¤ NARRATOR ¤
Naging masaya ang lahat ng araw sa iyon.
Sa dako nila Maycee at Cedrick..
"Umm Cedrick, eto oh! Tanggapin mo!" Sabi ng isang babae kay Ced. Titingin naman siya kay Maycee,
"Ah.. eh.." pinandidilatan lang sya ni Maycee na parang sinasabing, 'sige-subukan-mo-kunin-malandi-ka' umiling nalang si Ced. Umalis naman na nanlulumo yung babae. Ganyan ang senario simula kaninang umaga.
Pumunta silang dalawa sa isang coffee shop na booth roon.
"Wifi, ano gusto mo?" Tanong ni Cedrick kay Maycee. Habang nasa harap sila ng mga menu.
"Lahat." Sabay crossed arms.
Napakamot nalang ng ulo si Ced. "Pa-order nga po ng tig-iisa ng lahat ng yan. Magpapaka-bundat muna yung asawa ko." sabi ni Ced.
Napatingin si Maycee sa gulat kay Ced pero inalis niya ulit.
Umupo na sila.
"Uuy. Wifi! Wag ka nang ganyan! Di ako sanay!""Masanay kana." Nagtatampo parin kasi si Maycee. Akala niya, from the very first ng morning na iyon, may surprise na sa kanya si Cedrick dahil nga, Valentines day ngayon. Pero ni-isang bulaklak. Nga nga.
"Buti pa yung mga boys na umaaligid sakin, nag-iwan ng bulaklak sa locker ko, eh tong lalakeng to, pinagbabawalan din ako na humawak ng kahit anong bulaklak." Isip isip ni Maycee.
"Wooow. Ang ganda naman ng bulaklak na yun." sabi ni Maycee. Kagit bulaklak lang daw na galing kay Cedrick. Ayos na.
"Mas maganda ka." Sabi naman ni Cedrick. Inirapan lang sya ni Maycee na kinikilig.
Maya-maya dumating na yung mga orders nila.
"Talagang in-order mo lahat ha. Tch."
"Kaya kakainin mo yan." In-smirkan naman siya ni Ced. Maloko din si Ced eh.
"Gusto mo ako bumundat no?"
"Di naman." Sabay hawak ni Ced sa lamay ni Maycee. Tinanggal naman ni Maycee yun.
"Ow. LQ sila?"
"Waaa. Pagkakataon ko na to."
"Dali girl, bigay mo na kay Fafa ced yan."
"Pare, bilis. Mukhang LQ sila bigay mo na yung hawak mo."Mukhang nagpupugay na ang karamihan sa mga crush nila.
"Tsk. Tara na nga." Sabi ni Ced at hinatak si Maycee palabas ng gate. Hapon na din at mamaya closing program na ng Foundation/Valentines Day.
Syempre bago sila umalis, nagbayad muna si Ced. At pinakain niya dun sa mga taong nakadungaw sa bintana =_= (yung kaninang mga chismakers)
Papunta sila ngayon sa isang gubat.
"T-teka.. bat mo ako dinala dito?"
"Shh.." at tinapat ni Ced ang hintuturo niya sa bibig ni Maycee sabay lapat sa kanya. Sabay tawa ng mahina. Hatak hatak niya padin si Maycee.
Napunta sila sa isang spot sa gitna ng gubat na iyon.
Isang lawa. Napakatahik, tanging huni ng ibon at ang tugtog na nang-gagaling sa speaker roon.
Kitang-kita na nawala ang pagkairita ni Maycee sa nakita niya. Her eyes filled with tears.. of joy. Oh english yung mga mare.
Ang mga nakapaligid na puno sa buong lawa ay napapalibutan ng mga ilaw na pula na puro hearts. May isang tent, at bonfire na wala pang sindi.
"Happy Valentines Day Wifey ko." Sabay kiss sa forehead ni Cedrick sa babaeng mahal niya.
"Happy Valentines Day din Hubby." Kumiss naman sa cheeks si Maycee. "Akala ko.."
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.