"Magsitayo po ang lahat." Bigla akong bumalik sa ulirat nang marinig ang tinig na nanggaling sa mikropono.
Nang tignan ang paligid ay isa-isang nagsisitayuan ang mga taong nasa loob ng simbahan kaya gano'n na rin ang ginawa ko.
Nandito ako sa simbahan mag-isa, nakaupo sa ikaanim na hanay ng upuan at hindi umaalis ang tingin sa harapan.
"Sumasampalataya ako Diyos amang makapangyarihan sa lahat..." nagtuloy iyon at sabay-sabay naming binigkas ang mga sumunod na linya, alinsunod sa sinasabi ng pari sa harapan.
Ngayon ang ika-siyam na araw ng simbang gabi. Ito na ang panghuling gabi ngayong taon kaya mas marami ang tao kumpara noong mga nagdaang araw.
Nanatili akong nakatingin sa harap hahang nagbabanggit ng dasal. Napapaisip kung ano ba ang hihilingin ko ngayong tapos na ang araw ng simbang gabi.
Gano'n daw 'yon, 'di ba?
Maaari kang humiling kapag natapos at wala kang mintis na nakadalo sa siyam na araw na 'yon.
Kahit naman ano pang maisip kong hiling ay iisa pa rin ang sasabihin ko sa Diyos mamaya pagpikit ng mga mata ko.
"Peace be with you," bati sa akin ng mga tao na kaagad ko ring binati pabalik.
Kaliwa't kanan ang pagbati ko pati na rin sa bandang likuran.
Habang nakatayo at binabati ang mga tao ay unti-untng sumulyap ang paningin ko papunta sa harap.
Hindi pa man lubusang nakakadapo ang paningin ko sa pari ay nakita ko na ang tingin ng pari sa akin.
Kahit pa medyo malayo ang kinauupuan ko ay aninag na aninag kong sa akin ang tingin nito hahang nakangiti.
"Peace be with you," saad ko nang walang boses at tanging bibig lang ang pinagalaw ko.
Napangiti ako nang makita ang pagtango nito bago pa man din dumako ang tingin niya sa iba para na rin bumati.
Sa ilang taong nagdaan, ito palagi ang ginagawa ko tuwing magpapasko. Magsisimba sa simbahan kung saan ang nakatalagang pari para sa simbang gabi ay si Hideo.
Sa ilang paskong nagdaan ay ito ang ginagawa ko. Tahimik na nakikinig sa homilya at walang mintis na pinupuntahan ang mga simbahan kung saan man siya maitatalaga.
Ngayong taon pati na rin noong nakaraan ay sa Antipolo siya nagbabahagi ng salita ng Diyos. Dalawang sakay lang 'yon ng jeep kaya malapit ito kumpara sa ibang simbahang napuntahan ko na siya ang pari.
Kahit naman siguro saan siya ma-desitno, pupuntahan at pupuntahan ko pa rin.
Gusto ko siyang makita, e.
Parang kada taon, nababawasan ang kirot na nararamdaman ko sa mga bagay na nangyari sa amin dahil unti-unti kong nauunawaan kung ano ba talaga ang gusto niya.
Kung iba ang ngiti niya sa akin kumpara sa ibang mga tao, kitang-kita ko rin kung gaano kaiba ang ngiti niya sa tuwing nasa harapan siya at nagbabahagi ng mga salita galing sa bibliya.
Ang mga kislap ng mga mata niya sa tuwing magbabasa siya habang may kapit ma bibliya ay hindi ko kailanman nakita noong mga panahong sa akin siya nakatingin.
Unti-unti ko na ring nauunawaan na totoo ngang mahal niya ako, pero mas higit ang pagmamahal niya sa Kanya.
Hindi ko namamalayang kanina ko pa pala sinusundan ng tingin si Hideo hanggang sa matapos ang misa.
Tuwing misa ko lang din kasi siya nakikita. Hindi na rin ako tumatawag o nag-te-text sa kanya. Pero, siya ang nagre-reach out sa tuwing alam niyang sa ibang simbahan siya mapupunta.
Wala akong sinagot niisa sa mga chat na 'yon. Kumbaga, ang sagot ko ay sa pamamagitan ng pagpunta at pagpapakita sa kanya sa kalagitnaan ng misa.
Hindi ko na rin kasi makita ang dahilan kung bakit pa ako mag-re-reply sa chat. Kapag kasi sumagot ako, baka mas lalo lang akong mangulila sa kanya.
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Fiksi RemajaSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...
