Chapter 18

33 4 0
                                        


Zoe's POV

"Ay tipaklong! Cd?!" Pasigaw na sabi ko, akala ko nananaginip lang ako. Kasama ko pala talaga si Cd kagabi. Tapos ngayon nagising ako na kaharap at katabi ko pa siyang matulog.

"Oh bakit? Mukang nagulat ka ata?" nag aalanganing tanong niya sa akin.

"Eh sa akala ko panaginip lang yung kasama kita kagabi eh, totoo pala!" tinawanan niya lang ako at niyakap, unti unti niyang nilalapit yung muka niya pero ako naman lumalayo.

"Di ka pa pala nagtu-tootbrush, may panis na laway ka pa oh." natatawang sabi niya sa akin, assuming, kahit naman nagtootbrush ako lalayo parin ako. Mabilis akong tumayo at inayos ang damit ko, nag hilamos nag mumog at handa ng umalis.

"Oh aalis ka agad? Diba–" di niya natuloy yung pagsasalita niya nang biglang tumunog yung cellphone ko, si Sky tumatawag.

"Uh, pauwi na ako. Oo. I miss you too. Sige, bye." nagulat ako nang hablutin agad ni Cd yung cellphone.

"Anong i miss you? At bakit ka tinawagan ng mokong nayun?" kunot noong sabi niya, halatang nagseselos ang kuya niyo eh.

"Wala ka na dun. Alis na ako, marami pa akong gagawin."

"Hatid na kita." tss, um-oo nalang ako. Nginitian niya ako. Kunwari napilitan ako pero deep inside gusto ko naman talaga.

Namiss ko siya.

Namiss ko yung dating kami.

Psh, past is past. Forgive but do not forget.

"San ka ba?" sinabi ko sa kanya yung address ng condo ko.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nang makarating na kami sa condo ko nagulat ako kasi andun si Max, Carla at Sky na nakaupo. Ilang minuto silang nagtitigan lang, binasag ni Skyler ang katahimikan.

"Sino yang kasama mo Zoe?" nagtatakang tanong niya, habang yung dalawa nakatingin lang kay Cd.

"Si C-cd." napatayo si Sky pati na rin yung dalawa, tumili yung dalawa at nilapitan si Cd para yakapin pero sandali lang ay humiwalay din sila. Habang si Sky tahimik pa rin.

"Antagal mo ding hindi nagparamdam Cd ah, ano naki America ka din?" natawa nalang si Cd, nagsalita na si Sky.

"Sige, Zoe. Una na ko." paalis na sana siya pero sinagot siya ni Cd.

"Bakit pare? Natatakot ka ba?" nakakunot na noo lang si Skyler at nagsalita.

"Pare ilang taon kong inintay 'tong pagkakataong bibigyan ako ni Zoe ng pag asa. Ayoko lang gumawa ng eksena kasi nirerespeto ko si Zoe. Siguro bukas nalang." wala namang nasabi si Cd kaya tuluyan ng umalis si Sky. Pinaupo ko muna si Cd at nagchismisan sila nila Max.

"Mas pumogi ka fafa Cd!" sabi Maxyne.

"Alam mo bang hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok nitong puso ni Zoebells?" sabi ni Carla, hay nako. Nilaglag talaga ako eh.

"Ako din naman eh." Sabi ni Cd na dahilan para mamula ako, hanggang ngayon ba naman?

"Nakakamiss highschool days no?" sabay pang sabi nung dalawa.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon