Zoe's POV
"ZOE NANDITO NA SI CD BILISAN MO NA MALIGO!" sigaw ni inay sakin sa banyo, narinig kong tumawa si Cd. Ba't kasi ang aga aga eh? Pfft. Binilisan ko maligo dahil nga sabi ni mader, pagkatapos ko dumiretso ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kong mag-ayos lumabas agad ako ng kwarto at kinuha yung bag ko. Basa pa yung buhok ko, kaloka.
"Ba't naman ang aga aga mo?" tanong ko agad kay Cd, "Gusto ko lang makita ang pinakamagandang babae sa buhay ko, bawal ba?" taray, dumadamoves ang koya nyo. Bigla namang sumingit si inay, "Kayo ha, siguraduhin nyo munang makapagtapos kayo ng pag-aaral bago kayo magganyan ganyan, baka kung kailan magsisipagtapos pa kayo saka kayo bumagsak." di pa tapos si inay sa pagsasalita, haba eh. "Tsaka ikaw Cd ah, wag mong papabayaan 'tong anak ko. Baka mamaya kung ano nang ginagawa nyan." seryosong sabi ni inay kay cd, tumango nalang si cd at sinabing mauna na kami.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng bahay nagsalita agad sya, "Babe, pakiss naman oh. Good morning kiss." anlandi, nakapout pa? Bading talaga siguro 'to. Yung parang sa dading, ang daddy kong bading. De juk. "Eh ayoko." sinamaan nya ako ng tingin, ang bading naman neto. "Sige na sige na." pumikit ako, huhuhu. "First time ko lang 'to cd." sabi ko sakanya habang nakapikit. Naramdaman kong dumampi yung labi nya sa labi ko ng ilang segundo, siguro mga 10 seconds.
"Masarap ba?" nakangising tanong nya sakin, leche to. "Gago." naiinis kong sabi, sabay tawa nya, letse. Sumakay ako sa kotse nya, at sumunod naman sya. Nakita ko yung dalawang piggy na stuff toy na napanalunan namin ng isang araw. Nakalimutan kong kunin sakanya, dapat tig-isa kami eh. Kinuha ko yung isa at niyakap, ang kyot kyot. "Anong ipapangalan natin dito babe?" nakakailang parin talaga yung pagsabi nya ng babe, "Ewan, ikaw mag isip." sabi ko sakanya. "Mr. And Mrs. Piggy." natawa ako dun putsa, asjdgklkj. "Mag-asawa nga kasi sila, parang tayo sa future. Mag-asawa. Yieee!" kinilig ako dun shet, as in kanina talaga as an excited mother- pucha napunta nanaman ako kay kris aquino. "Loko 'to, kaya mahal na mahal kita eh." natatawa kong sabi, namula sya eh. Bading talaga 'to, juk.
"Sows, mas mahal na mahal naman kita." nakangiting sabi nya, maya maya nandun na kami sa school. "Tara na babe, ipapakilala pa kita sa tropa ko." watdapak? Hala, ayoko, shit. Ayoko makakita ng mga haliparot, kung sakaling mag babae syang prend. "Ayoko." matigas kong sabi pagkababa namin ng kotse, nauna akong maglakad papunta sa room pero naabutan nya parin ako.
"Dali na babe, para naman makilala mo sila." kailangan ko pa ba silang makilala? Sheesh. "Fine." sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad nang hawakan nya yung kamay ko, dami pa kasing echos eh. Charot. "Oh ayan na pala sila eh!" biglang sabi ni cd, hawak hawak nya parin yung kamay ko. Pagkatingin ko tatlong lalaki at apat na babae, pucha andami. Yung mga babae halatang mga tagabenta ng lugaw sa kanto eh, este mukang malando. "Sila na yon? Mga tropa mo?" malamig kong sabi sakanya, parang di ko gusto yung mga tropa nya eh, mukang mga adik sa kanto.
"Siya si Mj, Rian saka si Jose." pagpapakilala nya dun sa tatlong lalaki, "Eto naman si Rica, Racquel, Kathy at Jamela." pagpapakilala nya sakin dun sa apat na babae, bigla naman akong inirapan nung racquel. Problema neto? "Guys, girlfriend ko." nakangiting sabi ni Cd, umechos nanaman yung racquel. "Huh? Your gf? Hindi ba nililigawan mo ako?" nagulat ako dun sa sinabi, tanginang yan. Wala pa kaming isang buwan may umeksena na agad? "Nah, I'm just kidding. Ang o-oa nyo. Hahahaha!" sya lang yung tumawa, ang korni mo 'te. Sarap mong ihulog sa building. "Nice meeting you guys, pero kailangan ko ng umalis eh. Hinihintay pa ako ni SKYLER." sabi ko sakanila saka ako naglakad palayo, di man lang ako sinundan ni gago.
"Hoy Zoe!" sabi ko na dito ko lang makikita si skyler na nakaupo sa puno eh, wahahaha. "Hoy Sky." ngumiti sya sakin saka tumayo. "Hinanap kita nung Saturday, wala ka daw sabi ni tita. Kasama mo daw si Cd, totoo bayun?" tanong ni skyler, teka.. pano nya nalaman ang bahay ko? "Ahh, oo.. a-ano nga eh–" hindi ko natuloy yung sasabihin ko, "Kayo na? Putsa naunahan ako, pero anyway congrats." nakangiting sabi sakin ni skyler. "Salamat, pero magkaibigan parin naman tayo diba?" malungkot na tanong ko sakanya, ngumiti sya sakin "Opkors. W4lAnG T1tIbH4G." natatawa nyang sabi, tumawa nalang din ako. Alangan naman umiyak ako? "Andyan na yung shota mo oh." sabi ni skyler, ang fogi ni skyler mwehehe.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko sakanya, anong ginawa nito at mukang pagod na pagod? "Hinabol kita, ba't di mo naman ako inintay? Arte mo naman babe." pano naman ako naging maarte? "Dun ka na kay racquel, masaya dun." malamig kong sabi sakanya, niyakap nya naman ako. Letse. "Nagseselos ka ba?" tanong nya habang nakayakap sakin. "May dapat ba akong ikaselos?" amfogi nga nya anlandi nya naman, fucha. "Wala wala." pumiglas sya sa pagkakayakap sakin saka nya ako nginitian, nagsimula na akong maglakad papunta sa room. Ramdam kong sumusunod si Cd at skyler. Eh parehas lang kaming tatlo ng classroom eh.
Pagdating namin ng room, may sari-sarili silang convo. May landian, awayan, tsaka ligawan. Ansarap nilang paghahampasin ng locker omygash. Umupo na kami sa mga kinauupuan namin. "Kailan ba natin sisimulan yung paggawa natin ng speech para sa grad? Malapit lapit narin yun." sabi ni skyler, "Next week nalang." malamig na sabi ni Cd kay Skyler. Binaling nila yung tingin nila sakin. Problema nyo? "Ano?" ngumiti sila ng sabay, mga hibang siguro 'to. "Mga baliw." natatawa kong sabi, pero may bigla akong naramdaman. Sumakit nanaman yung buong katawan ko, hindi ko alam kung bakit.
"Cd.." pagtawag ko sakanya, nanghihina ako. "Cd.." muli kong pagtawag sakanya, bakit ba hindi nya ko pinapansin? "Skyler.." pagtawag ko kay skyler, ba't ba di nila ako naririnig? "Zoe!" narinig kong pagtawag ni skyler. Nawalan ako ng malay.

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Fiksi Remaja"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...