Classroom 143 - Chapter 12:

852 28 0
                                    


"HAPPY BIRTHDAY SASHAA!" Sabay sabay nilang sabi.

Eeh? Wow. Birthday ko pala. Tinignan ko yung watch ko. May date kasi to. October 10 pala ngayon. Di ko namalayan.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Di ko alam kung bat nila ginagawa to. Tas kung panu nila nalaman na birthday ko. Wow. Amazing.

"Thank you guys.. Thank you.. mama!! Papa!" Niyakap ko sila ng mahigpit. Masyado ko sila namiss.

"Mabilis lang kami dito anak." Tapos tinignan nya yung nasa likod niya. May helocopter. "Sensya na sa lahat ha. Basta tatandaan mo mahal ka namin ng mama mo." Sabi ni papa. Nakakaiyak. Chos. Tumango lang si mama.

"I love you baby girl." - mama.

"Mahal na mahal ko din kayo, ma. Pa."

Tas niyakap ko sila isa isa. Tas inaabutan nila ako ng regalo. May napansin pa nga ako sa kamay nila Maycee at Ced eh. Couple ring? Hmm.

Lastly, ang niyakap ko ay si Jervy.

"Thank you Jervy. Ikaw ba may gawa neto?"

Tumango lang sya. "Ako nagplano, pero tulong tulong kami sa paggawa." Tas di niya padin inaalis ngiti niya.

Napakaganda kasi. Di mo aakalain na rooftop ng school ito. Dahil inayusan talaga. May chocolate fountain pa sa gilid. Parang hindi talaga to yung rooftop. Napansin ko lang yung railings kaya nalaman ko nasa rooftop kami.

"Haha. Salamat! Maraming salamat sa inyo guys!"

"Di pa yan natatapos dyan." sabi ni Jervy.

"Tita, tito. pwede ko po ba mahiram ang anak niyo?"

"Bawal. Hehe. Joke lang. Sige iho. Ikaw pa. Basta ingatan mo yan ha."

Tas maya maya. May bumabang helicopter sa may field. Wag mo sabihing.. sasakay kami dyan?! WAAAAAAAA!

ANG SAYA NUN!

Yan yung second wish ko sa bucket list ko eh! Haha oo may bucket list ako. Di pa naman ako mamamatay! Anu ba kayo! Panu nalang yung mga nagbabasa neto? Panu nalang si author na sexc. Haha joke lang yung Sexc. Blee

Eto, silipin niyo ang bucket list ko.

'My 2014 bucket list ♥♥
1. I want to see my mom and dad for real.
2. I want to skydiving.
3. I want to see the London Eye and ride on it.
4. I want to know how to bake cookies.
5. I want to ride on a boat.
6. I want to feel the snow
7. I want to see Santa Claus
8. I want to see the sunset.
9. I want someone kiss me under the light of the thousand stars and fireworks.
10. I want to be happy.'

Haha. Ang cute no? Pero corny. =__= ako kasi yung batang walang muwang sa mundo.

Haha. teka. Panu nya kaya nalaman na gusto ko mag sky diving?

Finally nasa itaas na kami at pinapasuot na samin yung pang sky dive namin. Napapasigaw nalang ako minsan sa sobrang excite.

"Teka Jervy, marunong ka ba nito?"

"Hindi." Cold na sabi niya nanaman =__= ehhh? Panu na yan?

Tas habang humahampas samin yung hangin itinulak na kami. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jervy.

"WAAAAAAAAA Ang saya nitoooooo!!!"

"Hahahaha! I love you Sasha."

"Ehh?" Nginitian niya lang ako. And my heart skip a bit. Whut?

Ang saya!! Humahampas sa pisngi ko ang napakalakas na hangin. Whoaaaa :')

Hahahaha. Ang saya ng ganitong feeling!!

Salamat Jervy, Salamat. Pero bakit?

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon