sa buhay ko..

Bagay sa boses ni daryl yung kanta eh. Yung isa pang dahilan kung bakit nagustuhan ko 'tong kantang to, ay dahil ito yung kantang pinangharana ni dad kay mama. Sabi lang sakin ni mama. Ang sweet nga eh. Hahahaha!

Well.. 4AM palang, 6AM ang pasok namin. Bumaba ako para pumunta sa 1st floor. Wala akong magawa eh. Ano kayang ginagawa ni zoe ngayon? Siguro nakikipag-usap sya dun sa kabit ni sarah na nagbabalat ng patatas. Sheesh, pake ko?

1 hour later.

Ayus, makapasok na. Pero bago ako pumasok nag-almusal at nagkape muna ako. Pagkatapos ko mag-almusal, kinuha ko agad yung bag ko at lumabas na ng bahay. Hinatid ako ng driver namin sa school.

Pagdating ko sa school nakita ko si kuya mike, yung guard namin sa school. At si.. Zoe? Ang aga naman nito. Ang agang sakit sa ulo.

"Ang aga mo ah." panimulang sabi ni kuya mike sakin, eh may maaga nga sakin eh. "Ginising ako ng jejemon na naghahabol sakin kuya mike eh, minura ko kanina." sabay tawa ni kuya mike, habang si zoe naman may sinusulat.

"Ano sinusulat mo zoeh?" yun dapat yung tatanungin ko pero naunahan ako ni kuya mike. "Wala to kuya mike." walang ekspresyon nyang sabi, ano bang nangyari dito?

Sinilip ko kung ano yung sinusulat nya, tungkol ata yun sa daddy nya? Nakalagay kasi "Dad, kung nasaan ka man ngayon, gusto ko sabihin sa'yo na okay lang kami dito. Mahirap, pero okay lang. Masaya ka na? Nagpapasalamat ako dahil iniwan mo kami.." tas di ko na nakita yung iba nya pang sinusulat. Iniwan sya ng tatay nya?

Magsasalita sana ako pero biglang dumating yung kabit ni princess sarah at nagsalita.

"ZOE!" pagtawag nya kay zoe at lumapit naman yung loko kay zoe, ang kati futa. "Anong sinusulat mo?" nakangiting sabi ng aso este loko.

"Wala 'to." sabi ni zoe saka nya nilukot at tinapon yung papel sa basurahan. May pinagdadaanan siguro? Iniwan nga sya ng tatay nya eh, malamang meron. Bobo mo Cd.

Tumayo si Zoe sa kinauupuan nya. At naglakad palayo. Problema nun? Geez. Di naman siguro masama kung makipag-kaibigan ako sakanya no? Pero, ugh. Nevermind.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon