CD'S POV
Nandito kami sa clinic ngayon, sinugod daw si zoe kasi bigla daw nawalan ng malay. Buti nalang sinabi sakin ni skyler, umihi ako eh.
"Kamusta na sya?" tanong ko kay skyler, nakatitig lang sya kay zoe. Mukang pinagnanasaan nya gf ko ah.
"Kung pwedeng iuwi daw muna sya sabi ng nurse." nakatitig pa rin sya kay zoe, parang hibang na'to ah.
"Ako na mag-uuwi sakanya, bumalik ka nalang sa classroom." tumayo sya at binaling ang tingin nya sakin, bigla nya nalang ako sinamaan ng tingin at saka nagsalita.
"Pag may nangyaring masama kay zoe, hinding hindi kita mapapatawad." huling sinabi nya saka sya lumabas, problema nun?
Unti-unting binuksan ni zoe ang mata nya, pero ba't parang namumutla ata sya? Biglang pumasok yung nurse na babae.
"Nurse, ano bang nangyari kay zoe?" tanong ko sakanya habang nakatingin kay zoe.
"Na-deyhdrate sya, kaya sya nanghihina. Painumin mo sya ng maraming tubig at saka bilhin mo to." may inabot sya sakin na papel at may nakalagay na gamot. Nang biglang nagsalita si zoe.
"Zoe.." pagtawag ko sa pangalan nya saka ko sya nilapitan sa clinic bed.
"Tara na uuwi na tayo.." sabi ko sakanya saka ko sya inalalayan tumayo, pucha wala pala yung kotse.
Inalalayan ko sya hanggang sa paglabas namin ng school, mamaya nalang ako bibili ng gamot pagdating sa bahay nila. Sumakay kami ng tricycle kasi nga waka yung kotse. Buti nalang may pera ako."Ano ba kasing nangyari?" tanong ko kay zoe, nakatingin lang sya dun sa salamin eh.
"Wala akong maalala." ano 'to mag amnesia? Pag nadedehydrate ba hindi nakakaalala?
Maya maya lang nandun na kami sa bahay nila, bumaba ako ng tricycle para magbayad.
"Sir isang daan po 'to, sobra sobra." sabi ni manong, "Keep the change." saka bumaba si zoe at pumasok sa bahay nila, sumunod nalang ako.
"Ba't kayo nandito? Ang aga aga pa ah? Pati ba't namumutla ang anak ko?! Anong nangyari!" bigla nyang hinawakan ang pisngi ni zoe, ang oa naman ng mama ni zoe.
"Nay, okay lang ako. Ang oa nyo naman." sabi ni zoe.
"Nawalan po ng malay si zoe sa school." mahinahong sabi ko kay tita. "Na-dehydrate daw po siya."
"Ako na po ang bibili ng gamot, painumin nyo nalang daw po si zoe ng tubig." pagpapatuloy ko saka ako tumayo at lumabas ulit ng bahay. Buti nalang at nalaman ko na may botika sila sa kanto, kaya naglakad nalang ako. Tuloy tuloy ako sa paglalakad nang may nabangga ako.
"Sht, sorry miss." nakaharang yung buhok nya sa muka nya kaya di ko nakita.
"Okay lang." saka nya pinulot yung bag nya, pagkatayo nya nagulat ako. Hindi ko inaasahang magkikita kami.
"Racquel?!"
"Oh, what a coincidence. Buti nalang nagkita tayo daniel." malandi nyang sabi sakin saka sya nagwink.
"Look racquel, wala akong time para makipag-usap sayo. May sakit si zoe. Bibili ako ng gamot. Kaya please, tantanan mo na ako." saka ako nagpatuloy sa paglalakad, tinawag nya ako pero hindi ko sya pinansin.
"Kuya pabili nga nito," sabi ko dun sa lalaking nagbebenta saka inabot yung papel. Pagkatapos nyang basahin binigay nya ulit yung papel sakin.
Nagmamadali akong maglakad para makabalik agad sa bahay nila zoe. Baka mamaya makita nanaman ako ni racquel, jeez.
"Tita nabili ko na po yung gamot!" sabi ko kay tita pagkadating na pagkadating sa bahay nila zoe.
"Salamat Cd." nakangiting sabi ni tita sakin, nakita kong nakahiga lang si zoe sa sofa at nakakumot. Lumapit ako sakanya.
"Zoe, anong nararamdaman mo?" nilagay ko yung kamay ko sa noo nya, ang init nya. Sign ba ng dehydration yun?
"Malamig." maikling sagot nya, di ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya. Naaawa ako sakanya eh, hindi ko alam. Hulog na hulog na talaga ako sa kanya.
"Sorry." sabi ko sakanya, feeling ko kasalanan ko talaga. Kasi imbis na ako, yung boyfriend nya ang nandun para sakanya, yung kaibigan nya pang gunggong.
"Hindi mo kasalanan, Cd. Baliw." nagawa nya pang tumawa habang ako alalang-alala sakanya. Lokaret talaga to minsan eh.
"Basta. Mahal kita." sabi ko habang nakatingin sakanya. Ngumit sya saka sumagot. "Mahal din kita." hinalikan ko sya, nakita kong nagulat sya. Miski ako nagulat eh, hindi ko alam kung ba't ko nagawa yun.
"Oh anak, inumin mo na 'tong gamot mo." sabi ni tita kay zoe habang nakangiti, kinuha ni zoe yung gamot at ininom. Ayokong umuwi.
"Ahh- tita pwede po ba akong matulog muna dito? Pati kung ano- may extra damit po ba kayo dyan na panlalaki?" nahihiyang tanong ko kay tita, ngayon lang ako makakatulog sa ibang bahay.
"Ayy! Sige sige, may mga naiwang damit yung pinsan ni zoe eh. Teka lang kunin ko." pagkababa ni tita may dala syang tshirt na blue saka short din na blue.
"Oh eto, sige maligo ka na." saka ko yun kinuha at pumasok sa banyo. Sht ang lamig ng tubig futa. Hoho. Pagkatapos ko maligo kinuha ko yung twalya, binigyan ako ng twalya eh. Saka ako nagtapis para magbihis dun sa kwarto nung pinsan ni zoe. Pagkalabas ko ng banyo halatang gulat si zoe, nakita nya yung abs ko eh. Hoy wag kayong ano, may 6 pack abs ako.
"U-umalis ka nga dyan! Ihing-ihi nako!" sabay pagtaboy nya sakin para pumasok sa banyo, namula pa nga siya eh. Hahaha. Pagkapasok ko sa kwarto ng pinsan ni zoe, nagbihis agad ako. Pagkatapos kong magbihis bumaba ako para tignan kung anong ginagawa ni zoe. Nakatulog agad?
"Hoy, tulog ka na agad babe?" hindi sya umimik, tulog na nga. Bakit kung kailan chumachansing ako tsaka sya natutulog? Kabadtrip ah.
Hinalikan ko sya sa noo. Ang tanga ko talaga para hindi ko marealize dati na mahal ko na pala sya dati pa. Ang tanga ko no? Oo ang tanga ko. Sinandal ko yung ulo ko sa sofa. Dahan dahan kong pinikit yung mata ko at natulog.

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Genç Kurgu"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...