Chapter 15

50 5 0
                                        


ZOE's POV

Graduation na. Mamimiss ko sila Skyler, Max, Carla. Lalo na si Cd. Pumayag sila inay na hindi na kami lumipat sa America, pero sa ibang school ako magcocollege. Hindi ko parin nasasabi kay Cd. Balak ko syang isurprise

Naghahanda na ako para sa speech namin mamaya. Huhuh. kinakabahan ako. Ayos na yung quadrangle para sa ceremony mamaya. Naayos na namin kahapon pa. Meron pa nga eh, "CONGATULATIONS GRADUATES." Wala, nakakaiyak lang. Magkakahiwa-hiwalay na kami. Four years of my highschool, is the best four years of my life. Yet, surprise daw ang pagsabi saamin kung sino ba ang mga may awards and top.

Maya maya lang inaayos na namin nila inay ang isusuot ko. Nandito din si itay, pero ang awkward parin. Pag may mga okasyon kasi kami, si inay lagi ang nag aasikaso sakin. Ang sarap pala sa pakiramdam ng anak na inaasikaso ng sarili niyang ama.

Ilang oras na lang bago ang graduation namin, nakakotse kami papunta sa school. Yes, kotse ni itay. Sa America nga kasi siya nagtrabaho diba? Pinag ipunan nya daw, para hindi na kami mahirapang mag commute kung saan man kami pupunta.

Nang makarating kami sa School, gulat na gulat naman sila Skyler. Oo, sabi nila sabay sabay kami pumasok nina Max at Carla, hinintay nila ako eh. Mamimiss ko 'tong mga 'to. Saan kaya sila magcocollege?

"Uy, si Zoe ba yan? Kabog ah."

"Uy teh ampriti mo langs."

"Goodluck Zoe!"

"Shet, bH0usXz."

Sabi sakin ng mga kapwa seniors ko, nakakacurious naman kung sino magiging valedictorian samin ni Cd. O baka naman wala kahit sino samin? Baka si Skyler?

Sama sama kaming naglalakad upang kamustahin ang mga seniors, mga ex-classmates, teachers at iba pa. Pati to si Sir Fanotchie mamimiss ko 'to eh. Good times come and go, but memories will last forever.

"Zoe, nakita ko si Cd ah. Nasa canteen, may kausap na babae." sabi ni Xander, kaklase namin. Sino naman kinakausap ni Cd? papunta ako sa canteen habang sinusundan ako ni Skyler. Sila Carla naman humiwalay dahil daw may kailangan pang ayusin sa Maintenance room. Pagpunta ko dun nanlambot ako.

Si Racquel at si Cd. Magkaharap, mga labi nila magkadikit. Naghahalikan. Totoo ba 'to? Baka naman nananaginip ako, pagising nga ako. Tumingin ako kay Skyler na parang nabigla din. Napansin ni Cd na nandito kami, kaya napatingin sya sa amin. Balak ko pa namang sabihin sakanya na hindi na ako aalis, letche.

"Look, Zoe. Mali ang iniisip mo." hinahawakan nya ako sa pisngi pero, nilalayo ko yung kamay nya. Ang kapal kapal ng muka nya. Hayop sya.

"Kailan pa Cd?" umiiyak kong sabi. Si Racquel on the other side, nakangisi na parang demonyo. Leche siya. Di pa rin ako sinasagot ni Cd.

"Let me explain first, please, Zoe." tumakbo ako papunta sa quadrangle at pinunasan ang luha ko na para bang walang nangyari. Graduation ko ngayon, dapat masaya. Diba?

"Zoe!" sigaw ni Sky at Cd. Sa tingin ko nga mas makakabuti pang pumunta ako sa America.

Ilang oras na lang magsisimula na. May speech pa pala kami. Pinapunta na kami sa stage at hinanda na ang aming mga sarili. Si Sky kung makakulit naman sakin kala mo mawawala na ako. Trinato ko nalang si Sky na para bang walang nangyari. Samantalang kay Cd, di ko pinapansin, bahala siya.

Nagsimula na ang speech namin.

"Ang sakit lang--" bigla kong nasabi sa mic, tinignan naman nila ako ng parang nagtataka.

"Ang sakit ng kamay ko. Sorry." pamamalusot ko, tawa naman sila. Tuloy ang speech.

Ilang minuto lang pagkatapos ng speech, bumaba kami ni Skyler at sumunod na din si Ferrer (Cd). Yung audience? ayun nagkandaiyak, yung iba tumatawa tsaka drumadrama na. Di ko napansin napaluha na din ako at nagyakapan kami ni Carla at Maxyne.

Nagsasalita si sir fanotchie nang may narinig ako. Inaannounce na yung mga standing sa class. Tinawag ako.

"Ms. Zoe Dela Vega, our new salutatorian." bigla akong nabingi, s-salutatorian? ginawa ko naman lahat, pero bakit ganto? bakit?

Si Cd nagplano nito eh. Kaya nya ako kinaibigan dahil gusto niyang bumaba ang grades ko. Sana hindi ko nalang siya kinaibigan, ang tanga tanga ko. Nakakainis.

"Please Congratulate our newest valedictorian, Mr. Carl Daniel Ferrer!" nagpalakpakan ang mga tao habang ako tumutulo ang luha. Pansin kong nakatingin sakin si Cd. Wala akong pake.

After all the congratulations, greetings and speech. It's time to say goodbye.

Goodbye school, teachers, friends.

Lumapit ako kila Carla at Maxyne.

"Mga teh, tuloy na yung flight ko bukas." naiiyak kong sabi, nagyakapan kami at nagtawanan.

"Padalhan mo kami teh ah? Haha dejk labyu cactus." sabi ni carleng, hays. Ang hirap pero kailangan.

"Basta pagbalik ko, bonding tayong tatlo ha?" drama here, drama there. Nilapitan ako ni Sky at niyakap, niyakap ko din siya ng mahigpit. "Mag iingat ka ha."  naiiyak niyang sabi, syempre naiyak din ako.

"Mahal kita, Zoe. Mamimiss kita." sabi niya, niyakap ko sya ng mas mahigpit. Di ko alam sasabihin ko, masaya ako na nasasaktan. Mamimiss ko 'tong mga to. Nagpaalam na ako. Kumaway ako sakanila habang paalis. Si Sky, naiiyak ata. Tinatakpan yun mata eh. Mahal na mahal ko 'tong mga baliw nato.

"Ready ka na ba, Zoe?" tanong ni itay, ngumiti ako ng pilit.

"Opo itay." Atsaka kami naglakad papauwi.

Bukas na ang flight ko.

Pagbalik na pagbalik ko,

Ibang Zoe na ang makikilala nila.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon