Zoe's POV
"Inay, sa tingin nyo, nasan na kaya si tatay?" panimulang tanong ko kay inay habang nag-aalmusal at nakatingin sa kawalan. Naalala ko lang kasi si tatay.
"Ang huling sabi nya sakin, pupunta daw sya sa America dahil kinuha sya ng mama nya dun." naging malungkot naman ang muka ni inay, samantalang ako walang ekspresyon ang muka ko. Ano na kaya nangyari kay tatay?
Nag-ayos nako para pumasok, pagkalabas ko ng bahay naglakad ako ng ilang hakbang at nakita ko si skyler. Sabi nya sabay daw kami eh, pero sabi ko sakanya wag sya sa tapat ng bahay tumambay.
"Ano tara na?" tanong nya sakin. Ang pogi nya lang, nakakapakshet. "Gusto mo maglaro pa tayo dito?" sarkastikong sagot ko sakanya. "Hahahahaha! Puro ka talaga kalokohan." sabay ngiti nya. Mga phipps, kill me na, now na. Nakakaloka yung fes nya eh.
"Tara na nga!" sabay tawag nya sa tricycle at sumakay kami. Ilang sandali lang nandun na kami sa school. Nakita naming nakatambay pa si yung demonyong Cd dun. Pero parang walang emosyon yung feslak nya.
"Ah, Zoe. Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang?" nagulat ako nung sinabi nya yun. Ba't parang ang amo amo ng muka nya? Muka syang maamong aso. De juk. Fogi rin naman ang koya nyo.
"Ah, sige." maikli kong sagot, maikli bayun? "Sigurado ka ba zoe?" tanong sakin ni skyler. "Oo, di naman ako kakainin ng buhay nyan eh." tsaka nya ako hinalikan sa noo, nagulat ako dun ah! Kakakilala palang namin, ang bilis nya naman. Saka sya naglakad papasok.
"Ahh- ano kasi zoe eh.. napag-isipan ko lang, kung pwede.." baka kung ano nanamang kalokohan 'to. "Kung pwede maging magkaibigan tayo? Ayaw ko namang kasing maging mainit ang dugo mo sakin eh." Well, di naman siguro masama kung kaibiganin ko sya. Kaya pumayag nako.
Sabay kaming naglakad papunta sa room. Parang ang saya lang pag wala kang kaaway. Ang saya saya no? Hahahaha! Nabuang na si enday.
"Ayan na si sir fanotchie." natatawang sabi ni Cd, kaya tumawa narin ako. Kala ko ako lang nagsasabi ng panot sa teachur namin eh. Wahahahaha.
Pagpasok namin ng room umupo na kami agad sa mga upuan namin at nagsimula ng maglesson. Nakafocus lang ako dun sa sinasabi ni sir. Nagtetake down notes din ako. Yun lang ang ginawa ko ng 7 oras. Kahit may mga naririnig akong mga kaechosan sa room.
"Sabay na tayong maglunch bh3." sabi ni Cd na may pangbeki na voice. Ito siguro ang lihim na ayaw nyang malaman ng madla.. ang kanyang pagkabeki, de juk.
"Ayy, sige bh3. Gora na tayo!" sabi ko rin na may pangbaklush na voice. Parang ang gaan lang ng loob ko sakanya. Siguro siya ang tatay ko. Juk lang ulit.
Naglakad kami papunta sa canteen at kumain nang bigla syang magsalita. "Close ba kayo ni skyler?" tanong nya sakin, "Hindi masyado." speaking of skyler, nasaan kaya siya?
"Eh ba't ka nga hinalikan sa noo kanina? Kayo na? Agad agad?" andami namang tanong nito. "Ano ka nag-iinterview? Pero sasagutin ko ang tanong mo. Di ko alam kung ba't nya ko hinalikan sa noo. Baliw 'to."
"Ah." maiksi nyang sabi at nagpatuloy na sa pagkain. "Zoe, may bf ka na ba?" pagtanong nya ulit. "Gaga, wala. Ikaw?" ako naman ang nagtanong sakanya. "Gagu straight ako." pagmamalaking sagot nya sakin, ganto ba talaga isip ng mga lalake? Parepareho putspa. "Hindi, I mean, kung may gf ka na?" naiinis kong tanong, "Ahh, wala pa akong gf. Sa susunod kasi lilinawin mo." gaga ka lang.
"Sarreh, okay? Sarreh." paggaya ko kay steffi cheon ng MLFTS. "Di ka si steffi, wag kang assuming." paepal 'to. "Gusto mo saksak ko yang pagkain mo simula sa pharynx hanggang lower intestines mo?" tumawa naman sya, seryoso ako. De juk, easyhan lang natin mga ateng. "Wag naman bh3." sabi ko na eh, confirmed. Beki po sya.
"Ew ka, kabaklaan mo itago mo naman." natatawa kong sabi, habang sya masama ang tingin sakin. "Halikan kita dyan eh." natatawa nyang sabi, patayin ko kaya 'to? "Eww." inirapan ko sya pagkasabi ko nun. "By the way, ano.. pwede ba kitang ipaalam sa mama mo kung pwede ka sumama sakin bukas tsaka sa Sunday? Wala namang pasok eh."
"Ewan. Tanong mo kay inay mamaya, pagkauwi natin." saan naman kaya ako dadalhin nito? "Sige sige, hatid narin kita sa bahay nyo." nakangiti nyang sabi. Pagkatapos naming maglunch pumunta na agad kami sa last subject namin. "Okay class, our lesson for today is..."
50 minutes later.
Kasama ko si Cd ngayon. Hahatid nya daw ako pauwi. Haba ng hair ng ate nyo. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa kalye. Bagay daw kami, de juk.
Pagkadating namin sa bahay pumasok na ako agad. Pinapasok ko rin si Cd. Nagsalita si mama. "Ayy, eto ba si Cd?" pano nya nakilala si Cd? malamang sa recognition, ang gaga mo zoe. "Opo aling-" pinutulan sya ni inay. "Wag aling, tita nalang." nakangiting sabi ni inay. "Sige po tita. Gusto ko lang po ipagpaalam si Zoe, pwede ko po bang mahiram ang anak nyo ng dalawang araw?" nakikinig lang ako sa usapan nila. "Hmm.. sige, may tiwala ako sayo. Pogi ka kasi eh. Ingatan mo ang anak ko ah? Kung gusto mo dalhin mo na sya ngayon." ngayon? Ba't ngayon? "Sige po. Salamat tita." nakangiting sabi ni Cd kay inay.
"Osige na. Magbihis ka na dun! dalian mo." sabi sakin ni inay, sinunod ko nalang. Pagkatapos ko magbihis inayos ko yung mga damit ko at nilagay sa maleta, de juk. Syempre sa bag, eh bag din naman yung maleta diba? Pero maliit na bag lang yung dinala ko, yung kasya mga damit ko. Pagkatapos ko ligpitin ang mga gamit ko lumabas na ako ng kwarto. Nakaupo lang si Cd dun. Kinuha nya yung bag ko para buhatin, wow nag-evolve.
"Tara na. Tita, una na po kami!" pamamaalam ni Cd kay inay. "Sige, ingat kayo!" sagot ni inay kay Cd, saka kami lumabas at sumakay ng kotse nya, wow RK. "Kuya ark, dun tayo sa resort." RESORT?! di pako nakakapunta ng resort kahit kailan, sya lang pala makakadala sakin dun. Tsaka, may resort sila? "May resort kayo?" nagtatakang tanong ko sakanya. "Uhuh, kaya matulog ka muna dyan mahaba-haba pa ang byahe." sinunod ko nalang sya. Pinikit ko yung mata ko at natulog.

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Novela Juvenil"Love feels like heaven, but pain feels like hell." Siya si Zoe De la Vega. Siya ang kaisa-isang naging valedictorian ng kanilang school sa kanilang batch, Sa St. Dominic High School. Si Carl Daniel G. Ferrer. Siya naman ang salutatorian ng kanil...