Zoe's POV
"Welcome back, Nay, Tay. Namiss ko kayo ng sobra!" andito ako ngayon sa airport kasama si Cd, sinundo sila nanay at itay.
"It feels so good to be back!" Sabay nilang sabi at nag family hug kami, habang si Cd nakangiti lang. Bigla naman natuon ang tingin ni Itay kay Cd.
"Who's this guy anak? Your suitor?" saad ni itay. Hindi rin kasi nila makilala si Cd dahil din sa laki ng pinagbago nito, mas pumogi eh.
"S-si Cd po tay." nauutal kong sabi dahil alam nila na si Cd ang unang nagpatibok at nagwasak ng puso ko.
"Mariano garapon! Muling ibalik na ba ito anak?" napatingin naman kami ni Cd sa isa't isa, palabas na kami ng airport at pasakay na ng kotse. Pagkasakay namin bigla nanamang nagsalita si itay.
"Matanong nga kita iho, nililigawan mo nga ba talaga ang anak ko?" katabi ni itay si Cd sa front seat, si itay ang nagdradrive. Ayaw kasi ni itay na katabi ko si Cd, ewan ko ba.
"Kung mamarapatin mo ninyo Sir, pangako po hinding hindi ko na bibiguin at lolokohin ang anak niyo." sincere na sabi naman ni Cd, bigla naman akong kinurot ni inay na para bang nangangasar, nako talaga!
"Mabuti na yung malinaw. Para kung sakaling may nang-aswang sa dalagita ko kilala ko kung sino ang sisisihin." sabi ni itay dahilan para tumawa si inay.
"Tay naman!" sabi ko kay itay bilang pagsuway sa sinabi niya.
"Nako Sir, hindi ko po kayang gawin yun. Malaki po ang respeto ko kay Zoe, kaya ko pong maghintay." seryosong sabi ni Cd. Nakita kong napangiti naman si itay, what is the meaning of diz?
"Drop the Sir iho, just call me tito." bigla naman akong nagulat dun, si Cd naman nanlaki ang mata at parang natuwa, buong oras nakangiti eh. Ibig sabihin ba nito approve na si Cd kay itay?
Dumiretso kami sa bahay namin dati, pinarenovate kasi namin yun. Isa na siyang mansion. May outdoor swimming pool, garden, may indoor court pa nga eh. Kumpleto na sa gamit, maganda yung pagpapaint kasi may mga design design pa.
"Sir–este tito, paano po kapag inaya ko na pong magpakasal si Zoe?" tanong ni Cd kay itay na dahilan para ikagulat ko, kasal agad? Hindi ko pa nga sinasagot eh!
"Kala ko ba kaya mo maghintay iho?" sagot ni itay.
"Paano lang po, sa future ganun."
"Well, kung sa mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa eh. Ano pang magagawa ko? Isa lang ang bilin ko sayo iho, wag mong iiwan at lalo nang wag mong sasaktan ang anak ko." seryosong sagot ni itay.
"Syempre naman tito. Malakas tama ng anak niyo sa akin eh." sabi ni Cd, nag ngitian lang sila ni itay.
Maya maya lang pagkatapos namin mag ayos ng gamit ay nagpaalam na si Cd, hindi ko alam kung bakit busy siya these past few days. Ang sabi niya lang sa akin may aasikasuhin daw siya tungkol sa business nila na siya na ang magmamana.
Habang wala akong ginagawa naisip ko si JA. Hindi ko alam kung bakit pero may iba akong nararamdaman. Parang sinasabi ng dugo ko na malapit lang siya ganun. Ito ba yung sinasabi nilang lukso ng dugo?
![](https://img.wattpad.com/cover/38533006-288-k97091.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Genç Kurgu"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...